De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

28 August 2010

ako nanaman ang talo....

for the nth time...ito nanaman ako...nai-in love nanaman sa isang taong suntok sa buwan kung maangkin ko.

bokalista. artista. taga ibang section. taga ibang bansa. kapitbahay. classmate. teacher.

ngayon classmate nanaman.

grabe. ayoko sa lahat yung ganito. yung AKO NANAMAN ANG TALO.

minsan naisip ko bakit hindi na lang kaya binigay ni God agad sa mga tao ang mga nararapat sa kanila para sana wala na lang nasasaktan.

(alam ko sasabihin niyo sagot ni God, "epal ka, ikaw na diyos.")

kaso kung ganun nga ang nangyari,..wala ng thrill. syempre kung binigay na niya agad,,..hindi natin mararanasan ang ibang tao...di natin sila matitikman (o wag green.!) at di tayo makakaranas ng pananabik.

tapos naisip ko rin na bakit hindi na lang yung mahal mo ang ibigay niya.

(yes i know epal nanaman ako...)

pero naisip ko ulit, kung ganito ang nangyari, ang makakatuluyan ko ngayon ay yung una kong minahal...at kung iisipin nakakadiri yun...eeww....ayoko sa kanya.

ayun. so ok na lang din na ganito. no choice e. si God ang may gusto nito.

eto, nag-e-enjoy ako. masaya ako s atensyon at kalandian ng lalaking nagugustuhan ko ngayon. kaso syempre nahihirapan ako kapag naaalala ko kung hanggang saan ko lang dapat ilugar ang sarili ko.

mahirap kapag nalulunod ka na sa emosyon mo. mahirap kapag nalulugmok ka sa pagkakamali sa interpritasyon mo sa pakikitungo niya sayo. mahirap kapag nababaon ka sa pag-asang wala namang patutunguhan. mahirap kapag naiipit ka sa sitwasyong mamimili ka kung bibigay ka o hindi. mahirap kapag nahuhulog ka kahit ayaw mo kasi masasaktan ka.

ewan ko ba. sa tuwing nakikita ko siya masaya ko talaga. sa tuwing lumalapit siya sa akin parang bumabaliktad ang takbo ng buhay ko. sa tuwng hinahawakan niya ko lalo akong nagkakagusto sa kanya.

kailangan habang maaga pa pigilan ko na ang sarili ko. habang kontrolado ko pa ang nararamdaman ko dapat aksyunan ko na to. ayokong masaktan ng dahil din sa katangahan ko. ayokong umiyak sa taong hindi naman nagsabing iyakan ko siya. ayokong masira nanaman ang buhay ko dahil lang sa pagmamahal ko sa isang taong tulad niya.

kaya nga hangga't maaga...iiwasan ko na...pero kaya ko kaya?

sana...sa Martes...pagkakita ko sa kanya...natural na lang ang lahat.

at kung hindi man, sana....nawa....ibigay na lang siya sa akin ng Diyos.

kahit sandali lang..mga 1 year ok na....

:)

kaso imposible yun.

kasi gwapo siya, pangit ako.

haizt.