De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

26 May 2015

Ang moments, nasa litrato na lang.....

Sa Facebook sana ako magpopost, kaso naisip ko dito na lang. Kailangan wag ko ng ugaliing mag post sa FB dahil sabi nga, 90% ng nakakabasa walang pakialam. Anyway, dahil ayoko pang matulog, napagdiskitahan ko ang iba't ibang account ng mga "friends" ko sa FB. Tiningnan ko ang mga photos nila at natuwa ako kasi karamihan talagang may pinagbago sa itsura. :p Anyway, kalaunan sa mismong profile ko ako napadpad, at voila! Marami din akong nakita. Halos latest lang ang natingnan ko.. ayoko na tingnan pa yung iba kasi anong oras na rin. Anyway isang bagay lang ang naisip ko sa pagtingin ko sa mga larawang iyon... at yun ang title sa taas.

Nasa litrato na lang ang lahat. Hindi na maibabalik ninuman ang nakaraan, kaya ngayon ko lang na-appreciate ng sobra yung nakaimbento ng picture, ng camera. Ang galing no? Yung mga hindi mo na mababalikan pa, magagawa mong i-freeze para makita mo pa sa hinaharap. Nakaka-elibs isipin yun. Di ko ma-explain ng maayos pero astig talaga. Kasi wala na yung mga moments na yun eh, pero recorded pa. Lalo naman yung mga videos diba. Parang video lang ng Jamich, kahit patay na si Jam parang buhay na buhay pa dahil sa mga captured moments na yun. Mga panahong di mo na maibabalik pa pero pwede mo pa makita. Minsan nga naisip ko, sana lahat na lang ng bagay nakukuhaan ng camera. Lahat. Yung tipong may cctv ka for yourself. Para pag malungkot ka, pag may naaalala ko, or kung may nakalimutan ka man, pupunta ka lang sa sarili mong studio na ikaw lang ang pwedeng pumasok, tapos babalikan mo ang nakaraan na recorded na. Yung mga nakalipas na ngiti, luha, pag-ibig, away, pagkakasala... lahat makikita mo isa-isa. Kaso maganda na rin pala na walang ganun. Kasi kung meron man, matalino na masyado ang mga tao ngayon, kaya ng i-hack ang maraming bagay. Baka yung pinakatatago kong sikreto mabunyag. Hahahaha! Tapos kung meron mang ganun, wala ka ng kalayaan talaga, kasi matetempt kang tingnan yung "noon", tapos maaalala mo nanaman lahat ng sakit, lahat ng hinanakit na pinilit mo ng alisin sa sarili mo sa paglipas ng panahon. 

Ngayon, gustuhin ko mang i-discuss ang history ng camera, picture, at video para naman may maganda tayong background at maging kapakipakinabang man lang ang blog na ito kahit para sakin lang, eh wala na akong oras. Napakarami kong dapat gawin, na di ko magawa kasi wala na kong oras. Oras. Napakahalaga ng oras. At andami kong oras na nasasayang sa buhay ko. Oras, na hindi ko na maibabalik pa, na tanging litrato na lang ang magpapaalala na sa dami ng oras na sinasayang ko araw-araw, may iilang oras sa buhay ko na dapat kog ipagpasalamat dahil naganap. Ahhh yun pala ang purpose kung bakit iilang bahagi lang ng buhay natin ang kayang kuhanan ng litrato at video. Pero sana yung mas rare moments pa no. Kasi karamihan ng mas  magaganda at memorable na alaala ay hindi nakukuha ng camera. Katulad na lang sa Luneta noon October 2012, nung nag-ala Dawn Zulueta ako noon sa harap ni Rizal. Walang picture, walang video, pero isa sa mga best moments of my life. Hay.

Ngayon alam ko na kung bakit ang mga tao, kayang gumastos ng 16k pataas para lang sa isang gadget na may 13MP na camera. Kaya pala para sa ilan napakahalaga ng selfie, napakahalaga na bawat galaw ay nakukuhanan. Kasi lahat tayo may maliit na boses sa loob nating lahat na bumubulong, na sana kaya pa nating balikan ang nakaraan, lalo ang masasayang alaala. At tanging sa litrato na lang natin magagawa ito. 

Katulad nito, isang litrato mula sa nakaraan ko, na kung hindi nakunan noon, hindi ako maniniwala ngayon na hindi nga pala talaga panaginip ito noon......


25 May 2015

23 May 2015

Forever....more.

Sorry, hindi ko sinabi agad sayo....
Sorry, hindi ako naghintay...


Bakit nga ba hindi ko nasabi sa kanya?
Bakit nga ba hindi niya nagawang maghintay pa?

--------------------------
Imbis na natutulog na ko ngayon at nagpapahinga dahil puyat ako't pagod, heto't nanonood ako ng replay ng Forevermore. Hindi ko nasubaybayan ang palabas na ito, pero syempre sa ending di ako papahuli. At sabi nga nila, digital ang karma. Dahil hindi ko ito pinapanood lagi, ayun andaming hugot moments naman na nagpaiyak sakin sa ending LOL. Ang corny ko no? Palabas lang may pag-iyak pa ...kaya nga naiinis ako sa sarili ko eh. Anyway, this is not about the series, it's about me and my stupid heart.

Tama nga sila, na hindi pa rin ako nakaka get over. Kailan kaya yung araw na kaya ko ng ikwento sa lahat na nagdaan ka sa buhay ko? Tuwing may magtatanong kung sino ka, hindi ko kayang sagutin kahit na isang detalye tungkol sayo. Alam mo kung bakit? Kasi ayoko ng maalala ka pa. Napakahirap ng pinagdaanan ko bago ko natutunang kalimutan ang lahat, tapos sa isang tanong lang nila, sa isang pagkakataon lang na subukan kong alalahanin ka, babalik na ang lahat? Babalik ang masasakit na alaala? Babalik yung mga masasayang nakaraan na alam kong hanggang doon na lang? At higit sa lahat babalik yung sakit na pinilit kong kalimutan? Napakahirap, Ga. Nahihirapan ka din ba tulad ko? Sigurado hindi. Kasi ako lang naman yung baliw na baliw sayo. Ako lang naman yung tanga dito. 

Ga, bakit di ka naghintay? Bakit pinili mong iwanan ako ng di nalilinaw ang lahat? Bakit hindi mo nilinaw kung bat mo ko kailangang iwan? Alam kong wala ng sense na magtanong pa ng mga ganitong bagay, pero sana hindi mo sinabing mahal na mahal mo ako Ga bago mo napagpasyahang gawin ang alam mong "tama" para sating dalawa.

Bakit ba di ko agad nasabi sayo nung may pagkakataon pa na mahal pa rin kita? Bakit pinalagpas ko pa ang paulit ulit na pagkakataong sinubukan mong balikan ako na alam ko na ngayong hindi na muling mauulit pa? Bakit pinili kong maging manhid sa mga effort mo, dahil sa takot na masaktan lang uli ako? Bakit Ga? Bakit kailangan kong maramdaman to ngayon?

Ga, alam mo bang kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sayo? Maaaring naging manhid na ako sa sobrang sakit na naramdaman ko nung iwan mo ko, pero patuloy kitang minamahal hanggang ngayon. Nagdaan man ang ilang pagkakataon para masubukan kong magmahal ng iba, hindi pa rin nawala sa puso ko na ikaw ang gusto ko, wala ng iba. Sabi nga sa kanta, comparisons are easily done once you've had a taste of perfection. Perfect ka para sakin Ga. Hindi perfect as a human being, pero perfect in a sense na pakiramdam ko ikaw yung sinasabi ni Xander sa Forevermore na "forever". Perfect ka dahil wala na akong ibang ma-imagine na makakasama ko kundi ikaw Ga. At alam ko na ikaw lang ang nag iisang taong kayang tanggapin ako kung sino ako.

Ga, akala ko sayo ko makakanta ang "Forevermore". Kaso, mukhang kahit kailan hindi ko na maide-dedicate ang kantang yun.........


17 May 2015

I'm FREE. ;')

Itong araw na to ay isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko. Wala namang big deal na nangyari, wala naman akong kakaibang ginawa masyado, maliban sa isang bagay. May isang tao akong nai-block 2 years ako sa Facebook. Eh kanina naisipan kong galawin ulit ang settings, at yun nakita ko nanaman ang pangalan niya. I-unblock ko sana, para matingnan lang ang profile niya saglit. Kaso sabi ni Facebook, 48 hours pa hihintayin ko bago ko ulit ma-block ang profile niya. So naisip ko na lang gamitin ang account ni Sam. Na-access ko na syempre. Nakita ko ang mga larawan nila ng ex ko. Noon hindi ko kayang makita ang mukha ng lalaking yun, naiinis ako sobra. Wala akong pakialam sa girl, sa lalaki lang NOON. Alam mo yung masayang part? Yung kaya ko ng makita na masaya siya, kaya ko ng makita na buhay siya, yung kaya ko ng makita na magkasama sila. Wala na yung sakit. Wala na yung feeling na kailangan kong pilitin ang sarilli ko na maging ok habang nakikita siya. Wala na yung galit. Wala na yung feeling na sana kami na lang ulit. Bumalik na ulit yung pakiramdam katulad noong di ko pa siya gaanong kilala. Strangers again ika nga. Ang galing. Hindi ko akalain na darating din ang araw na to. Sa sobrang sakit ng nadama ko noon, akala ko kamatayan na lang ang solusyon para mawala lahat ng nararamdaman ko. Sa sobrang sakit noon akala ko hindi ko na kayang magpatawad. Sa sobrang pagmamahal ko sa lalaking yun noon akala ko hindi ko na kayang hindi siya mahalin tulad noon. Ngayon masasabi ko, may katapusan nga talaga ang lahat ng bagay. Sana ok din silang dalawa. Sana masaya din sila. Kasi ako, ok na ok na ko ngayon. Ang galing ni Lord kasi talagang pinagaling Niya ang broken heart ko. Sa tingin ko tapos na talaga ang kabanata niya officially sa buhay ko. As in ngayon lang no hahaha. Kasi nabura ko na yung email account, naitapon ko na yung memorabilia, nakayanan ko ng tingnan ang profile nila..... ay di pa pala. Di pa kami naghaharap ulit. Pero hindi na siguro kailangan nun, ang mahalaga ngayon ok na ko. Ok na ok na ko. :))))

Figure Robics :))

Grabe, ngayon na lang ulit ako nakapag exercise LOL. Wala kasi akong magawa, so minabuti ko na lamang mag exercise kesa kung ano-ano pang gawin kong di kaaya-aya ;) Dahil naisipan ko na rin lang mag exercise, binalikan ko yung favorite kong Figure Robics ng isang Korean mom. Infairness masakit sa muscle ah hahaha! Pero ang pinaka masaya sa lahat, yung pinagpawisan ako ng bongga, as in full body. Pawis na di dulot ng matinding sikat ng araw, kundi ng aking pagsusumikap na mag ehersisyo. Hindi ako nagpapapayat, though kung ang magiging outcome nito ay pumayat ako edi maganda. Haha. Ang purpose ko, more on maigalaw man lang ang mga natutulog kong muscles sa katawan. Last time kasi napatambay ako sa isang park sa Makati bago mag duty na nadiskubre ko lang sa paglalakad-lakad nung mali ang nasakyan kong van. Ayun nainggit ako sa mga nagmo-morning exercise. Ang sarap sa feeling ng ganun e, tapos nasa park ka pa. Unfortunately walang park sa Las Pinas. huhu. Pero at least sa bahay nagawa kong magpapawis. Sana makayanan kong ituloy-tuloy na ito (ito nanaman ako) hahaha! Kung didisiplinahin ko ang sarili ko I know I can!yihhhheeeeeee!!!! Til now pawisan pa rin ako, at super sarap talaga sa feeling.... pakiramdam ko nabawasan ako ng isang kilong fats :)))

26 April 2015

I miss you, Fireboy :)


I remember that day when we decided to "play". The "game" we were supposed to play was unfortunately not good for us, (or maybe not good only to me LOL), so we ended up playing this game. I was so happy back then. That rare moment when we feel happy, complete, and contented just being with each other, playing a game designed for young people (well, I am still young that time by the way hahaha!) 

When he come to cross my mind sometimes, it's always the time that we had together as friends, not lovers. When I remember him, I am wishing to bring back not the "lover's relationship" we've had, but the friendship that was taken away from us after we broke up. 

He was my bestfriend. He was my great listener. He was the only friend I had who never judged me and have accepted me as I am. He was a gift from up above. He was sent to help me change a lot of things with myself, and to learn a lot of things that were very useful to me until now. He was a blessing, a grace that I doubt it if I really deserved. He'll forever be remembered, he'll forever be in my heart. No heartaches, no regrets, I'm happy that he came to my life.

My fireboy. My GA. :)

20 April 2015

05 April 2015

Liham para sayo, mahal ko. ...

Makailang ulit na akong nagtangka noon na isulat ang nararamdaman ko pagkatapos ng lahat ng nangyari sa atin. Pero sa tuwing darating ako sa puntong katulad nito, napapaatras ako, katulad na lang ngayon. Naiisip ko bigla, bakit pa? Para san pa? Hindi mo na ako mahal diba? At ano naman nga bang mapapala ko pag sinulat ko pa to? Ah oo, para mai-release ko kung ano man ang mabigat sa dibdib ko, para masabi ko sa pamamagitan nito ang lahat ng hindi kayang intindihin at bigyang panahon na pakinggan ng mga "kaibigan" ko. Alam mo, ga, nalulungkot talaga ako. Sobra. Nahihirapan na akong magtiwala sa iba. Marami man akong nakakausap at nakakasama sa araw-araw, pero alam ko na wala sa kanila ang makakaintindi sakin. Na sa tuwing susubukan kong maging bukas sa kanila, lagi kong nararamdaman na rejected ako. Na alam mo ba, never kong nadama sayo. Ga, bakit mo ko iniwan? Alam ko para kong tanga sa mga sinasabi ko, napaka desperada ko, napakatanga ko. Lahat na! Pero ga, kasi naman e. Hindi naman ako nawalan lang ng kasintahan eh. Nawalan din ako ng kaibigan. Bakit ikaw lang ang kilala kong ganyan? Bakit ikaw lang ang naglakas loob sa tanang buhay ko na kilalanin ako? Bakit ikaw lang ang willing makinig?

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy tong ginagawa ko. Natatakot ako na one day pagsisihan kong sinabi ko lahat to. Pero sa tuwing maaalala ko kung paano mo ako tiningnan kagabi, mas lalo kong gustong sabihin lahat ng nararamdaman ko. Nakakainis maging babae, napaka emotional. Emotional na wala naman sa lugar, emotional na nawawalan naman ng saysay ang pag-e-emote. Bahala na, andito na ko eh.

Ga, alam mo bang nakalimutan na kita? Noon halos araw-araw, oras-oras, minu-minuto ng buhay ko naiisip kita. Tapos unti-unti nakakayanan ko ng hindi ka maisip ng isang araw, tapos naging isang linggo, isang buwan, isang taon, hanggang sa hindi na kahit minsan. Nakalimutan ko na ang mukha mo, nakalimutan ko na ang boses mo. Lumipas ang dalawang taon at tatlong buwan na naramdaman ko namang naging malaya ako sayo. Alam mo ba kanina, noong una kitang makita, wala akong naramdaman. Hindi tulad noon na pag nakikita kita, nasasaktan ako, namimiss kita ng sobra, gustong gusto kitang lapitan, gustong gusto kitang kausapin. Pero kagabi? Wala. As in wala. Walang halong biro. Strangers again ika nga. Bagamat nagulat ako na andun ka...well expected ko na andun ka, more on, nagulat ako na nakita kita tapos wala akong nadama... pero nagulat pa rin ako kasi bigla kitang nasalubong, nakatingin ka sakin, kahit hindi kita tiningnan nakita ko at nadama na nakatingin ka sakin, at sa lahat ng place dun pa kita sa parking lot makakasalubong.... ang galing diba? Ganda ng scene. Halatang sinadya mo. And best part doon, nakita mo akong may kasamang lalaki. Ibang lalaki. Ang masaya pa dun alam mo? Umayon ang lahat ng pangyayari sa akin. May kasama akong lalaki the whole night and day na hindi ako nilubayan at iniwan. Masaya ako, nakakayanan kong mag stay kahit 1 meter away sayo ng walang mabigat na feeling.

Tapos nung umupo ako sa center island, kasama ang lalaking sinasabi ko at isa pang kaibigan, masayang masaya akong nakikipagkwentuhan sa kanila, na para bang hindi kita nakita, na para bang wala ka dun sa lugar na yun. Alam mo bang napakasaya ko nun? Kasi ganun pala ang maging malaya sayo. Yung wala na talaga akong pakialam, parang bumalik ako sa pagiging normal na tao. Then all of a sudden bigla kitang makikita, mga 5 meters away sa harap ko, nakatitig ka sakin na alam mo yun? Yung expression ng mukha mo? Ganun na ganun nung huling araw na sinabi mong mahal na mahal mo ako. Na para bang sinasabi ng mga mata mo na, "Bakit, Ga? Bakit may iba ka ng kasama? Hindi mo na ba ako mahal?" Hindi ko alam kung feelingera lang ako, assuming kung baga. Pero ga, tingin ko hindi nagsisinungaling ang mga titig mo na hindi mo inalis sa akin, kahit tinigilan na kitang tingnan. At kung ang purpose mo ay saktan ulit ako, congrats dahil nagtagumpay ka. Ga naman eh. Alam mo naman na kahinaan kita. Tapos tititigan mo ako ng ganun? Alam mo namang wala ng tayo diba? Hindi mo ba gusto na lumigaya ako? Hindi mo ba gusto na maging malaya at masaya ako? Ga, sobrang selfish mo na. Lagi mo na lang akong pinahihirapan. Tapos biglang lalakad ka pa sa harap ko, na tila ba nagpapapansin ka talaga. Ginagawa ko na nga lahat para iwasan ka, tapos lalapit ka pa? Kung saan kami tumambay, doon ka rin nakaupo malapit sa amin. Daan ka ng daan sa harap ko, tingin ng tingin. Alam ko pag ganun ka eh... ganun ka pag gusto mo akong kausapin. Katulad nung tayo pa, pag may kasama akong ibang tao, magpapapansin ka sa harap ko para ipaalam na mag usap tayo. Alam mo, mabuti na lang medyo malandi yung kasama kong lalaki. Pag daan mo, sakto naman na anglalambing siya at ikinuskos ang maliliit niyang facial hairs sa braso ko. Ang galing mang-asar ng pagkakataon ano? Naaalala mo ba, na yun ang paborito kong hawakan sayo noon? Tapos ibang lalaki na ngayon. Pakiramdam ko nung mga oras na yun, nakaganti na ko sayo. Sa lahat ng sakit na idinulot mo sa puso ko...

Pero alam mo ga, napaiyak ako later on, nung umaga ding iyon. Naiyak ako nung makita kita sa di kalayuan, nakatingin ka sa direksyon kung nasan ako, matagal kang nakatayo, nakatapat sa akin. Tapos sa pagtalikod mo, para bang sinasabi mong sumusuko ka na sa paghahangad na makausap ako, na wala na nga talagang patutunguhan to.

Alam kong ilang ulit ka ng gumawa ng paraan para lapitan at kausapin ako, pero sa tuwing nangyayari yun, inilalayo ko ang sarili ko. Ga, sana naman naiintindihan mo. Nasaktan ako. At alam ko na kung kakausapin mo ako, for closure na lang yun kasi never na tayo pwedeng maging tayo ulit. At ayoko nun. Mas gusto ko na lang isipin na namatay ka na, na nawala ka na lang ng parang bula sa buhay ko. Ayoko ng na ng kahit na anong koneksyon sayo. At alam mo ba, ayun ang iniyak ko nung umagang yun. Kasi alam kong mabilis kang sumuko, na iyon na ang huling pagkakataon na ita-try mong lapitan at kausapin ako. Ang nakakaiyak na part, masakit sakin na hindi i-grab ang pagkakataon. Pero kasi, para san pa? Papahirapan ko lang lalo ang sarili ko pag ginawa ko yun diba. Wala na ang pagkakataon para sabihin ko sayo na kahit kailan di naman nawala ang pagmamahal ko sayo. Mahal kita ga, pero hindi na sapat ngayon ang pagmamahal ko para hayaan ko uling saktan mo ako. Tama na yun noon, ayoko ng maulit pa kasi mahirap. Tsaka masaya na ako ngayon, at alam kong masaya ka na rin ngayon. Kaya sana, kung anumang meron tayo noon, kalimutan na natin yun. At kung anumang meron satin ngayon, panatilihin na lang nating ganito, dahil wala ng point na mag-usap at magkaayos pa tayo. Sapat na sakin ang magagandang alaalang iniwan mo, at lahat ng aral na natutunan ko mula sayo. 

Sana, sa muli nating pagkikita, totally healed na ang puso ko. Meaning, patay na siya sa pag-ibig sayo. Sana hindi na ko iiyak ulit katulad nung huli. Alam kong darating ang oras na paglalaruan tayo uli ng tadhana, at hinahanda ko na ang sarili ko. Para naman sa pagkakataong yun, mapakita at mapatunayan ko sayo, na minsan lang ako masasadlak sa pagkabaliw sayo, pero hinding hindi ko na hahayaang maulit pa uli iyon. 





04 April 2015

Bakit ako nagbubuntong hininga?

Bakit nga ba nagbubuntong hininga ang tao? 

Kagabi may kasabay ako umuwi. Maka-ilang ulit siyang nagbuntong hininga. Tinanong ko siya kung bakit, kung may hika ba siya o ano. Ang sagot niya sakin tanong din, ako daw ba ano bang dahilan kapag nagbubuntong hininga. Sabi ko, ewan ko, kasi di naman ako nagbubuntong hininga madalas. Partly nagsinungaling ako syempre. Partly kasi totoong di naman ako laging ganun, bihirang bihira. Kapag may hika lang ako tapos pag inlove. Oo, pag inlove. Nalalaman kong nagkakagusto na ako sa isang tao pag malalalim na ang paghinga ko. Ayun lang naman. Share lang. Alam niyo ba ngayon? Eto, ako ay nagbubuntong hininga. Hindi dahil inaatake ako ng hika. Kundi.........




Hayyyyyyyyyyyyyyyyyyy,

Yes, I'm fat. Or stout. Whatever you call it, I am big and getting bigger. I know it could be because of unhealthy living, but I'd more likely call it CHANGE. I became fat because I'd personally like to be. When I was once browsing my past photos, I saw how thin I am --with all the fine lines, the invisible tummy everyone is dying to have... and I was like staring at a corpse's photo. It was way back when I still have a boyfriend hehe. Anyway, after I realized how zombielike I am that time, I've decided to gain weight. Now, I can say I have already achieved the round body I am after, but I guess I'm now pushing beyond the limit. hahaha! I now have this huge tummy that I wish I could get rid of, and two large thighs and legs. Anyway, when people say I am getting bigger than before and that I have to lose some weight, I don't feel that bad (which is, weird actually because I used to hate people calling me fat). I just have to monitor my tummy because I am always wearing dress. like later. I would be wearing my favorite white dress which perfectly fits in my body....except for the tummy part. XD I like it, I see myself more beautiful now (I'm humble. hahahaha!) than before. :) 

31 March 2015

Pa-kiss ♥

Hi blog! Namiss kitaaa!!! Eh kasi naman eh, kahit gaano ko kagusto mag post, sa sobrang busy at sa sobrang pagod minsan di ko na talaga maisingit sa sched. hay. Anyway, kahit late na ngayon may chika pa rin ako. :D

Last Saturday, Walk of Faith. Hindi ko na ikukwento kasi sa kabilang blog ko na idi-discuss yun. Anyway, Ayun nga, natapos ang gawain ng past 1AM na siguro ng Sunday. Kakadaldal ko at dahil busy kami ng isang kasamahan ko na magbilang ng fund, hindi ko namalayan na wala pala akong makakasabay pauwi. Yung isa kasi maagang umuwi kasama pamilya niya. Yung isa kasama tropa niya. Yung isa naman niyaya akong sumabay sa kotse ng isa pa naming kasamahan, kaso napakarami na nila nakakahiya na. Yung isa, sasabay naman sa motorsiklo so wala talaga. Kaya ko naman ang sarili ko, di naman ako pwede magpa chicks kasi unang una hindi naman ako chicks e. Kaso naisip ko, mag 2AM na, delikado na maglakad mag isa. Kahit sabihin ko pang strong ako, iba pa rin kasi babae pa rin naman ako kahit papano. Kahit di ako maganda kahit papano naman gusto ko ingatan ang sarili ko. So naalala ko, umakyat pa ng condo yung iba kong kasamahan dahil may irere-solve na problem. So pinatawagan ko sa isa ko pang kasamahan na sasabay sa motorsiklo yung isa doon na nasa condo (gulo ko sorry), at sinabihan ko na hihintayin ko sila. Good thing, hindi muna umalis yung naka motorsiklo dahil hinintay pa nilang makababa yung kasama ko. So ayun nakababa na sila. Pagdating sa sakayan nagkahiwa-hiwalay na, tatlo na lang kaming naiwan. Naglakad kami at nagchikahan on our way. Tapos pumasok pa muna kami ng 7-11, bumili ng gatas at choco drink. Then sumakay na kami ng jeep. Yung isa, sa akin na sumabay (naks gentleman!). Nagkwentuhan kami sa jeep, madami-dami din kaming napag-usapan, katulad ng pagka-bore niya sa buhay niya. Kesyo ayaw niya na daw ng ginagawa namin, na hindi niya raw spirituality yun. Eh bago kami magretreat siya tong masaya sa ginagawa at ayaw bumitaw. Sabi ko naman sa kanya, nalulungkot lang siya kasi may kulang. Sabi ko mag-girlfriend na siya. Hindi naman niya sinabing ayaw niya, pero natatakot daw kasi siya na baka maging bossy sa magiging gf niya etc. Tsaka siya daw yung tipo ng taong mahilig mag isip, ni sa pagtulog nag iisip. Sabi ko naman, hindi lahat ng bagay kailangan pag isipan, minsan mas masaya at cool yung mga bagay na ginagawa mo lang kasi feel mo masaya. At isa pa, eh ano kung maging bossy siya? Wala pa siyang gf iniisip na agad niya negatibo tungkol sa sarili niya. Kung talagang mahal kako siya ng babae, tatanggapin kahit sino pa siya, at siya rin, magbabago siya para sa minamahal niya. At sabi ko rin dapat kasi wag siyang matakot mag explore (wow nanay ang peg LOL). Sabi niya, mahilig naman siya mag explore, ayaw niya lang maging miserable. Sabi ko miserable siya. Todo kontra naman, di naman daw kasi siya bitter o  malungkot talaga. Sabi ko naman, hindi naman yung mga taong iniwan, malungkot at galit sa mundo lang ang miserable e. Yung mga taong pwede namang maging masaya pero pinipiling pigilan ang sarili nila dahil sa negative thoughts nila, ayun ang miserableng tunay, at siya yun. hahahaha! natawa na lang siya. Sabi ko nga e, "tara explore tayo"....aba tumawa ng mas malakas. Kakaiba daw ang dating pag ako nagsabi, eh seryoso naman ako nun at walang halong kahalayan (except kung gugustuhin niya, why not? LOL). Tapos napunta kami sa usapang pangalan. Tinanong ko siya kung anong tamang pagbigkas ng kayang pangalan, kasi ayoko ng tinatawag sa kanya ng mga kasama namin. Ang sagot niya, may nickname daw siya. Una dinig ko "Pang", so sabi ko, "Ha? Pangit?" sabi niya, "tawag sakin Paki..." Eh di ko gets tapos sabi niya "Pakis." Ang sinagot ko, ayoko ng nickname mo hindi naman kita nakilala sa ganun, yung pangalan mo na lang... tapos ayun sinabi na niya yung gusto niyang bigkas. bago siya bumaba, bilin niya na umupo ako sa likod ng driver.... sabi ko oo pero pagbaba niya sabi ko "pero syempre di kita susundin :p" LOL bago siya bumaba sabi ko, "kaya mo yan, kaya natin to." END OF STORY. JOKE!


Pag-uwi ko ng bahay, saka ko lang na-realize ang sinabi niya with sparkling eyes.... "Pakis." as in "Pa-kiss". LOL ASSUMING!!!! Eh bakit ba. Minsan lang to hahahaha! Di naman ako kinikilig di tulad ng kilig ko kay SpongeBob Squarepants pero natawa ako. Bakit di ko nagets yun? Pagkakataon na eh pinaglagpas ko pa! tsk! Sayang! Tsaka what made me assume is that, nung gabi ding yun may naibalik ako sa kanyang napakahalaga niyang gamit na nawala. Sabi ko dapat may reward. SAbi niya ano daw gusto ko. Sabi ko dapat yung magbibigay ang mag-decide. Tapos nag pasimpleng kiss siya sa hangin with sounds. Natuwa ako syempre. Tapos sabi niya, "Where do you want me to do it?" kaso naputol ang usapan nung may ibang kumausap sakin. hahahaha!

Ano ba yan. Sayang ang opportunidad. Kung kailan naman dapat hindi ako slow saka nagkaganun. Bahala na, sisingilin ko pa rin siya! hohoho! Landi eh! XD

25 March 2015


Hooray! Just a quick post for tonight. I was browsing my twitter account when I saw a similar post. This might be my reason why on my next relationship, I would prefer we'd call each other by our given names, rather than those cheesy terms of endearment. I'd rather be sure I was the only one he calls by that name, well, unless he'd be cheating with another girl whose name is like mine. :) 

Just a random thought for tonight before I go to bed. I missed my bed so much! :D 

20 March 2015

Random late night thoughts.....

Hay. 3am na, birthday na ni Jam. Happy birthday Jam! hahaha! Anyway, 3am na gising pa ko, maaga pa naman ako aalis mamaya hay. Nawa magising ako ng maaga! Lagi na lang kulang sa tulog. Tinapos ko ang essay nina Sam at Kathlene, ginawa akong google translator eh hahaha! Natuwa naman ako sa mga gawa nila, infairness. Sana nabigyang hustisya ng english translation ko ang thoughts nila chos! Anyway, magpopost pa sana ako sa isa ko pang blog kaso mukhang hindi ko na magagawa pa dahil anong oras na nga. Mabuti kung makakatulog sana ako agad. Hay. Bukas kuhaan na ng allowance! Itatabi ko na talaga yung pera. Kailangan ko mag ipon, malapit nanaman mag-December. hahaha! At magda-diet na talaga ako, hindi na biro yung lagi na lang may nagsasabi na ang taba-taba ko na. hahaha! Hindi naman ako nahuhurt, pero kasi mukhang seryoso talaga sila na kailangan ko ng mag diet haha! Bakit kasi di na lang boobs ang tumaba sakin eh. Tsk. 

Nga pala, kanina nung pauwi ako galing Manggahan, Pasig, sa jeep, soundtrip ako. Ang kanta sa playlist ko, Come What May. O diba, halos ma-forgets ko na yung kantang yun ngayon ko pa narinig! So ayun na nga, napa-emote ako ng konti. Medyo madilim kasi yung jeep tapos ang bilis, ang lakas ng hangin lipad kung lipad ang hairs ko hahaha! Ayun naalala ko nanaman si Riyen Edward Jerizano Arreza. Bat ba nagpaparamdam kayo mga ex? chos! Wala lang, parang naramdaman ko lang ulit kanina yung love ko sa kanya. Hindi na ko in love at di na ko umaasa, pero wala lang may naramdaman lang ako. Not hurt, more on masarap na feeling na di ko ma explain. Hay. ....


Gusto ko mag post ano ba yan (hindi pa ba post to? LOL) pero wala kailangan ko ng magpaalam. :'( Yung preaching ko kanina ok naman, pagod na pagod ako halos mawalan ng energy at boses yung mga tao kasi antok though nasagot naman sila. Nararamdaman kong di sila interesado. Ginawa ko naman lahat ng effort para mapasaya sila pero wala eh. Ganun talaga. Si Lord na bahalang kumilos sa kanila.


Excited na ko mag retreat. Sana naman worth it.


O diba random kung random thoughts. hahaha! Ganito ka aktibo at ka kulit ang utak ko pag ganitong oras. O siya alis na ko.


Ay nga pala, nainis ako kina Ellen at Eunice ng konti today. Si Ellen kasi, sa chatbox ba naman sabi kasi namin mag-BGC kami sa Holy Monday, aba sabi exact date please daw WTH. Hindi pa ba exact yung Holy Monday?? I mean, pwede naman niya kasi itanong kung anong date, alam ko kasi tono niya pag ganun eh. kaasar lang. Si Eunice naman, iniintriga pa yung pag uwi ko ng bahay. Kesyo 12am kasi, nag chat pa siya bat daw gising pa ko. Sabi ko, halos kakauwi ko lang. Bat daw 3 hours biyahe ko. Sabi ko normal biyahe ko yun, actually mga 2 1/2 hours lang dapat, eh kaso nagtagal pa ko ng konti kanina sa Pasig. Anyway sabi niya, bat siya daw pag sa Paranaque nauwi 1 hour lang, magkatabi lang naman daw ang Las Pinas at Paranaque. Oo na andun na tayo, pero naman. Magkaiba naman ang biyahe nun. yan hirap sa mga tao eh, porket magkatabing lugar magkaparehong biyahe na agad? Porket Las Pinas malapit lang? Asan ang hustisya? Di kasi nila alam na mula Pasig kanina, anim na sakay pa ko bago makarating ng bahay.  Di kasi nila alam na kasama na sa oras ng pag uwi ko ang 30-45 minutes o minsan 1 hour pa na pagtambay ng bus sa Ayala. Di kasi nila alam na sa biyahe ko may kasama ng window shopping sa mga piniratang gamit tuwing gabi sa palengke ng Alabang sa sobrang haba ng nilalakad ko papuntang sakayan. Di kasi nila alam na pumuti na mga mata ko kakaabang ng jeep papunta samin, tapos gumive up na ko kasi parang pointless na, sumakay na lang ako sa pila kung saan namuti nanaman ang mga mata ko kakahintay para mapuno ang jeep. Pero ang pinaka malupit dito, bakit pati oras ng pag uwi ko issue na rin? Ano ba nangyayari sa mga tao ngayon? Eh ano kung 2 o 3 hours biyahe ko, sila ba ako? Sila ba yung puyat at pagod? What the heaven! 


O siya, ok na ko. Kaya gusto ko lagi mag blog eh, nakakatanggal stress. Good mornight! :D


19 March 2015

Yesterday's report

Yesterday's achievement: Nakita ko ang sched ng Walkway 2015, I was able to help someone.
Yesterday's event: Dinner date with Tine :)
Yesterday's blessing: My life, my work, my family, my friends.
Yesterday's first: First time ko makarating ng BGC, swear. Grabe natatawa ako. Nung nag-a-apply pa lang ako ng trabaho, ayoko sa BGC, ayoko rin sa Pasig o Shaw Blvd. banda kasi nalalayuan ako. Tapos ang work ko dun din mismo. hahaha! Iba ka Lord! :D

Minsan pala, kahit gaano kahaba ang pasensya mo, kahit gaano mo kagusto na intindihin ang isang tao, darating ka talaga sa point na mapapagod ka. ..

May isa akong kakilala. May pinagdadaanan siyang kabigatan sa kanyang buhay. Para sa mga katulad ko medyo simpleng bagay lang yun, pero syempre iba-iba naman tayo, para sa kanya mahirap yun. Higit sa ano pa man, ang kanyang problema at kalaban ay ang kanyang sarili. Itong taong to, una sa lahat di ko maintindihan kung bakit maraming may ayaw sa kanya. Sa maikling panahon na nakakasama ko siya at unti-unti ko siyang nakikilala, mukhang ok naman. Sinabi nga ng isa sa mga kaibigan niya eh, siguro kaya ganun dahil kami, kilala namin siya. Na hindi siya tulad ng iniisip nila, at naiintindihan namin siya kung sino man siya. Siguro nga ganun. Pero kung maraming tao ang may comment sa kanya, ibig sabihin meron talaga silang nakikita.

Kung sa bait, walang duda mabait talaga tong taong to. Masayahin, friendly as in super. Ang naiisip kong problema niya, yung immaturity niya. Sobrang reactor siya, lalo sa negative na mga bagay. Ayaw na ayaw niyang pagsasabihan siya, pag ganun nagsisimula na siyang mag ingay at magwala. Sabagay, sino ba may gustong mapagalitan LOL ako nga ayoko din ng negative comments hangga't maaari eh. Kung meron mang mga ganun mas gugustuhin ko na hindi ko na lang marinig, kasi nakakasira naman talaga ng loob. Naiintindihan ko dahil masakit naman talaga makarinig ng di maganda tungkol sayo kahit na pinipilit mo namang maging tama. Pero kasi naman, hindi naman niya kailangan mag react ng ganun. Pwede namang chill lang, pag may nega na narinig, edi baguhin. Hindi naman kasi tayo perpekto diba? Kailangan nating tanggapin na may mga di magandang bagay na masasabi ang tao, na may nakikita sila sa atin na hindi natin nakikita, or nakikita man natin pero patuloy nating dinedeny sa mga sarili natin kasi hindi natin matanggap na may ganun tayong side (hingal XD). 

Ang medyo di pa maganda sa kanya, pag may negative comments, alam niya lang, aminado naman siya na ganun siya, pero alam mo yun? Mula pa high school ako lagi ko ng sinasabi na hindi sapat na alam mo lang yan. Gawan mo ng paraan. Hindi naman sinasabi na magpaka plastik ka, na magpaka santa ka kahit di naman. Ang sinasabi lang, be sensitive, hindi lang ikaw tao sa mundo. Kung meron mang ugali ka na alam mong nakakasama sa iba, wag mong gawin, pigilan mo. Change is constant, sa ayaw at sa gusto natin kailangan natin magbago. Hay. Nakaka high blood. Kaya dito na lang ako sa blog nagpuputak dahil gusto kong mai-release ang inis ko sa kanya. Nasabi ko na naman ang ilan dito, yung iba inaamin ko di ko masabi kasi kakaiba nga siya mag isip. Kahit concern ka sa kanya di niya nakikita yun, ang nakikita niya, nilalait mo siya at sinasabihan na walang kwenta. WTH.

Pero ang lahat ng ito ay napagpasensyahan ko naman, maliban sa isang  bagay kanina. Nag-message siya sa group na ipag-pray namin siya. Nag reply ako ng thumbs up sign, tapos wala ng ibang pumansin sa kanya. Nakakapagod na kasi. Hindi nakakapagod ang pananalangin dahil lagi ko siyang pinagpi-pray. Ang nakakapagod, yung part na ayaw niyang tulungan ang sarili niya. Kahit ipag-pray namin siya, kahit payuhan namin, kung ayaw niya naman tingnan ang mali sa sarili niya at baguhin iyon, wala pa rin. Alam ko kayang baguhin ng panalangin ang lahat ng bagay, pero naniniwala din naman ako na kaakibat ng pananalangin, dapat kumikilos din tayo. Mananalangin tayo na sana baguhin ng DIyos ang ating puso, tapos pag may dumating na circumstances na binabago na tayo nagagalit tayo. Ang labo no? Bakit kaya di tayo nakukuntento sa nakukuha natin, eh yun naman ang hiningi natin? 

Anyway balik sa kanya, ayun nga nakakapagod. Nakakasawa. Nakakainis isipin na ito nanaman tayo, nagda-drama, sinisisi nanaman si Lord, galit nanaman sa ibang tao dahil sa mga komento nila. Hello, magcocomment ba sila kung wala nakikitang mali talaga? oo may mga taong judgmental lang talaga, pero kung majority iisa lang nasa isip aba naman mag isip ka na kung ano na bang mali sayo. Grabe. Nakakaloka. Tapos yung mas nakakapagod pa, yung paulit ulit na drama. Yun at yun na lang palagi. Kung nahihirapan ka sa ginagawa mo at tingin mo di para sayo, edi umalis ka, quit. Hindi yung magdadrama ka, kesyo ayaw mo na, tapos may mababasa ka na nakaka inspire ok ka na ulit taos bukas hindi nanaman. Oo, totoo naman na lahat dumadating sa ganun part, ako mismo ganun eh. Pero yung ang bilis ng phasing. Yung tipong day 1 ok kay, day 2 hindi ka ok nalilito ka , day 3 may mababasa ka empowered ka ulit tapos day 4 hindi nanaman. Ano ganyan na lang palagi? Ok lang sana kung buwan ang nagdaan at alam mong major problem talaga ang cause ng pag ganun eh katanggap tanggap pa. Pero yung isang araw lang o dalawa ang pagitan? WTH. Walang growth na nangyayari, parang Pilipinas lang hindi umuunlad. Hay. Nakaka high blood talaga promise. Patawarin ako ni Lord pero ito talaga nararamdaman ko ngayon. Nakakainis pala talaga yung taong sobra ang self-pity no? Hay. Ayun pa, kesyo walang ama kaya ganyan ang ugali. Andun na tayo, pero naman. Marami jan ang walang ama pero nakayanang mabuhay ng normal at matiwasay. Hay buhay. Ayoko ng mainis. Ayoko ng ganitong pakiramdam. Gusto ko pag nakita ko siya ok na siya, at ok na rin ang pakiramdam ko. Ayokong mainis sa kanya kasi mahal ko siya bilang kasamahan ko siya sa trabaho. Hay. 

08 March 2015

May 12, 2013 post. I think I finally found him... JOKE! hahaha! But I hope I would. A man who loves reading, I pray would love me even more, and would love my Lord more than anyone and anything else in this world :) ♥


Today's report

Today's achievement: I woke up at 7 in the morning! It's a miracle!
Today's event: Jam's internment
Today's blessing: I woke up. I'm alive.
Today's goal: be happy...still. :)

Wala ng Jamich, Mich na lang. T.T

Kaya ayoko mag-Facebook eh, mate-tempt akong tingnan ang FB accounts nina Mich, tapos malulungkot nanaman ako. Hindi ako big fan ng Jamich, pero dahil madalas akong makapanood ng vids nila lalo sa bus pag nasa biyahe, halos alam ko na karamihan ng vids nila. Anyway nakakalungkot talaga, ilang araw na. Umiyak iyak pa nga ko nung nakaraan eh. Oo na, hindi naman ako isa sa pamilyang nawalan, hindi ako ang girlfriend na naiwan, at lalong hindi naman ako kilala ni Jam. Kaso alam mo yun? Ang iniiyakan ko at ikinalulungkot ko, almost happily ever after na sila, almost a love story na talaga, tapos ganun? Ganun lang? Kaya pala, napapaisip ako dati, hindi ba sila nakakaisip maghiwalay, eh halos lagi silang magkasama? Bakit parang walang hadlang sa pagmamahalan nila? Yun pala.... yun pala... kamatayan ang sisira ng lahat. Grabe. Bakit ganun? Lord bakit ganun? Bakit hindi pwedeng maging lubusang masaya sa mundong ito? Bakit kailangan hadlangan ng kamatayan ang tunay na pag-ibig? Bakit? Nakakainis isipin na ang bilis ng lahat ng pangyayari. Stage 4 agad, tapos ngayon patay na. Grabe. Dito dapat tinatanong kung nasan ang hustisya? Bakit ganun? Bakit ganun??? Bakit napakadamot ng mundo?

Naii-stress talaga ko sa mga katanungan kong to. Alam ko walang sense sa inyo, pero sakin mahalaga to. Hindi lang basta namatay si Jam. May iniwan siya. May kailangan akong malaman. Bakit? Bakit?????

Hay. Anu't ano pa man, wala na, wala na si Jam. Wala ng Jamich, Mich na lang. T.T 

03 March 2015

Today's report

Today's new experience is : Starbucks' Chocolate Chip Cream! Sorry, but it's my first time. :D
Today's happy moment : Book shopping with two of my cool colleagues.
Today's unforgettable experience : my "riding in tandem" nightmare.
Today's blessings : My family, my colleagues, this life.

02 March 2015

Sabi ko di na ko papaabot ng alas-2 for a change, at para naman sa awa't habag ko sa mukha kong puro pimples dahil sa palagiang pagpupuyat. Pero last na to. Haha. Tinry ko kasi buksan yung email niya, hindi ko na ma-access. Na-deactivate ko na nga pala. Hay. Edi yung akin na lang, tiningnan ko mga pictures namin... at grabe super natatawa na nasusuka ako sa itsura namin dun. Hahaha! Ang chaka chaka ko grabe. Naisip ko nga, mabuti at nagustuhan niya ko sa ganung itsura ko? Grabe gusto ko nang maniwala na minahal niya talaga ko hahaha! Pero infairness ang payat ko noon ah, aba pag nakita niya ko ngayon baka akalain nun na losyang na ko hahaha. Pero grabe natatawa talaga ko. Parang ayoko ng  balikan ang nakaraan, parang gusto ko bawiin yung mga post ko na sinabi kong mahal ko siya LOL. Di ako bitter, natatawa talaga ko swear. Pati chat namin nabasa ko pa ang kulit lang. Hay buhay. Kaya wag ng balikan ang nakaraan... nakaka-disappoint. hahahaha!