De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

11 February 2011

hirap nga akong tumanggi ,. tsk.!

kanina .. niyaya ako ni Clay na mag-alay lakad .. gusto daw nila ni Geh ... tapos sabi ko, "Clay, alam mo naman .. di ako tumatanggi.."
ewan ko ba kung bakit pero napakahirap talaga para sa akin ang tumanggi. Buti nga ngayon medyo marunong na kong magsabi ng "hindi" e .. di tulad dati .. as in parang napaka-forbidden ng word na yun.
katulad na lang yung sa cell phone ko .. personal kong gamit yun. tapos syempre kaya ako nag-cellphone dahil ginagamit ko. pero sa school, dati nung nag-aaral pa ko sa Muntinlupa, ginagawang camera ng mga kaklase ko ang cellphone ko. Buong araw di ko yun mahahawakan .. tapos pag uwian na babalik na sakin tapos full memory na. Nung sa CDW na ko, ayun mas lumawak ang naging pakinabang ng cellphone ko para sa ibang tao. Sabi nga ng isa kong kaklase .. pwede na raw ako magpa-"pay cellphone" sa classroom. Paano, ganito ang scenario...
Si Ariane, gagamitin yung pantext ko tsaka yung pang-call ko para kontakin ang boyfriend niya na sabi nya ay di niya daw boyfriend (pero naga-i love you-han sila). E dati di naman ako nag-a-unli call kasi di ko naman nagagamit .. iniipon ko lang yung tig-20 mins. call na nakukuha ko sa two days kong unlitext. e dahil di nga ako masyadong natawag, pinapagamit ko na lang sa kanya ang pantawag.
Tapos si Rodolf din .. noong di pa nawawala yung phone ni Beth (ang kanyang girlfriend) e lagi din niyang tinatawagan ito gamit ang aking cellphone. Naalala ko nga minsan e .. meron akong natirang 90mins. na pang call .. takte grabe ... naubos niya yun ... astig talaga ... pero ayos lang .. hindi naman ako nagalit .. nagulat lang ako kasi .. grabe wala lang. wala lang. hahaha.
Tapos here comes Sai. Yung cellphone niya kasi hindi nag-cha-charge kaya one time humingi siya ng favor sakin na kung pwede yung cellphone ko gagamitin niya para i-charge yung battery nya. Buti kasya yung battery. Ayun pumayag naman ako.
Tapos ito pa .. si MP ..hindi niya alam .. isa rin sya. Hindi naman niya direktang hiniram ang aking cellphone .. pero ganito naman ang style niya. Tatawag siya sakin (dahil ako lang daw ang may contact sa kanya kahit alam ko namang di totoo yun) tapos ayun kakausapin nya ang ilan sa mga kaklase namin (na tuwing iaabot ko yung cellphone ko, nagtatanong kung sino yun, hindi na lang diretsong kausapin .. e ako naman nahihiya akong sabihin na si MP nga dahil katulad ng inaasahan, nagtataka sila kung bakit natawag sakin yung ano na yun. haizt.) So ayun. Medyo minsan naiinis ako kasi yun nga .. nahihiya nga kong ganun .. kasi nga iisipin nila .. bat ganun. Pero hindi naman ako pwedeng tumanggi kasi simpleng bagay lang naman yun diba.
So ayan ang kwento ng aking cellphone. Isa lang yan sa mga bagay na hindi ko kayang ipagkait sa ibang tao. Ilan pa sa mga bagay na hindi ko pinagdadamot ay ang aking oras at effort (kahit gusto ko ng umuwi minsan ng maaga pero pag may nagpapasama sinasamahan ko.. ), pera (mahilig din akong magpautang lalo na sa mga kaawa awang mga nilalang .. pero noon yun ..hahaha.), baon (ang baon ko, kadalasan ibang tao chumichibog. tapos minsan ibinibigay ko ulam ko kahit kulang na .. tipong ganun.), mga libro (dati hindi ako nagpapahiram ng libro dahil nasisira .. pero ngayon .. kulang na lang magpa-book rental ako .. ), at kung anu-ano pa.
Ok. Hindi ko ito sinabi para ipangalandakan na mabuti akong tao (pero kung iyon ang nasa isip mo, wala na akong magagawa pa). Hmm.. sinabi ko to para sana matulungan ang sarili ko na kahit minsan naman ay matutong tumanggi. Kasi katulad kanina.. sabi ko nga kina Clay at Bro. Jerry, pagka ako niyayang mag-ano .. di rin ako makakatanggi .. pero syempre joke lang yun.
Sabi nga nina Clay at Geh .. masarap daw akong kasama .. kasi isang yaya lang di daw ako nagdadalawang isip. Tulad na lang pag nagyayaya sila mag-SM. tapos tulad na lang din dati nung biglaan kaming pumunta kina Clay sa Makati. cute. hahaha.
Pero kasi . .. dito ako masaya e. Masaya ako kapag nagagawa ko yung pabor na hinihingi ng iba. At sobrang lungkot ko naman kapag hinihindian ko sila. Kaya ganun.

No comments: