De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

06 February 2011

tutulog na nga ko.. haizt! dami ko pang gusto i-post!

kahit na gusto ko pang mag-post .. kailangan ko ng matulog .. ansakit na talaga ng ulo ko . isa pa .. magmemeditate pa ko bukas ng umaga .. kinakabahan ako kasi baka magkamali ako .. Lord ..help me please.. :) Good night.

At ease ka na ba?

ayan ang last question niya nung magkatext kami kaninang tanghali. ano yun e bale magkausap kami sa phone .. e dumating na sila mama galing sa grocery so kumain na ko .. tapos binaba niya ang phone .. taps nagtext siya .. at ayan nga yon.
ang nireply ko .. a .. basta sabi ko medyo. tapos tinanong ko siya kung ano sa tingin niya.
sabi niya ok lang. tapos ayun wala na. di ako nagreply, di na rin siya nagtext.
tapos nung gabi nga tumawag ulit siya. sabi niya explain ko daw. pero di ko ginawa. tinatamad akong i-explain . isa pa ... dapat pa bang i-explain yan?? grabe magsisinungaling pa siya .. sabi niya naka-screened message daw ulit di niya daw nabasa .. e abnormal pala siya e .. nagreply pa nga siya ng ok lang. ayun di siya nakalusot tumawa na lang. at dahil jan di niya ko nakumbinsing i-explain.
At ease na nga ba ako?
ayun din ang iniisip ko kanina habang kausap ko siya sa phone bago pa man niya itanong. hmm .. tingin ko parang medyo ok-ok na ko sa kanya ... I mean, hindi na ko ganun ka-ilang di tulad dati.
katulad kanina .. yung topic namin ay about sa ano .. basta ... hindi naman super pero at least .. basta di na ko masyadong ilang.
maganda yun ... pero naisip ko .. sana sa personal maging at ease na rin ako sa kanya para naman diba .. hindi na mahirap makipag-usap. sabi ko nga sa kanya kahapon, iniisip ko minsan kung kaya ko kaya siyang kausapin tulad ng pakikipag-usap ko kay Bro. Jerry. pwede. pero mahirap.
ayun .. hindi naman at ease. tama lang. as in tama lang. at sana mag-improve pa diba. para naman masaya. :)

happy sunday. :))))))

wahahahaha!! ayun o! ako na madaming happiness today. sayang di na ko nakapag-online kagabi .. kasi naman .. naaliw na ko kakabasa ng cosmo. hahaha.
ayun .. so .. wala ,.. hindi naman masyadong boring ang araw ko .. infairness a .. sunday ngayon pero may kwenta naman ang araw ko.
so ayun .,.. masaya ko ngayon kasi masarap ang ulam (hahaha! bbq! napilitan pa kong umuwi para lang sa ulam na yan .. inuto nila kasi ako .. pero sarap talaga grabe.)
bukod don..
nakapanood ako ng doraemon sa bahay.
bukod ulit don...
nakita ko si ate grace. :)))
at bukod don ....
o sige na ...
well ....
nakatext at naka-usap ko ang isang kaibigan sa phone. (naman!)
ok. linawin ko lang. hindi espesyal ang taong ito sa buhay ko. isa lang siya sa mga pampabadtrip ng araw ko .. oo totoo pampabadtrip talaga siya .. pero .. aaminin ko masaya ko pag kausap ko siya.
ooppppss!!! hindi dahil may kung ano akong pagtingin sa kanya .. walang ganun .. wala ng ganun ngayon. wala na talaga. masaya lang talaga siyang kausap kahit nakakaasar. (try mo kausapin minsan.)
hindi. ito pa kasi ang nakakatawa dun. sunday ngayon. pag sunday hindi nagpaparamdam yun. parang forbidden day na ewan. pero kanina . grabe .. nagising ako sa text niya .. 'good morning' lang naman .. tuwa naman ako. hahaha.
pero di ko nireplyan yun. kasi nga sunday. hindi ako sanay na nakakatext siya e.
tapos mga tanghali. gulat ako may tumawag. aba siya. ayun nakapag-usap kami. sandali lang naman .. tamang minuto para makapag-kwentuhan kami ng kaunti.
tapos text. tapos tumawag ulit siya. tapos text ulit. tapos wala na.
tapos nung gabi na tumawag ulit siya. ayun sandali lang naman ulit. tapos tapus na.
naalala ko kanina .. edi yun magka-usap na kami sa phone nung gabi na .. pauwi na kasi siya sa kanila galing siyang bulacan sa parents niya (kaya siya nakatawag sakin e. i know ryt.) ayun .. naglalakad daw siya sa bayan pauwi sa kanila. usually kasi nasakay siya ng 'wheeler' (padyak) umpisa nung wala na siyang motor. tapos sabi niya kanina .. magpapasundo daw siya sa motor sana ..kaso di na lang para masanay din daw siya (sa paglalakad) at dahil mabibitin daw siya. di ko na tinanong kung san siya mabibitin (kasi alam kong mabibitin siya sa pakikipag-usap sakin. joke lang! nakakahiya ako .. ang feeler ko masyado! hahahaha!). ayun lang.
tapos kani-kanina lang nagtext ulit siya. sinend niya yung mga verses sa Bible para sa meditation bukas (gosh! kinakabahan ako!)
ayun lang.
hindi lang naman siya ang nakatext ko. marami ding nagtext sakin pero si sarah lang nireplyan ko. ayun sandali lang. gulo niya kasi katext.
si tonet nagtext kanina .. di ko mareplyan kasi di ako maka-unli sa globe. haizt.

