De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

24 February 2010

pogi!

hmm..wala gusto ko lang i-share na kanina nung pauwi na kami ng aking kapatid sa Cavite, may nakatabi akong high school student sa jeep. Grabe anlakas ng dating! Ang pogi tapos maputi...tama lang ang height niya para mataasan ako..tapos ang bango pa!!!

waaaaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!

grabe ang saya-saya ko talaga...hahahaha!!minsan ang ako humanga sa lalaki...at para saken yung hinahangaan ko the best talaga...

kaso kaninang tanghali bago kami matulog sabi ko sa kapatid ko ang gwapo nga nung katabi ko tapos crush ko..sabi ba naman niya kaya daw tingin ng tingin saken yun kasi iniisip na nadami ko daw tigidig sa mukha...grabe na-disappoint talaga ako sa sinabi niya!! dahil don hindi ko na crush yung guy kasi as usual parang tanga lang nanaman ako nun...ang gwapo nun, pangit ako.tama nga ang sinabi ng kapatid ko..

pero magkapera lang talaga ako..lahat ng pagbabagong kailangan kong gawin sa sarili ko gagawin ko..

patutunayan ko na sa susunod na may titingin saken, may mas maganda na silang dahilan kung ba't di maalis ang tingin nila sa akin..

at gagawin ko ang lahat lumuwa lang ang mata ng maldita kong tita pag nakita niya ko..

masasabi niya sa sarili niya na lahat ng pinagsasasabi niya na panlalait at mga pinagdudukdukan niyang kapalaran ko ee mali..at magsisisi din siya.

pag nangyari yon...hindi ko alam.

gaganda din ako..di man ngayon...pero bukas!

bow.:)