De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

31 July 2011

I sooooooooo love the smell.



Ainako. Irresistible. Grabe. Parang kanina lang e. Sarap na sarap akong buksan yung bag ko kasi ba naman andun yung libro ko na binili ko sa Booksale .. e ayun .. yung amoy niya humalo pa sa pabango ko. Nakakaloka. Yung amoy ng lumang libro ... di ko ma-explain pero nakaka inlove talaga. Yung tipong pag naamoy ko na, wala na .. windang na ko. Kaya kapag pumapasok ako sa Booksale .. di pwedeng di ako bibili e (except na lang talaga pag wala na kong pera. hahaha!). Kasi yung amoy ng lumang libro .. parang nakaka hypnotize. Basta. Parang gayuma. Nakakaakit. Nakakaloka.



Di ko alam kung may talent ako no .. parang wala nga e .. pero natatawa lang ako sa reaction ng ibang tao sa kasalukuyan pag nakikita nila akong sumasayaw .. di kasi sila makapaniwalang ginagawa ko yun. Yung mga dating taong nakasama ko .. kilala nila ako kaya alam nila na kahit papano malambot katawan ko (chos!) hahaha! wala lang. natatawa lang talaga ako. Parang nung sumayaw lang ako ng 'Nobody' sa pageant namin .. hahaha!

The comfy position. :D




I sooooooooo love the moment when I find a comfortable sleeping position. It's like I don't want to move. It's like I'd rather have stiff neck than moving an inch that I will regret forever.

Well, my one and only comfy position is when I was in a prone position. :D Of course .. with the presence of my hotdog pillows and others .. :D



I pray .. it's a GIRL.


Oo nga. Hindi nila alam kung gaano kalaki ang impact ng pinagdadadada nila at di nila alam kung gaano katagal minumulto ng mga salita ang nila ang isip ng mga babae. Ganyan nangyari sakin e. Minsan, kahit gusto ko ng makipag kwentuhan ulit sa kanya, yung parang walang nangyari .. pag naaalala ko yung mga sinabi niya noon, nawawalan talaga ako ng gana. Hindi naman sa di ko pa siya napapatawad .. ramdam ko napatawad ko na siya. Sadyang may mga bagay at salita lang na mahirap kalimutan .. lalo na't galing sa isang lalaki. Ang mga lalaki kasi .. bihira lang magsalita pero grabe naman. Naalala ko din noon .. nung bago pa lang kaming magkaaway .. ay nako ... grabe. Gabi-gabi ko talagang iniisip ang mga sinabi niya .. di ako makatulog kakaisip .. kung bakit ganun, bakit ganito. Kahit hanggang ngayon .. 5 months na ang nakakalipas .. naloloka pa rin ako pag naaalala ko. Kaya sana naman next time .. mag ingat naman kayong mga lalaki kayo sa mga words niyo. Ha??? Kaming mga babae lang ang may karapatang dumaldal ok?? hahaha! JOke lang.

Di nga????????


Weh?? Di nga?? Seryoso??? Sige na nga .. malay mo nga naman diba .. di natin alam. Basta ang mahalaga naman jan e yung mahal nila ang isa't isa at masaya sila .. Sana magtagal sila. hahaha!

nga naman. XD


Natawa naman ako dito. Nag-search kasi ako ng picture tungkol sa pagiging tamad .. tapos ito nakita ko. Hahaha! Nga naman. Ang engot nung intercom lady .. inanounce niya ang ganitong bagay .. edi syempre hindi lang yung marunong mag-CPR ang pupunta sa harap .. lalo na yung mga usi. Naku edi lalo lang nawalan ng hangin yung pasyente. hahahaha! Pero, ito ang maganda sa post niya. Hindi naman natin alam kung ano ang meron sa harap. Hindi naman sure kung may aksidente nga (ok, assuming tayo. naalala ko tuloy yung sa English. XD) So pwede rin na may contest pala ang mall na kung sino ang marunong mag CPR eh pumunta sa harap dahil may special price. Diba. At marami pang ibang pwedeng dahilan. Kaya nga STAY CALM. hahaha! Wag assuming. Ok?!

I don't feel like doing my assignments. :D



Hindi naman talaga sa ayaw kong gumawa ng kahit na ano .. ayoko lang gumawa ng mga assignment ko. hahaha! Kanina kasi, kaya lang naman ako nagbukas ng computer ng ganitong oras .. sabi ko kasi gagawin ko na yung research paper namin sa PE . ..nahihiya na kasi ako sa partner ko. Pero wala e. Eto napasarap ang internet. Mas na-entertain kasi ako e. Haizt. Nakakaloka. Pero sige na gagawin ko na. matatambakan nanaman ako sa Lunes. haiz. Pero tinatamad talaga ako. Nung thursday sana e .. sinisipag ako kaso bigla namang may meeting sa school. Ainako. Sana bukas sipagin na talaga ako. Ayoko namang mapahiya kay partner.

My birthday is fast approaching...

Hay. Malapit na birthday ko. Nararamdaman ko na ang pagtanda ko nanaman. Pero sabi nga, every second tumatanda ang tao, sine-celebrate lang ito every year. Ok.

Pero ... hay ... parang ayoko pang dumating yung araw ng kapanganakan ko. Kasi .. parang ang sarap lang lagi ng feeling pag padating na siya .. pero pag yung mismong araw na yun na .. madalian lang. Ang bilis ng oras. Tapos na agad. Nadagdagan na ako agad ng isang taon. Nakakaloka.

I love the thrill lalo na pag palapit na ... at nabibitin talaga ako pag yun na. Kaya nga 1 week ako mag celebrate ng birthday e...

Hay, anuman ang sabihin ko, wala naman akong magagawa. Ganun talaga e. hahaha!
Sorry ..
BUT I'M DELETING YOU FROM MY LIFE!
*clicks delete*
LOADING...
...▓▓▓▓▓▓▓▓▓▓ ▓ 99%. ..............................​ ....... .......... .......... .......... .......... .......... .......... ..ERROR!

It is impossible to delete our friendship .
You mean so much to me.
--------------------------------------------------------------------------------

Yeah, right. Kung pwede lang talagang i-delete ka na ng tuluyan sa buhay ko ayos na e .. kaso .. di ko pala talaga kaya. Nung nakaraang Wednesday lang e .. buong araw kitang naisip. Alam mo yun ... hindi naman ako naiinis no ... pero kung may choice lang talaga ako gusto ko mabura ka na ng tuluyan sa alaala ko .. yung wala na akong maaalala pa tungkol sayo. Kaso hindi e. Ok lang sana kung naaalala mo rin ako e .. kung naiisip mo din ako .. e malamang sa malamang hindi. Nakakainis. Luging lugi na ako. Pero kasalanan ko kasi antanga tanga ko. Ayoko na nga. Ang korni ko na. XD