"Do you really mean what you wrote?"

nung Friday, ayun nga, hiniram ni MP yung Bible na tagalog. binigay ko sa kanya kalakip ang panyo na binurdahan ko ng pangalan niya at nung invisible pen na ginamit niya para mabasa ang sinulat ko sa panyo.
hindi ko maalala ang saktong mga sinabi ko dun pero sa pagkakaaalam ko, nilagay ko dun kung gaano ako kasaya dahil binigyan niya ko ng Bible. sinabi ko rin dun na sana di siya laging masungit dahil natatakot ako sa kanya at nalulungkot ako kapag di kami magkasundo. nilagay ko rin dun na masaya ako na nakilala ko siya at naging kaibigan. tapos sabi ko pa dun, alam kong wala siyang pakialam sa panyo at sa message ko dun pero at least, if ever man na di na kami magkaibigan sa future, nasabi ko ang mga bagay na yun. tapos sa huli nilagay ko, lagi kaming bati dapat.
ayun. so .. alam mo naman siya .. kaya ayan .. as expected .. nagtatanong siya tungkol dun. kahapon ng umaga, nagtext siya .. nagising ako sa text niya as usual. tanong niya, "Do you really mean what you wrote?". sabi ko, nung habang sinusulat ko yun, oo... pero ngayon hindi na. aba, sabi ba naman .. ano ba daw yun, lokohan? tapos sabi ko, joke lang .. para matapos na lang .. kasi di talaga siya titigil alam ko. tapos ayun.
yan ang nakakainis sa kanya e. binigay ko na nga yung sulat para ok na grabe magtatanong pa talaga siya. hindi na lang tanggapin kung ano man yun. gusto pa niya hinahalungkat ang lahat. nakakaasar. abnormal talaga siya.
tapos ayun .. tumawag din sya nung time na yun .. tapos text text .. asa sala nga ko nun e nanonood ako ng Lilo and Stitch sa ABS CBN tapos sa GMA naman yung Let the love begin. ayun. tamang usap lang. di ko na maalala yung ibang napag-usapan.
tapos di niya nabalik sakin yung Bible .. paano di niya ko nakita sa Amvel. pero ang totoo niyan parang nakita ko sya ... kaso di ko siya nilapitan agad .. paano .. nagsusulat ako nun .. nakayuko ako tapos pag-angat ko ng ulo ko wala na siya.
so ayun lang.
yung sagot sa title .. syempre kung ano man ang sinulat ko yun talaga yun .. galing yun sa puso. ako naman e mas matinong kausap sa sulat kesa sa personal, sa text o sa tawag.
sana yun na ang huling sulat ko sa kanya.