De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

13 October 2009

ilocano..

anu ba yan si Papa Jack! (salawahan ako pasensya na.) di maintindihan ang pinagsasasabi!
naalala ko, si -----, Ilocano sila..hay..naaalala pa niya kaya ako??
sana hindi. joke!

WSU

tapos na ang Wanted Sweetheart,, andito pa din ako..at ang mga kalat ko..

amp!

nagko-confess na ko e nabura naman! tapos di pa effective ang undo. baka ayaw lang ipaalam ang experience ko..haha. sige, bye na nga. tulog na ko. tomorrow na ulet!

hamburdey!

happy birthday Papa Gio!!

no time..

hindi ko talaga (sa totoo lang) maintindihan kung bakit ngayon e kulang na kulang ang 24 hours para sa lahat ng tao. Kahit ako ramdam ko ang krisis na yan. kani-kanina nga lang, naisip ko na kulang pa ang 24 hours para lang aa,, yun nga, naisip kong kulang pa ang 24 hours para ma-access ang facebook ko. yung as in magagawa ko ang lahat ng gusto ko, na dapat sana kahit pang isang oras lang pero dahil nga sa di mo maintindihan kung marami ba o sadyang wala lang katapusan kasi kulang pa isang buong araw mo para matapos yun. dapat wala ka pang break nun kahit umihi.
kaya nga, masyado ng mabilis ang oras ngayon.
doon tayo sa mas simpleng bagay, ang araw-araw na buhay. ako, pag Monday, ginigising ako ni Mama ng 4:30 AM. bumabangon naman ako agad. 10 minutes bago ako makababa kasi aayusin ko pa higaan ko tapos tatahakin ko pa ang aming hagdan. pagbaba, diretso ako sa cr, (mabait kasi Mama ko, ready na lahat, mainit na ang tubig sa balde, bukas na ang shampoo at conditioner ko, yung towel ko nakababa na, maliligo na lang ako. swerte ko talaga.). tapos aa,, mga 5 minutes muna ako uupo sa bowl, tatantsahin ko muna ang init ng tubig, isasawsaw ko ang kamay ko sa balde para magising ako at pag yun na nga, gising na ko, mag-uumpisa na ong maligo. mga 5:30 AM tapos na ko niyan, magbibihis na ko ng sando muna tapos short. bubuksan ko na ang tv taz magchacharge ng fone. kakain ng masarap na breakfast na syempre pinrepare ng Mama ko. naalala ko nga minsan nakahimay na yung ulam ko. bait talaga ni Mama. taz yun, mga 6:00 AM aalis na ko (syempre naka-uniform na ko tapos nagsipilyo, nagpowder..). tapos pagdating ng school, (7:30 AM), umpisa na ng sampung oras ng pagsasayang ng panahon ko sa loob ng paaralang yun. mga 5:30 PM, wow! favorite ko yan! as in kumakaripas na ako ng takbo niyan palabas. kahit wala na kong kasama ok lang. dadating ako ng bahay mga 7:30 PM. magbibihis ako, maghuhugas ng iilang mga plato at baso, magwawalis, magbubukas ng tv. ang nakakainis, 9:00 PM na e yun lang ang nagawa ko, ni di ko man lang nagagawa ang mga gusto ko. di man lang ako nakapag-internet. tapos dadating na sina Mama. kakain na kami. magdadasal ng night prayer tapos matutulog na sila..11:00 PM, tapos na ang mga palabas na gusto ko, makikinig na ko ng Wanted Sweetheart. di na ko nakapag-internet. makikita ko na lang ang sarili kong aakyat at hihiga sa kama, iniisip kung ano bang makabuluhang bagay ang nagawa ko sa araw na yun. hindi naman sa sinasabi kong walang kwenta ang mga ginagawa ko araw-araw, sabi nga nila, dapat nating i-appreciate lalo na yung mga routines natin, hindi yung taken for granted lang katulad ng ginagawa ko. pero ang point ko dito is, natatapos ang araw, ng di ko pa tapos lahat ng kailangan kong gawin. may listahan ako lagi ng mga dapat kong gawin, at pagkalipas ng isang linggo, santambak pa rin, iilan lang ang may markang nagawa ko na.
tumatanda na nga ako. katulad nila, hinahabol ko na rin ang oras. sabi ng kaibigan ko kanina nung ka-chat ko siya, "wala na kong time para magpahinga." nagulat ako. walang time magpahinga?? san ka naman nakakita non? akala ko mga katulad lang ni Manny Villar ang ganun, pero pati pala kabataan ngayon ganun na rin. nagrereview siya kanina para sa finals nila bukas. grabe. may mas malala pa pala sa akin. kung ako nakakatulog pa ng kahit 3 hours, siya e wala, wala ng time kahit na simpleng pahinga lang. di ko alam kung ano ba magiging reaction ko. para sakin kasi di siya magandang sabihin. hindi siya makatwiran. hindi.
linggo, pinaniniwalaang rest day. noong unang panahon (para saken matagal na kasi yun), pag linggo, family day yan. walang traba-trabaho, pahinga to! pero ngayon, Pasko na lang ata ang family day, o minsan nga hindi pa. marami na kasi sating naniniwala ngayon na pag nagpahinga ka ng isang araw isang malaking kawalan ito. kawalan na pala ngayon ang magpahinga. kaya hindi mo rin maitatangging pabata ng pabata ang namamatay ngayon e. kasalanan to ng mga assignments(haha!xD)!!

assignment, assignment, SUNTUKAN

hay...di pa nama ako pagod pero naiinis ako kasi gumagawa ako ng napakadaming assignment ngayon para lang naman sa iisang subject..English.
nakakaasar kasi tambak, e di ko pa memorize masyado yung piece sa Filipino na bukas ko na ilalahad sa klase, tapos may long quiz kami sa Earth Science..ampness!!
pero di talaga ako nag-aalala sa mga yan, naisip ko kasi nasasayang oras ko sa paggawa ng assignment. imbes na pa-inter-internet na lang ako e naubos na oras ko kakakopya ng mga lesson na grade 1 pa lang diniscuss na. di na kasi ako sanay gumawa ngayon ng assignment. alam niyo naman na yung POOR study habit ko noong high school. ngayon, aba, nagawa na ko ng assignment,, kulang kasi resources sa school, dami kong kaagaw at nahihiya akong magsulat dun kasi pag nabasa nila taz mali..naku! dati, nasanay akong sa school na gumagawa ng homework...nadala ko rin sya siguro nung Prelim nitong first year- first sem ko sa College pero nagbago ito. bagamat meron kaming isa't kalahating oras na break sa tanghali, sinisikap ko na ngayong tapusin sa bahay ang mga panira ng araw na mga takda. kasi pag sa school ko ginagawa, 1 hour and 20 minutes akong tatambay at mag-iisip ng kahit na ano. after 5 minutes mapagpapasyahan kong magtatatakbo paakyat ng library para mag-research, mababadtrip konti kasi wala doon ang hinahanap ko at maiisip kong asa libro ko yun nung hiogh school na lubos kong pagsisisihan pagbalik ko ng classroom. pero di naman ako nawawalan ng assignment. laging may paraan. pero maipagmamalaki kong di ako nangongopya ng assignment. isang beses lang ako napilitang kumopya dahil isa lang sa aming lahat ang meron..pero di na naulit yun.
hmm..naalala ko tuloy yung talumpati ko nung 4th year high school ako. bagamat tungkol sa 'kahalagahan' ng high school yun (tungkol lang sa experience sa assignments, projects..mga nagbibigay ng stress sa studies.), di pa rin ako natutuwa sa mga assignments at kung anu ano pang mga pahirap sa school. baduy kasi ee. hindi. aa. kasi pahirap siya. ganun lang yun. lahat naman ng tao ayaw ng nahihirapan diba. sasabihin may maganda ding dulot yan..pero ganun din yun, pahirap pa rin. pwede ka namang matuto ng di nahihirapan diba. pero sabi nga nila, ito raw ay "inevitable". oo na sige na.
ayan, tapos na ang shining inheritance, at napagpasyahan ko ng di na ituloy ang pagsusulat ko. tinatamad na ko ee. dami kaya! bukas na lang, gigising naman ako ng maaga e.
assignment..naku!