De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

05 October 2013

December 22, 2012



Status ito ng isang former classmate ko nung college sa FB. Grabe. Tinamaan ako. Ito. Ito yung saktong makakapag describe ng pakiramdam ko noong December 22 noong nakaraang taon. Ayoko ng maalala pa ang gabing yun. Lalo na yung mukha niya. Ayoko na. Masakit. Sobra. 

FYI, lalaki nag post nito. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa kanya, pero batay sa mga wallposts niya, naghiwalay na sila ng gf niya. Ang nakakaloka dun, mahal na mahal niya yung babae.... SOBRA! Karamihan ng mga sinasabi niya sa FB napagdaanan ko lahat nung ako din nasasaktan ng sobra. Grabe di ko akalain na ang mga lalaki pala ganun din. I mean, oo given ng tao rin sila, pero syempre bibihira ang lalaking expressive sa nararamdaman niya lalo pag nasasaktan ng babae. Pero ito grabe mahal na mahal niya. Nakakaawa, nakikita ko ang sarili ko sa kanya nung mga panahong di ko rin matanggap ang mga nangyari sakin. Pero malalagpasan niya rin yun. Hindi na kailangan pa ng kapalit, makakamove on din siya. Hindi niya malilimutan yun, lalo't mahal na mahal niya. Pero katagalan, kung tutulungan niya ang sarili niya, maiibsan din ang sakit paunti-unti... mauubos din ang lahat ng sakit. Maswerte nga siya, ang dami niyang kaibigan na sumusuporta at dumadamay sa kanya. Ako, mag isa sa laban. Ni isang encouraging word man lang wala akong nakuha. Buti na nga di pa din ako natuluyan, LOL masamang damo. hahahaha! Anyway, wala lang. Nakamove-on man na ko, yung sakit minsan bumabalik pa rin. Hindi man sobra ng dati, pero sapat pa rin para maalala kong "oo nga pala, mahal ko pa rin siya.... "