De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

23 January 2011

laslas

Parang gusto ko maglaslas last, last week pa. Kaso hanggang ngayon di ko ginagawa. Bakit?
Kasi .. naaalala ko yung sinabi ni MP na kaya daw hindi natuloy na putulin niya yung communication namin noon dahil nga sa mga laslas ko sa braso ...
So naisip ko nung time na yun .. napipilitan lang siyang makipag-communicate sakin dahil feeling niya responsible siya sa ginawa ko.
Kaya ayoko ng maglaslas kahit gustong gusto ko na kasi .. pag nakita niya yun ... ganun nanaman .. ang what's worst ,.. baka isipin niya lalo na nakapadesperate ko na talaga .. baka isipin niya na kaya nanaman ako naglaslas para magpapansin sa kanya.
I remember nung tinatastas ko yung binurda kong pangalan niya sa panyo nitong kelan lang. Tinanong niya ko kung ano ginagawa ko. Sabi ko, "nagtatastas". Tapos nagbiro siya .. sabi niya "naglalaslas". Sabi ko naman, "tapos na". Sabi niya .. "alam ko di mo na gagawin yun."
So .. I have to stick with it.
Naisip ko nga .. sa legs na lang kaya or sa tiyan .. sa mga tagong part ako maglaslas. Pero wala. Wala na rin akong gana. Bagamat minsan pag sobrang stressed na talaga ko parang kailangan ko na talagang maglaslas.
Kaya malaki din ang naging impluwensya niya sakin kahit papano. Dahil sa kanya naiwasan ko ang isang di magandang bisyo .. ang paglalaslas.

early morning tears

Kaninang madaling araw ... nagising ako sa ingay ng alarm ng cell phone ko. Exactly 4:00 am ... same position as in nung huling nakamulat ang mata ko (nakadapa sa gilid ng kama tapos yung kamay ko naka-touch sa floor.) Yung cell phone ko naiwan ko pala sa lapag. (sa pagkakaalala ko nung gabi .. nahulog yung cellphone ko tapos kukunin ko sana kaso nakatulog na ko) So ayun nga. Pinatay ko ang alarm (buti inalarm ko .. sinabi ko pa naman kay Papa na ibababa ko ang phone.) Bumaba ako at ginising ko si Papa. Pag akyat ko higa ulit ako sa kama .. then I cried. I really, really cried. As in. May luha siya infairness ... I mean .. di ako nagdadrama lang basta-basta. Wanna know the reason why? Edi siya. Ano pa nga ba.
Naaalala ko, before ako nakatulog .. I texted him .. sabi ko .. "bro ... sori na .. . bati na tau .. ." then yun na nga .. nahulog na phone ko tapos nakatulog na ko. Then paggising ko .. NO REPLY kahit na blank message man lang! Worst!
Grabe talaga. Di ko na alam ang gagawin ko nung time na yun. So umiyak na lang ako. Di naman sa umaasa ako na makakatext ko siya or tatawag siya ... pero kasi .. yung di man lang niya pag-respond ... ibig sabihin we're not ok. And I hate it. I really hate it.
Ayun lang. Nakatulog ako sa kakaiyak. Haizt.

Lose - Gain

Kagabi ko pa ito iniisip. Actually nung Thursday pa .. tapos inisip ko rin nung Friday .. tapos mas inisip ko pa kahapon (Saturday) ... pero ngayong araw di ko na masyadong naisip .. ngayon na lang ulit.
So start tayo nung Thursday.
Magkausap kami over the phone Thursday night. Ok naman ang conversation .. at isa yun sa mga pinakamasaya kong gabi na kausap ko siya. Wala lang. Pero that night .. parang may something na nagsasabi sakin na, "wag mo munang ibababa ang phone .. habang gusto ka pa niya kausap go .. baka bukas biglang magbago ang lahat..." pero kahit na parang ang powerful nung voice na nagsabi nito .. pinili ko pa ring ibaba ang phone dahil naaawa na ko sa kanya .. antok na antok na talaga siya.
Friday.
Nag-umpisa na. Umaga. Medyo may tampuhan. Then that time, and that day ... marami ng nagsasabi sakin na magkaayos na daw sana kami ni Tralala. Di ko naman masyadong pinapansin kasi napakababaw ng issue tungkol samin ... dala lang ng kaartehan niya. So yun. Tapos nagpunta kami (Sapak, Tralala and I) nun sa Bamboo Organ. Tapos habang nakatayo kami in front of the church .. bigla kong naisip na .. what if magkabati na kami ni Tralala? Feeling ko may di magandang mangyayari. Basta parang nafi-feel ko na may lose-gain na magaganap. Pero di ko pa rin pinansin until nung gabi. Nung huling gabi na nagparamdam si MP sa akin. Nung gabing nag-iiiyak ako sa kwarto ,... parang tanga lang.
Saturday.
Ok na kami ni Tralala. And guess what ... di kami ok ni MP. Just like before. May lose-gain ngang naganap. I gained Tralala, Sapak, and even 'agent jack' and 'agent espie' (kasi diba antagal ko ring nawalan ng connection sa kanila and lagi ko silang di sinisipot) ... then .. I've lost MP. Once again. Grabe. I told Tralala last night na "alam mo ba, di rin naman ako ganun kasaya na ok na tayo ... naalala mo ba yung sinulat ko dati na nabasa mo? sabi ko dun ok ng mawala silang lahat wag lang ang isang tao .." Then she replied, "yeah i know ... ok lang yun ...o cge di wag na muna tayong magbati para ok kayo ... " Pero naisip ko, di kami pwedeng magkunwari na di kami ok kasi ok na kami ...as if naman pagbibigyan kami ng pagkakataon diba .. pero ang nakakatawa dun ... bakit kaya ganon?? pag ok na ko sa isa biglang nawawala yung isa .. can't i have them both?
Sunday.
Ngayon ko lang talaga naalala aya nga ito pinopost ko diba. Grabe. Wala lang. Nakakalungkot lang isipin. Hindi talaga lahat binibigay ni Lord. But if I'll be given a chance to choose ... siguro ..I'd choose .. him of course. Sige na ako na tanga .. ako na desperada .. but you know what .. with all my friends now .. siya lang ang nagbigay sakin ng time niya .. as in di birong time a .. and effort .. and kindness .. and everything .. and talagang tinuring niya akong kaibigan . Even his ears .. hindi ganun kadaling makinig sakin ... kasi wala akong kwentang kausap .. but then after all those things ... he remained ... hindi nga lang ngayon .. because of that one stupid mistake of mine.
I hope and I pray na maging ok na ang lahat tomorrow. haizt.

call waiting ...

wala .. naalala ko lang bigla. nung nakaraang linggo .. nabanggit nya na dati daw nung madalas pa siyang tumawag sakin .. nagtatanong daw ang asawa niya kung bakit sa tuwing tatawag siya e busy ang linya. hindi ko na tinanong kung ano ang sinagot niya ... ang sabi ko lang bigla .. "dapat kasi mag-call waiting ka."

ayun .. tulad ng inaasahan di niya alam yun. kaya yun sabi ko i-activate niya. ginawa niya naman .. tapos nung kinabukasan nung araw na yon .. sabi niya effective daw. tapos nung mga sumunod na araw pa .. madalas na kong naho-hold .. alam kong may kausap siya sa kabilang linya.

wala lang.. nai-share ko lang. naalala ko lang bigla. call waiting .. ang galing.

Lunes nanaman mamaya ... dapat masaya ako a ... :(

Tulad ng sinabi ko sa title ... Lunes nanaman mamaya ... dapat masaya ako. Kaso hindi e. Natatakot ako mag-Lunes. Hindi dahil si Mam RB e makikita ko nanaman ... (bagamat rason din yun pero secondary na lang.) hindi rin dahil Math nanaman ang subject namin ... hindi dahil 6pm ang dismissal ... kundi dahil ... Lunes na ... at alam ko ... at ramdam na ramdam ko .... di siya magpaparamdam.
Nakasanayan ko nanaman kasi na tuwing umaga maggi-greet siya ng good morning. Hindi naman sa inaantay ko yun pero kasi parang naging usual na yun. Tapos magkakatext kami .. o minsan pa tatawag siya. Pero bukas .... bukas ... :(
Isa pang kinakatakot ko e ... Lunes na ... mabilis nanaman ang araw .. tapos Martes nanaman. Martes. Terror day. Malaki ang tsansang magkita kami. Anong gagawin ko??? Gusto ko siyang kausapin .. pero paano kung di niya ko pansinin??
Dapat maging maayos na kami bago pa man mag-Tuesday.
Please naman Lord, please...
Diba sabi ko ayoko ng kaaway this year ... haizt. Lalo na siya .. ayoko siyang makaaway. Ayokong mawalan ng kaibigan.
God, please ... pakibulong naman sa kanya na maging ok na sana kami bukas ... please....