De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

01 April 2010

maundy thursday

Pagkagising ko ngayon-ngayon lang, inisip ko agad kung paano ko kakausapin yung tatawagan ko. Nagpractice pa ko ng right words sa utak ko..may english version pa nga yung pinraktis ko e..

Tapos yun bumangon na ko...naghilamos...habang naghihilamos nagdasal ako na sana babae ang makasagot..ok lang babaeng masungit basta wag lang lalaki.

Lapit sa telepono....

dial...

ring...

(kabado)

Presto!

Sinagot.

Lalaki!

Tinanong ko kung DEPED yung tinawagan ko. Hindi siya sumagot. Nakalimutan ko pala mag-good morning kaya inulit ko ang tanong ko. Sumagot na. Oo daw. Tinanong ko kung pwedeng magtanong tungkol sa school kung registered sa kanila. Tinanong niya ako kung anong school. Edi sinabi ko ang pangalan. Tapos alam mo kung ano sinagot? Tawag na lang daw ako by Monday kasi walang tao doon ngayon...KASI HOLIDAY!!

Tae pahiya ako dun aa...ayun nagbigay siya ng bagong number na tatawagan ko sa Monday..tapos nag-thank you na ko...sabay baba ng phone.

hehe...