De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

27 January 2012





Hello Blog!

Wow. Sa buwan na ito wala pa akong masyadong naipo-post. Una't huling post ko e nung January 2 pa. LOL

Ano nga ba nangyari sakin nitong mga nakaraang araw na di ako nagpaparamdam dito?? 

Wala, masaya lang kasi ang buhay ko. At masyado akong busy kaya pati yung paborito kong pampalipas oras na pag-i-internet e nakaligtaan ko na. Ang galing nga e. Hindi naman sa sinasabi kong produktibong mga bagay ang ginawa ko .. actually hindi rin pero mas ok siya kesa sa pag-upo at pag-e-emote dito sa internet. Pero ngayon .. I'm back. Mukang mapapadalas nanaman ang pagbisita ko dito. 

Ang blog ko ay isang bagay na tinatakbuhan ko kapag malungkot ako. Pansin ko lang. Tuwing mag-e-emote ako ang sipag-sipag kong mag-share .. pero pag masasayang bagay ang nagaganap sa akin ni di ko maikwento rito. Ansama e no. Well, yun naman kasi ang purpose ko nung gawin at simulan ko ang blog na to. Nandito ito dahil ito ang isa sa mga paraan para mai-release ko ang emosyong di ko naman pwedeng i-express sa totoong mundo. Isa pa, dito sa internet feeling ko andami kong katulad (totoo naman), andami kong karamay at pakiramdam ko maraming nakakaintindi sakin. Hay, buti pa ang blog, hindi nagsasawa sa kaartehan ko. Malamang, kasi wala naman siyang magagawa kung ano ang i-post ko .. ako ang nagmamanipula sa kanya. 

Hmm .. andito na ulit ako .. oo, dahil nag-e-emote nanaman ako. hahai ... parang naiirita nanaman ako sa paligid .. ayoko nanamang kumausap ng kahit na sino. hahahaha! 

Pero sana ... sa mga susunod na araw .. yung mga ipopost ko e maganda at may kwenta na. Kaya ko kaya? Parang hindi, ako pa... e puro walang kakwenta kwentang bagay ang naiisip ko. Hahaha. Hayaan ko na nga .. at least may nasasabi. LOL