De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

15 September 2011

Gisingin ang Puso


Nadarama ko pa ang ‘yong mga halik na hindi ko matanggal
Sa isip at diwa tila nandirito ka pa
Naririnig mo ba
Mga patak ng aking luha
Mananatili nang sugatan ang damdamin sinta
Sa bawat araw bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko
Ala ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit din na lang pawiin ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko limutin ang pag ibig mo
Kung panaginip lang ito sana gisingin ang aking puso
Ngayo’y nangungulila sa iyong mga lambing at pag suyo sinta
Maibabalik pa ba kung wala nang pag ibig mong wagas
Sa bawat araw bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko oohhh


Ahay .. isang .. ah .. nakakarelate na kanta. Nakakainis. Hahaha. Parang tanga no nainis pa.. wala lang. Kasi .. nakakainis bat kailangan pang masaktan. Bakit di pwedeng magmahal na lang? Bakit kailangan pang maging kumplikado ng lahat? Sana pagkatapos ng lahat makalimot ka na lang. Yung tipong .. wala na .. biglang bura lahat .. back to realidad ka na. Kaso hindi e. After nun .. after niyong gumugol ng panahon sa pagkolekta ng memories ..lahat ng nakolekta niyo babalik bigla.

Minsan nakakainis ang memory. Wrong timing. Minsan naiisip ko traydor siya. Isang kaaway. Kasi titirahin ka niya gamit ang mga weakness mo .. sa panahon kung kailangan sobrang weak ka. Kung kailan hindi mo dapat isipin at maalala ang mga bagay bagay .. dun siya papasok. At syempre in the end .. nasasaktan ka. 

Kaya ayokong na-a-attach sa mga tao e. Kung pwede nga lang sana .. lahat ng tao parang tindera lang .. makaka-usap ko lang siya pag bibili ako .. pero after nun wala na. Wala kaming koneksyon. Hindi ko siya mamimiss. Wala akong ibang memory kundi yung scenario na lamang na hinihintay ko siyang ibigay ang nais ko. Pagkatapos wala na. Ganun na lang sana. Sana wala na lang naiipong alaala. Kasi masakit. Sobrang masakit maalala ang lahat. Yung tipong .. ganun kayo dati pero ganito na kayo ngayon. Ang sakit talaga. Ok lang sana kung nagreretain kung ano man kayo .. yung walang pagbabago. Pero hindi e. 

Sana hindi ko na madama pa ang mga halik niya. Sana lang naririnig niya ang aking pagluha. Sana malaman niya na dahil sa ginawa niya, mananatili ng sugatan ang aking puso. Kung alam niya lang na siya lang ang tinitibok ng puso at iniisip ko. Na ang alaala niyang naiwan ay habambuhay na gugulo sakin. Sana nga madali na lang pawiin ang hapdi sa puso. Di bale, pipilitin ko na lang limutin ang pag-ibig niya. At kung panaginip man ang lahat ng ito .. sana gisingin ako. Namimiss ko na ang paglalambing at pagsuyo niya. Hindi na ata talaga maibabalik pa ang lahat kahit pilitin pa .. dahil wala na talaga. 

---------------------------------------------o0o-----------------------------------------------------------