De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

08 March 2010

naiinis nanaman ako.

Naalala ko nanaman yung notes ko sa Math. Naiinis nanaman ako.

Naiinis talaga ako kay Ate Vhie (hindi ko na itatago ang pangalan kasi naiinis talaga ako). Naalala ko nanaman kasi na nasa kanya ang most recent notes ko sa Math. Alam mo yun...naiinis ako kasi ang selfish niya..usapan namin ibabalik na niya LAHAT as in BUONG notes ko tapos hindi pala.

(Grabe, ito nanaman ako...balik nanaman!!)

Nakakainis lang kasi plano ko ng mag-review sa Math..kasi may quiz kami sa Tuesday,...pero wala...!!!

Gusto kong magmura sa galit pero kasi ako nanaman talo nito e...ako nanaman galit. Alam mo yun...I don't want to lose people just because of my uncontrolled emotions. Pero kasi nakakainis naman talaga e! Nakakagalit!

Tapos after nanaman nitong galit ko maaawa nanaman ako..na nakakainis kasi kahit gusto kong gilitan ng leeg at patayin ng walang habas ang taong nakakagalit sakin...hindi pwede. Isa pa, nasa isang kondisyon siya ngayon na dapat mong kontrolin ang lahat para lang maprotektahan siya.

Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis.

Sana mabigyan ako ng pagkakataong masabi sa kanya ang lahat-lahat ng galit ko.


katakot.

Hay..kasalukuyan kong ginagawa ang project naming powerpoint presentation sa I.T...(at kakatapos ko lang makita ang mga pictures ni Maria Ozawa....xD)

Nakakainis...kasi ang ganda na ng plano ko sa powerpoint presentation na gagawin ko...gagawa sana ako ng interpretative music video..kaso naman...! Ayaw ni Sir...gusto niya yung as in report...kahit anong topic. Letche! Ang baduy naman..napaka-common..at ang nakakainis dun mahirap mag-isip ng specific topic.

Kaya ayun, nauwi ako sa Phobias. Hindi nga siya specific topic e..kainis talaga. Kailangan ko pa tuloy mag-search ng bonggang bongga..haizt!

Mali ata ako ng topic na pinili...kasi phobias diba...e ako mismo natatakot sa mga pinagse-search ko..haynako!

Pero no choice..ito ang interesting topic na napili ko. Hayaan mo na nga...basta may maipasa.

Hay...