De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

18 March 2010

yabang mo te!!!! selos tuloy ako!!!! amp ka!!!!

Hayun o..sa totoo lang inaantok na talaga ako..naka-idlip na nga ako e...pero pinipilit kong ibuka ang mata ko makapag-post lang dito..may chika kasi ko!!!!!hahahaha!!

Diba kahapon sabi ko last day ko ng makikita si crush ko. E kanina alam mo yun si Taray Queen tinamad siyang gawin yung project naming powerpoint. Tapos pagdating sa Lroom nalaman niyang hindi makakaag-exam pag wala nun. Akala ko mapapanindigan na niyang tamad siya di naman pala kaya. Kaya yun ako ayun sinamahan ko siyang hanapin yung hinayupak na may hawak ng flash drive na kung nasaan yung ginawa naming powerpoint presentation para sana sa english namin nung midterm. Kahit na gusto ko na talagang mag-exam...kailangan ko uling magsakripisyo. haha.

Edi ayun. as usual mapaglaro ang tadhana, nagkasalisi kami nung may hawak ng flash drive. So binalikan niya yun sa school. Sabi ko papuntahin na lang..e ayaw so pumunta siya...ayoko ng bumalik ng school kasi ang layo...ayun antagal kong nag-antay...ambagal talagang kumilos nung Taray Queen na yun...di man lang naisip na ako mag-eexam pa...duh!!

Ayun tinulungan ko siya...tapos habang ginagawa namin yun naisip ko..."shet, malamang sa malamang hindi ako makakapag-exam ngayon,,..magkikita pa kami next week ni crush ko..." at buong kilig akong humagikhik. Akala tuloy ni Taray pinagtatawanan ko siya.

Wala lang...hindi ko alam kung sasaya ako...habang pabalik na kami ng school nung natapos na kami...ewan ko ba...basta!

Tapos yun umabot pa siya sa oras..hindi siya na-minusan....(daya nga e...tingnan mo yun aa..ako nagkanda puyat-puyat para matapos ng maaga powerpoint ko tapos siya instant tapos wala ok pa...haizt! LIFE'S NOT FAIR NANAMAN!!!)

Tapos yun pina-check na niya. Naiinis ako kay Taray...ang yabag masyado!!! paulit ulit niyang sinasabi hanggang nakauwi na kami na lagi na lang daw sinasabi sa kanya ni crush ko na "it's quiet interesting...!!" tuwing may sina-submit daw siya. Gaga ba siya ano pa bang sinubmit namin bukod dun??? pauso!!! kainis!! Ayoko sanang magsalita ng di maganda kasi love ko yun si Taray kasi mabait siya saken minsan kaso kasi dito ko na lang ilalabas lahat diba...ayun nga...ang yabang!!!!!!!

Selos ako! Talaga! Gusto ko kasi ako lang mapansin ni crush ko ee..hahahaha!!!joke lang.

Naisip ko nga..."sayo sinabi 'it's quite interesting', saken 'very interesting'...mas ok yun.."....kaso nung hinanap ko ang meaning ng quite at very ito ang lumabas...

QUITE

1. (adv) to the greatest extent; completely; "you''re quite right"; "she was quite alone"; "was quite mistaken"; "quite the opposite"; "not quite finished"; "did not quite make it"
2. (adv) to a degree (not used with a negative); "quite tasty"; "quite soon"; "quite ill"; "quite rich"
3. (adv) of an unusually noticeable or exceptional or remarkable kind (not used with a negative); "her victory was quite something"; "she''s quite a girl"; "quite a film"; "quite a walk"; "we''ve had quite an afternoon"
4. (adv) actually or truly or to an extreme; "was quite a sudden change"; "it''s quite the thing to do"; "quite the rage"; "Quite so!"

http://wordhut.com/definitions/quite.htm

VERY

1. (adv) used as intensifiers; `real'' is sometimes used informally for `really''; `rattling'' is informal; "she was very gifted"; "he played very well"; "a really enjoyable evening"; "I''m real sorry about it"; "a rattling good yarn"
2. (adv) precisely so; "on the very next page"; "he expected the very opposite"

http://wordhut.com/?search=very


Kainis!!! Tingnan niyo mas ok yung meaning ng quite sa very... T_T
Nakakalungkot..mas na-appreciate niya yung kay Taray kahit di pa niya napapanood...kakaselos talaga...!!!!

Hay...wala na...ayoko na talaga kay crush ko...ayoko na..hai,..

E hindi naman magagawa ni Taray yun kung hindi ko tinuro sa kanya kung paano...tsaka 2007 gamit niya kaya mas maganda ang features...e ako kinailangan kong ilimita sa 2003 kasi nag-present ako s Lroom..pota!....buti pa siya send na lang sa email..kainis. Kainis talaga. Bat kaya ganun no may mga tao talagang pinapaburan lagi ng tadhana...

Naiinis talaga ako...

Take note:

Hindi man lang nagpasalamat si Taray Queen ever since. Selfish na mayabang pa. Feeling niya rin kasi napakatalino niya,,,....amp!!!

I hate this day!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

ok na sige na matutulog na ko...

Naaawa na kasi ako sa sarili ko..para na kong adik sa laki ng eyebags ko. latang lata na katawan ko pero kasi inspired ako kaya ayun ganado pa rin. Hirap talaga pag ganitong may tama ako sa isang tao e. amp!

Sige good night..!! Bukas ulit!!!!

ayoko pa!!!!!!!!!!!

Ayoko pang matulog!!!!!!!!!sarap mag-type!!!!!!!feel na feel ko infairness...pano kaya ko ng mag-type ng di masyadong natingin sa keyboard. haha.

niaantok na ko pero madami pa kong gustong ikwento..

...kaso kasi maaga akong papasok bukas kasi baka at malamang sa malamang eh yun na ang huli naming pagkikita ni crush ko (except na lang pag dinalaw ko pa siya sa 'Lroom'). Hay, di ko na nga pala siya crush no. hahahaha. Siguro bukas pag nakita ko yun matatawa ako. Ang post ko nga sa fb ko e "papasok ako ng maaga bukas kasi last day ko na siyang makikita". Parang tanga talaga. Tapos nung nakaraang gabi ata yun yung initials naman niya post ko. Grabe parang tanga. Hayaan mo na crush lang naman. Tsaka tapos na my gosh!hahaha!!!he's married (period).