De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

30 July 2013

My Husband's Lover Day 36

Sayang wala akong makitang picture nung scene kanina sa My Husband's Lover na pinipicturan ni Eric yung parts ng Condo niya. Habang ginagawa niya yun nagfa-flashback ang lahat ng alaala nila ni Vincent sa isip niya. Akala ko nga ang purpose nun para itago at alalahanin ang mga alaala, pero di pala, ibebenta niya kasi pala yung unit niya. Sino nga naman bang gaga ang gagawa nung una kong nabanggit? EH SINO PA, EDI AKO.

Sinubukan kong kuhanan ang mga lugar at bagay na may alaala kami. ultimo waiting shed, jeepney at parte sa bahay namin na may alaala kami pinicturan ko. Para itago. Para hindi mabura ang alaala sakaling magbago man ang mga iyon. Pero di ko pa natatapos, binura ko na ang maraming pictures at videos (may insidenteng kinuhanan ko ng video ang isang lugar na pinuntahan namin noon). Kasabay kong binura nun yung diary ko kung saan nakasulat yung mga time, situation at place na bigla ko siyang maaalala at ano ang dahilan nun. Yung pagkakasulat parang kinakausap ko siya sa isang sulat. Nabura ko na lahat yun. Yun yung araw na nagdesisyon na akong burahin na ang mga alaala niya, para maka-move on na ko.

Wala lang. Naalala ko lang yung nagawa kong kahibangan. Tanga ko no? Hindi ako proud na tanga ako, pero hindi ko rin naman ikinahihiya yun. Yung minsang naging tanga ako at sinulit ko pa, diba nga live life to the fullest. So walang dahilan para pagsisihan ko ang mga ginawa ko, lalo pa't ginusto ko naman lahat yun. 

Ngayon, kung sa part na nanghihinayang ako na binura ko ang mga iyon ... hindi rin. Kasi sa isip at puso ko hindi pa nabubura ang mga iyon. Kayang kaya kong isulat ulit lahat yun, hindi nga lang ang saktong date. At kayang kaya kong puntahan uli ang lahat ng lugar na pinuntahan namin noon at kuhanan ito ng mga litrato. Kaso di ngayon. At wish ko nga sana eh, kapag ginawa ko yun, gusto ko kasama ko na siya. Kung di man mangyari yun, gagawin ko pa rin bago ako mamatay. Promise yan. :) 

Bago matulog, pabaon ni Papa Jack. :)

SINGLE AKO ..
Hindi dahil wala akong makita, ayoko lang talagang sumubok sa iba..
Kasi HINIHINTAY PARIN KITA!

Kapag mabilis na sya BUMITAW, NAKAKAPIT na yan sa iba.

"Pahalagahan kung sino ang nandyan. Pabayaan at wag pilitin ang mga nang-iiwan."