De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

03 February 2011


Ayan ang nararamdaman ko ngayon. Badtrip. Asar na asar. Gigil na gigil. Pero di naman sobra-sobra to the point na nagmumura na ko at nagwawala dito. Kalmado pa naman akong nakaupo sa harap ng computer ko .. bagamat naninigas na ang mga daliri ko sa inis (kaya medyo hirap na ko mag-type dahil yung gigil ko keyboard ang sumasalo), tapos ambilis ng heartbeat ko, tapos deep inside gusto kong manugod ng tao... pero deep inside lang yun.
So ayun nga .. kanina tamang saya lang ako .. tapos ngayon badtrip talaga ko. Bakit?
Kanina, habang busy ako kakasagot ng libro ko sa Environmental Science (parang review na rin siya), may tumawag sa telepono. Matagal bago ko siya nasagot kasi nga una, ambagal kong makababa sa hagdan (dahil sobrang sakit ng hita ko.. yung inner thigh .,. hanggang pwet .. tae nakakainis para akong umano ... hahaha.) pangalawa, walang ilaw pagbaba ko so kinapa-kapa ko pa yung mga switch. Mga siguro anim na ring na bago ko nasagot. Ineexpect kong si Sam ang tumawag na yun dahil sinabi ko nga sa kanya na tawagan ako pagdating ni Ate Grace. Ineexpect ko na rin na ibababa na niya ang phone dahil antagal nga bago ko sagutin ,.. pero hindi ... consistent. Pero ayos yun at least di na ako ang tatawag sa kanya.
So ayun sinagot ko na. Nagulat ako lalaki ang nag-hello. Nag-greet ng good evening. Tamang greet din ako. Iniisip ko kung sino naman sa mga oras na yun .... mga past 7 na .. ang tatawag at lalaki pa ha. Ah .. ayun naisip ko baka galing sa PLDT. So ayun biglang sabi pwede daw ba kay Czarina. So sabi ko, "si Czarina na to.." pero nagtataka talaga ako .. ako pa hinahanap a. Iniisip ko kung saang contest ako sumali at baka nanalo na ko. Tinanong ko siya ng mga dalawang beses ata kung sino siya .. sabi niya, "William." sabi ko .. "William???" tapos sabi niya ,... "William .. Bro. William."
Ok. Hindi ako nawindang .. hindi rin gumuho ang mundo ko ... wala. Nagulat lang ako. Si Bro. William tatawag sa landline??? Tinanong ko kung san niya nakuha ang number ko .. sabi niya secret tapos alam naman daw niya lahat ng number namin. Ok. Sabi niya e. Kaya pala dati pag gusto niyang kausapin sina Abby at Bro. Jerry inaabala pa niya ko. Hainako.
Edi yun .. as usual wala naman siyang mahalagang sinabi. Nagtanong lang siya kung nagpalit ako ng number .. kasi daw lahat ng number ko unattended. Tapos .. sabi niya takbo daw ako ng takbo .. tinanong niya kung may tinatakbuhan daw ba ko .. (di ako tanga para di ma-gets na sarili niya ang tinutukoy niyang tinatakbuhan ko.) Ang nakaka-ano dun .. sabi niya 'lagi daw niya kong nakikitang tumatakbo nitong mga nakaraang araw.' Iniisip ko kung kailan yun ... e naaalala ko lang naman na tumakbo ako nung Tuesday kasama si Sister. Tinanong ko siya kung kailan niya ko nakitang tumakbo .. sabi niya ba naman .. "parang di alam ..."
Tapos ano pa ba?? Ayun lang. Tapos sabi niya i-text ko daw siya sa sun niya at ibababa niya na daw ang telepono.
Bakit ako naiinis?? Malamang ... di ka ba maiinis na pagkatapos di magparamdam sayo ng isang tao .. at kung kailan tanggap mo na yun .. saka siya lilitaw... at ang malupit pa dun .. ikaw pa ang palalabasin niyang may kasalanan.
Tinanong niya rin pala ako ng ganito, "Bat parang may tinatakbuhan ka?? May problema ba??" Sabi ko, "Ano namang masama kung tumakbo ako?? Isa pa, wala akong tinatakbuhan .. tumatakbo ako pag may hinahabol."
Tingnan mo nga naman .. ngayon .. tulad ng dati .. ako nanaman ang sinisisi niya. Ako nanaman ang palalabasin niyang may kasalanan ... ako nanaman ang nag-iinarte. Hainako!!!!!!!!!!!!!! Nakakapikon talaga siya!!!!! Tapos gusto niya i-text ko siya?? Grabe a. Tapos tanong pa siya kung ba't di ko siya nirereplyan e ni blank message nga wala akong natatanggap galing sa kanya! Grabe talaga!!!!!!!!!!!!!!! At isa pa, wala siyang karapatang sabihin na ako yung di nagtetext at ako yung umiiwas at tumatakbo dahil nung Sabado .. imposibleng di niya ko nakita .. at grabe siya a. At nung Friday na nagkasalubong kami .............. T****** talaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Naaasar na talaga ako sa kanya. Grabe. Nakakasawa ang ugali. Hmmmmmmmm!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Tapos kani-kanina lang nagbukas ako ng FB... ito ang mga post na bumungad sakin mula sa page na "Natuto akong maglaro ng tanga-tangahan dahil mahal kita" napost ni Admin Frappe.

----------------------------------------------------
AYOKO NA TALAGA EH..
AYOKO NAAAAAA...
AYOKO NG MAGPAAPEKTO SA IYO..SA LAHAT NG GINAGAWA MO..SA LAHAT NG DESISYON MO..SA LAHAT LAHAT NG TUNGKOL SAYO..
AYOKO NA....PERO BAKIT NASASAKTAN PA RIN AKO..
GRRRRRR...GUSTO KO NA MAGALIT!!!
----------------------------------------------------
may isang tao talaga sa buhay natin..
na kayang-kayang BUUiN......at SIRAIN..
ang araw natin..
without them knowing it..
WALA KASI SILANG PAKIALAM SA NARARAMDAMAN MO..
-----------------------------------------------------
NAKAKAPANG-iNiT NG DUGO..
NAKAKAPANG-iNiT KA NG DUGO!...--*
--------------------------------------------------------
Ang galing e saktong sakto. Wala lang. Haizt!
Hindi naman ako naiinis dahil di siya nagtetext ng ilang araw e .. hindi ko naman kasi pwedeng i-demand sa kanya ang bagay na yun diba .. isa pa wala akong pakialam kung di siya magtext no ... naiinis ako kasi ako pa ngayon ang palalabasin niya (nanaman) na maarte .. e siya naman talaga yun. Buti sana kung magpaparamdam siya ... hindi siya maninisi. Eh grabe. Magmamalinis pa. Kaasar. Haiz!!!!!!!!


I'm free and I like it!

wala .. natatawa lang ako sa sarili ko. nakita ko kasi sa notifications ko kanina sa fb na nag-comment siya sa isa sa mga post ko. pero wala na dun ... malamang binura na niya. tapos ayun nga. syempre gulat na gulat ako kasi ibig sabihin binisita niya yung profile ko. pero hindi ito yung nakakatawa.

edi yun .. binuksan ko din ang profile niya. aba, kita na ang mga picture niya .. pero yung mga profile pictures lang. binuksan ko. nakita ko yung picture na kinainisan ko dati.hahahaha. pero san ka pa .. wala ng impact .. di ako na-hurt .. di ako nainis. tama lang. smooth na smooth pa rin ang mood ko. tinitigan ko pa nga e. wala talaga.

good for me?? yeah right!

so .. pano ba yan?? wala na talaga kong pakialam sa kanya.

I'M TOTALLY FREE!!!!!!!!!! :)