De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

19 September 2011

Eto na nga ba'ng sinasabi ko e .. tsk.

Naks .. anlaki no. Anlaking katangahan ko nanaman kasi e .. hahaha! Oo, may crush ako .. ah .. hindi pala .. hindi pa pala confirmed. Feeling ko lang naman. Ayun.

So ayun na nga .. parang may crush na ko. Kasi naman e.. nakakainis! Para kasi akong tanga. Pero tulad nga ng sinabi ko .. hindi pa confirmed .. feeling ko papunta pa lang sa ganun pero .. ayokong mangyari yun. Kaya kailangan kong agapan kung ano man to ... kailangan ko ng mag-isip ng mga nakaka turn off na bagay tungkol sa kanya!!! LOL!! (isip-isip).

Para akong tanga no?? Parang ewan lang talaga. Natatawa ako sa sarili ko kasi ... ako .. dalawang pagkakataon lang ako nagkakagusto sa isang lalaki .. una, pag umamin siyang may gusto sa akin (syempre depende pa rin sa sinseridad) at pangalawa .. kapag inaasar ko ang sarili ko sa kanya. Takte, garantisado ... nagkakagusto talaga ako. Parang ewan lang talaga. Hindi ko naman sinasadya ... sabihin na nating nakakarma lang ako sa mga pinaggagagawa ko. Pero nakakainis kasi e. Parang tanga talaga. 

So ayun .. ayun na nga. Wala naman akong balak sabihin ito kahit kanino .. lalo pa't wala na akong well trusted friends ... itatago ko na lang ang bawat kilig sa sarili ko. Hahaha! Isa pa .. di pa nga confirmed .. at gagawan ko na ng paraan wag lang matuloy ... nakakahiya naman kasi sa taong yun . sabihin niya ... nako. crush ko siya. Eh hindi naman !! LOL!!!

Pero infairness .. gusto ko na rin na magkacrush sa kanya. Kasi dahil sa kanya .. nakalimutan ko si t0000000000t ,,, as in di ko naisip buong araw. Kaso mahirap na .. ayoko na uling masaktan e. Kaya .. nako habang maaga pa kailangan ko ng agapan .. mas ok ng walang pakiramdam kesa in love nga, nasasaktan naman. AYoko. Magpapakamanhid na lamang ako. hahahahahahha!!!!

Ahai ...