De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

29 July 2013

WALANG KWENTA LANG. WAG BASAHIN. SAYANG SA ORAS.



Umuulan sa labas. Nakakadagdag ang bawat patak sa lumbay at lungkot na nararamdaman ko ngayon. Kahit medyo maingay, wala akong naririnig kundi tibok ng puso ko. Walang pattern ang pagtibok, pero mabuti na lang at tumitibok pa. Kahit nasasaktan na. Kahit wala ng dahilan sana na mag-function pa siya .... 


Wala, tina-try  ko lang magdrama. Kasi nasasaktan ako ngayon. Pero hindi ako naiiyak, hindi rin ako gaanong nalulungkot. Pero alam ko na nasasaktan ako. Ewan ko ba, baliw na ata ako eh. Bakit ako nasasaktan? Kasi naalala ko nanaman SIYA. Ngayon pa, ngayon pang monthsary namin sana. 

Naiinis ako kapag may mga nakikita akong lugar na gusto kong puntahan. Lalo na pag may discounts, grabe ang saya lang tumalon sa building. Tapos maiisip ko pa na ang luwag ng sched namin ngayon, hindi ko na kailangan pang umabsent para lang makagala. Pero bigla kong maiisip bigla, wag na lang. Kasi wala akong kasama. Pero yun ba talaga ang problema? Hindi. Hindi dahil sa wala akong kasama. Kung kasama lang naman eh madali ng makahanap. Marami akong kaibigang gala tulad ko. Pero ano ba yng problema? Ah ... kasi ... nakakahiya mang aminin pero ... WALA KASI AKONG IBANG GUSTONG MAKASAMA KUNDI SIYA LANG!

Hindi naman kasi yung mismong lugar o gala ang mahalaga eh. Yung makasama ko SIYA, yun  yun eh. Eh kaso wala. Wala siya. Mahalaga din naman yung lugar, pero yung makasama siya dun, iba yun eh. Kahit sino pa siguro ang mag-volunteer na samahan ako mawawalan lang ako ng gana. Ang unfair ko no? Eh ganun talaga eh. Mas magiging unfair ako sa sarili ko kung ipagpipilitan ko. Lalo na't alam ko na di naman ako sasaya pag ginawa ko yun.

Gusto ko kasi ... lalo na pag first time kong pupunta sa isang lugar, siya ang kasama ko. Gusto ko ang unang memory ko dun eh yung kasama ko siya. Kahit nga noon, sa tapat lang kami ng isang bangko, o yung first time kong pagdaan sa isang overpass somewhere, sobrang memorable na eh. Kasi andun siya. Kasama ko siya. Eh ngayon? Wala. Wala na. At wala na akong gana.

Alam ko na ilang buwan at taon mula ngayon, makakarating ako sa iba't ibang lugar ng di siya kasama. Gagawa ako ng mga alaala doon ng wala siya. Pero alam ko rin na hanggang sa panahon na yun, hindi pa rin ako magsasawa na magdasal, na sana ... maulit yung noon .. kahit hindi na lang yung maging kami ulit ... basta yung makasama ko siya sa maraming lugar. Yun lang. Makasama ko lang siya. Alam kong sasaya na ko. Kailan kaya yun? Mangyari pa kaya yun???