De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

11 February 2011

nagpatotoo ako. hehehe.

yeah, you've read it right. nagpatotoo ako. bale, 2nd time na to. same place, sa OMPH sa Springville Heights sa Cavite.
umattend kami ni Sam. ayun. dumating kami kumakanta sila ng joyful song. tapos after ng ilang song .. umupo kami .. sharing portion na. may unang nag-share. tapos next .. naghahanap yung coordinator... todo yuko ako para di ako mapansin .. pero grabe .. minention talaga ang pangalan ko .. at ano pa nga ba edi dapat na kong tumayo .. yun kasi ang tipo ng mga bagay na di dapat tinatanggihan. so ayun na nga.
buong tapang at confidence akong tumayo at kinuha ang mic (grabe .. san ko kaya nahugot ang confidence na yun .. hahaha. syempre kay God.) so ayun na nga .. wala akong maisip na i-share pero nung nakatayo na ko sa harap .. wala .. dire-diretso at parang may sariling buhay na ang mga labi ko ..nagsalita lang ako. grabe.
maiksi lang ang nagingpatotoo ko. hindi na ko nagdrama pa sa gitna. tamang kwento lang.
bale ito yung sinabi ko.
------------
"good evening po sa ating lahat at good evening din po kay Lord. Sobrang thankful po ako kay God dahil nandito ako ngayon. Gusto ko lang pong i-share yung kabutihan ni God sa akin. So bago po ako pumasok sa CDW, ako po muna ay nag-aral sa Muntinlupa. Noong nag-aaral pa po ako dun, napalayo po ang loob ko kay God, hindi na ako nakakapagsimba at nawawalan na po talaga ako ng time para sa Kanya. So nagpray po ako kay God na sana magkaroon ng way para mapalapit ulit ako sa Kanya. So ayun na nga, nakapag-aral ako sa CDW na sobrang pinagpapasalamat ko talaga kay God kasi malapit na ulit ako sa Kanya. Totoo nga po na kapag wala siya ay di magiging masaya ang buhay, at ang kaligayahang iyon ay natagpuan ko po sa CDW. At pinagpapasalamat ko rin po kay God ang mga tao sa CDW na nakilala ko na tumulong para ilapit ako kay God. Tulad po nung isang brother na kilala ko dun, last week po, bale this week po siya nag-start pero last week, inencourage niya po ako na mag-devotion. so every day and every night po e nagdedevote po kami sa Bible, at nagkaroon po ako ng pagkakataong mabasa ang Bible at grabe, ganun pala kaganda ang mgamessage ni God. Kaya thank you po talaga kay God. Napakabuti Niya."
-------------
ayun lang yung sinabi ko. haha. tanda ko pa e no. ayoko makalimutan para mai-post ko dito. wala lang. di ko naisip yan pero yan ang lumabas sa bibig ko .. at feel ko na galing siya sa puso ko. so ayun, sabi ng coordinator, before daw pag nakikita niya ko sa bahay iniisip niya na napakamahiyain kong bata dahil di ako nalabas ng bahay .. pero ngayon daw .. ayun nakakapag-share na nga ako.
haha.
so ayan .. yang shinare ko na yan .. totoo yan. as in. naalala ko nga, last Tuesday, diba nga nagkadramahan sina Clay, Geh, Wendy, Arjay at ako sa damuhan sa tapat ng school. natanong ako ni Clay nun kung gusto ko bang lumipat. sabi ko, gusto na ni mama pero ako ayoko. tapos tinanong niya kung bakit kasi silang lahat kung may choice lang e lilipat na. ako naman, sabi ko, hindi naman kasi yung school mismo yung habol ko dun .. kung may choice lang din ako gusto ko din naman lumipat. pero iba kasi yung natagpuan ko sa lugar na yun. sbai niya, "friends?" sabi ko, hindi yun. kung friends lang naman, mas marami ako nun lalo na nung nasa muntinlupa pa ako nag-aaral. pero yung peace and happiness. yun ang nakita ko dun.
iba kasi talaga ang naging buhay ko simula ng lumipat ako sa CDW. simple, wala ng masyadong adventure ang buhay ko ngayon .. pero msa masaya ako kesa dati. ngayon bihira o hindi na ko umiiyak palagi. di ako laging takot. di ako laging malungkot. malungkot man minsan at tinatamaan ako ng pagka-emo pero minsan lang .. hindi araw-araw di tulad dati na wala talaga akong kasiyahan sa buhay. noon, lagi akong galit .. puro galit ang nasa isip at puso ko .. puro paghihiganti ang gusto ko .. ayoko ng may nang-aaway sakin. pero ngayon, kahit na may nang-aaway sakin ... di na ko nagagalit sa taong yun. minsan nagagalit .. syempre tao din naman ako ... pero hindi tumatagal at isang pray ko lang ok na ang pakiramdam ko. di tulad noon na buong year ata akong badtrip. tapos ngayon kahit na may nawawala sakin hindi ko masyadong dinadamdam.. kasi naka-focus ang atensyon ko sa kung anong natira at kung ano pa ang dumadating. di tulad noon na may mawala lang e wasak na wasak na ang buhay at mundo ko. yung mga nawala, hindi lang ibig sabihin na materyal na bagay, meron ding tao at feelings .. mga ganun.
so ayun nga, masaya talaga ako sa buhay ko ngayon. di man ganun ka-exciting ang mga nangyayari, wala mang kakaibang twist (dahil di na ko masyadong nakakagawa ng kalokohan .. as in konti na lang.) ayun .. ok naman. masaya pa rin ako. at mas masaya. hindi fake na saya. masaya talaga.
:)

No comments: