De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

11 February 2011

"Kahit tayong dalawa na lang ang matira sa mundo di kita papatulan..."

"Kahit tayong dalawa na lang ang matira sa mundo di kita papatulan..."
Common. Oo. Maraming tao na ang nakapagsabi niyan (malamang isa ka na dun).
Paano nga kaya kung isang araw, magising ka na wala ng ibang tao sa mundo kundi ikaw na lang at yung pinili ng Diyos na makasama mo (as in kayong dalawa na lang sa mundo)?
Yan ang naisip namin ni Geh kanina. Paano, gusto nya daw manuod ng sine. Sabi ko, "Bulong ba talaga ang gusto mong panuorin?" Sabi niya, "Ok lang. Pero gusto ko rin yung My Valentine Girls". So ayun, dun kami nagkasundo. Sa Wednesday na nga ang plano e. Sana matuloy.
So ayun nga .. paano nga ba?
Sabi ko kay Geh nung nasa jeep na kami pauwi, paano kung si Ardee ang makasama niya tapos silang dalawa na lang. Sabi niya, kahit sino na lang daw, kahit pangit ..wag lang si Ardee . o kaya magpapaka-zombie na lang daw siya. hahaha. Ayaw niya talaga kay Ardee. Asar na asar talaga siya dun.
Pagbaba ni Geh ng jeep, naisip ko, paano kaya kung kami ng crush ko (crush nanaman ang term! euphemism! hahahaha!) na lang ang matira sa daigdig (daigdig talaga a.)?
Naisip ko sana siyang tanungin (yung crush ko) kaso nga ... prang ayaw na niya kong kausapin ngayon ng tungkol sa mga ganitong mga bagay ... feeling ko nga yung ano na lang yung dahilan niya kaya siya nakikipag usap sakin e. kaya ayun. :(
so balik tayo sa tanong .. paano nga kaya kung kami ni crush ang matira sa mundo?
iniisip ko, ano kayang gagawin namin? magtititigan? magkukwentuhan? haizt. magustuhan niya kaya yung idea? sana sabihin niya sakin na gusto nya kong makasama ...kahit isang araw lang .. yung kaming dalawa lang .. tulad ng sabi niya noon na kung may choice lang siya .. gusto niyang makasama ako kahit sa magdamag lang .. (eklat! hahahaha!)
hahaha .. so yung last line joke la ng yon. aa .. ayun. paano nga kaya no? ansaya siguro. hindi .. masaya talaga! kaming dalawa lang .. ialis muna natin dito ang usapin tungkol sa 'moral na obligasyon ng pagpaparami' a ... ang gusto ko dito .. yung .. magkasama kami. kaming dalawa lang. alam mo yun. yun lang naman kasi ang gusto kong mangyari. ang makasama siya. ang makausap siya ng hindi kinakabahan kung may nakatingin na iba. ang maipakita sa kanya at maiparamdam ko sa kanya kung gaano ako kasaya dahil nakilala ko siya at naging kaibigan. yun lang naman e. kasya na yun sa isang araw diba?? bat kaya di mangyari?? kailangan pa bang mawala ang lahat at kami na lang ang matira? kailangan ko pa bang mag-isip ng mga ganito ka-imposibleng bagay kung pwede namang mangyari ang sa totoong buhay? kailangan ko pa bang mangarap, mag-imagine at managinip para lang makasama siya?
haizt. buti pa siya. kasama niya siya. malamang sa mga oras na to .. ginagawa nila ang 'moral na obligasyon ng pagpaparami'. hai. hai talaga. hai. hai. hai.

No comments: