De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

17 August 2015

31 July 2015

SOLITUDE

"Loneliness is dangerous. It’s addicting. Once you see how peaceful it is, you don’t want to deal with people." 

-Hedonist Poet

30 July 2015

it's her.


I have this one colleague who told me to repeatedly tell her that everything's okay, that's she's good, that she didn't do anything bad. There are times that I know she's sharing me her thoughts for me to appraise her, and he actually did tell me to do so. I was okay with that, though there had been times when I think she's becoming an extreme attention seeker, which some of her friends think as well. But now I knew. She had this so-called Social Anxiety Disorder. Well of course I'm not in the position to call her that. This photo does not justify her character, and I'm not an expert in human psychology to conclude, but somehow it helped me understand her more. Now, I will not think negatively when she starts reminding me to uplift her, because I will just think it has something to do with her psychological need. 

12 July 2015

Dami nanamang frustrations. Dami nanamang nakakapagod moments. Dami nanamang nakakasawa na thoughts. Pero totoo nga, it's all in the mind. Ngayon ko siya na-prove. Kahapon kasi nagpunta ako ng SM Southmall, may nangyaring di kanais-nais (hindi ko na ikukwento kasi ayoko na maalala pa). Anyway nag-iisip ako kahapon kung ico-complain ko pa yung guard na mahadera sa entrance. Mabuti na lang wala akong ballpen, at mabuti na lang nagmamadali din ako kahapon kaya naisip ko, ipagpapasa-Diyos ko na lang ang lahat. Ipapanalangin ko na lang siya, bahala na si Lord tuwirin ang baluktot niyang pag-uugali. Kung iisipin parang lugi ako, pero napag-isip-isip ko rin na mabuti na rin yun, kesa ibaba ko ang lebel ko at ipahiya ang sarili ko sa paglaban sa kanya. Tsaka, mas malaking gulo, mas hassle pag pinatulan ko pa. Ako lang din maaabala. Maaari pang ako din ang maging dahilan para maging mas miserable ang halata namang miserable niyang buhay. Tsaka inisip ko na lang na baka may pinagdadaanan si ate kaya ganun siya kahapon, at ako ang mapalad na natsempohan. Tsaka ok na din na ako na kayang magpigil ng sarili, kasi paano kung ang na-encounter niya ay mas malala sakin? Yung tipong di palalagpasin yung katarayan niya diba. Hay. Tama nga si Vargas sa talk niya kanina. Sabi niya, tatlong bagay ang dapat nating pinipigil...isip, dila, at pakikitungo sa kapwa. Pinigil kong mag-isip ng paraan para magantihan ang guard na yun at masira siya. Pinigil ko ring maalala ang mukha niya. Pinigil kong magsalita ng di maganda at mag-iskandalo. Pinigil ko rin na i-report siya at awayin siya. Ang ending, nakauwi ako ng bahay ng pinagpala. O diba, advantage ko pa? Kesa naman naabala pa kami pareho at nabadtrip buong araw. Inaamin ko naman na ngayon pag naaalala ko yun naiinis pa rin ako ng konti, pero ok naman kalmado naman ako. hahaha! 


Tapos kanina naman, nakaka-badtrip ang naging encounter ko sa mga youth namin, to the point na gusto ko na sanang sumigaw, gusto ko sanang sabihin sa kanila na ang tatanga nila, gusto ko sana sabihin na makinig sila ng maigi para hindi nagkaka-conflict lahat. Pwede akong magalit buong gabi, pero pinili ng isip ko na isantabi na lang ang galit, piliting maging masaya para hindi matapos ang araw ng malungkot. Kaya eto, gising pa rin ako diba, hindi dahil gusto ko magpatiwakal pero dahil masaya ako kasi kahit papano.... kahit papano nakakatulong ang positive thinking. 


Sa work naman, dami pa ring frustrations...pero sabi ko nga sa isa kong picture sa FB, the brighter side is always bigger than the dark side. I can look at all the negatives, the down sides of staying in my God-chosen field. Pero nung tiningnan ko ang positives, wow. As in wow, wala akong masabi kasi andaming dahilan para mag-hold on pa rin. Kaya ayoko muna i-stress ang sarili ko, I want to be positive, and I ask God always to be my strength para maging ganito ako lagi, kasi kung hindi, mag-e-emote nanaman ako at magmumukmok at makaka-isip na saktan ang sarili ko. XD


Ok, matutulog na ko. HAHAHAHA!

Rule to self:

BAWAL MAG-COMPLAIN!

05 July 2015

Kaya kahit na ilang ulit kang nag-try na makipag-communicate ulit, na ibalik ang lahat sa dati, hindi na, Ga. Mahal kita, pero hindi na sapat para ipagsapalaran ko nanaman yung pangako ko sa sarili ko na magbago. Kaya kahit masakit, pinilit kong hindi ka sagutin sa mga message mo. At nagtagumpay ako. Eto ako ngayon, Ga, masaya na ako. Malaya na ako. Mabuti na lang naging pursigido ako. <3 nbsp="">


Me...every single day.


19 June 2015

I searched for zero-calorie foods .....






AND I WAS LIKE, "AHHH.. NEVERMIND." XD


18 June 2015

Naiirita ako. Naiinis ako sa trabaho ko. naiinis ako sa ka-partner ko. Naiinis ako na babalik na ulit yung isa ko pang asamahan sa trabaho. Naiinis ako sa isa ko pang kasamahan na tanong ng tanong, sabi ng sabi ng mga non sense na bagay, ng mga bagay na di naman dapat problemahin pero pinoproblema niya tapos sakin magtatanong. Naiinis ako sa isa kong kasamahan na know-it-all. Naiinis ako sa kasamahan kong kung makayaya sa gala palibahasa wala siyang gagawin ngayon araw. Naiinis ako sa mga seniors namin na sinasabi na magtiwala kami sa kanila pero pag ginawa mo na ipaparamdam sayo na wala silang pakialam sayo. Naiinis ako sa mga tao sa field, naiinis ako sa lahat ng tungkol sa trabaho ko! Nakakairitang isipin na yung desktop computer ko sira. Nakakainis na sobrang init ng panahon. Nakakirita na mabuhay sa mundo. Hindi na ko masaya. Nakakainis kasi ang hirap maghanap ng trabaho. Maghihintay pa ko bago ako makapag-resign. Ayoko na. Nagsasawa na ko. Hindi ko na kaya mag stay pa sa kinalalagyan ko sa trabaho. Gusto ko ng umalis talaga. Hayyyyy!!!!!!!!!!!!!!!1

17 June 2015

Late night thoughts. Zzzzzzz......

How much pain can a person endure? 
Which is worst? emotional or physical pain?

I have asked these questions while I was in a bus a while ago, watching a movie where Sylvester Stallone is in. The story is quite interesting, though I can't stand seeing how they were tortured in the scenes.

I am not going into too much detail, I just want to share some thoughts, some questions that I had asked myself.

I know these will be answered soon, but for now I would settle for this last thought I had before I alighted from the bus.... the mind and the physical body of a human being has it's way of dealing with pain. When the mind cannot contain the pain it receives anymore, it breaks down as a defense mechanism, but it doesn't shutdown. When our physical body finally reach the limit of the level of pain it can endure, the body will die. But when the heart, the poor little muscle in the middle of our internal body receives pain, it can still beat as it is supposed to. It still works even if it's shattered. It still functions even if the whole body and the system gives up, making it the world's strongest muscle aside from the tongue. 

Nice Piece of Art.


14 June 2015

Healthy Living

Hindi ko naman ayaw tumaba, yun nga ang naging goal ko nung nakita ko kung gaano ako kachaka nung payat pa ko sa mga pictures ko noon eh.... kaso parang nasobrahan na pala ako ngayon. As in sobrang taba ko na. wew. Dapat na talaga akong magbawas ng kain. Lately kasi masyado akong napamahal sa mga fatty and high calorie food, ayun ang resulta kitang kita hahaha! Ang nakakalungkot na part, ang damit ko hindi nauubos, pero ang kasya sakin, konting konti na lang! LOL anyway, hindi naman diet ang plano kong gawin, basta lang mabawasan ang calorie intake ko. Masyado kasi akong exposed sa fast food, kaya ayan fast din ang paglaki ng katawan ko. Eh ayun hindi na maganda, hindi na ako maganda. XD Kaya sige, kahit mahirap mag exercise, kahit mahirap kumain ng gulay, kahit mahirap makipag break sa mga paborito kong comfort food.... gagawin ko, wag lang ako maging super taba! :) So help me God.

10 June 2015

Waking up in a bad dream

I don't usually wake up early in the morning, but I'm up at this time right now because of a bad dream. In my dream, my mother received a phone call telling her that my father had an accident just a few minutes before we left him. Then a few minutes more, a text message came telling us that my father didn't make it. You know what I did in my dream? I committed suicide.

Who would ever like to stay in a dream like that?

What made it worse to handle is my mother's facial expression of grief after knowing the sad news. I can still feel the hurt even if it's only in a dream. So even though I don't want to, I got out of bed and I prayed. I prayed to God but I don't know what I would really have to tell him. I want to tell him not to do it with my family, but of course all of us would die. Instead I prayed to him that if ever someone would die, let it be me first before anyone in my family. I am not good at handling pain, so I'm really begging God not to do it. I know I cannot stop the inevitable, but at least I want God not to inflict me too much pain. I love my family so much, especially my father.

As I was browsing the internet, this is what I saw...
http://www.cosmo.ph/lifestyle/motivation/13-signs-you-re-a-daddy-s-girl

01 June 2015

PARENTS.

I had a fine day today, and a great realization I must say.

Magtatagalog din ako wag mag-alala (mensahe sa sarili HAHAHA).

Umalis ako today kasama ang kuya ko, si Sam, yung anak ni kuya pati yung kasama niya sa buhay. Nagpunta kami ng Starmall para mamili ng mga gamit sa school ng anak ni kuya, at para na rin bumili ng ipinangako kong bag kay Sam.

Inaasahan namin ni Sam na sa SM kami, pero nag-suggest ang tita namin na sa Starmall na lang. Nag-agree si Nogie kasi nga naman mas mura dun. So ayun sagot ni Nogie ang pamasahe. Una kaming tumingin ng bag sa robinsons, may bet na sila dun na stroller bag na may free backpack pero syempre nag-ikot pa kami. Nagpunta kami sa "economy part" ng mall, kung saan sama-sama ang lahat ng tiangge. Doon kami nakipagsiksikan at nakipagtawaran. Huling napuntahan namin ang tindahan ng isang muslim na babae. Medyo matagal ang stay nila Nogie doon, nakapag ikot na kami ni Sam para maghanap ng bag niya pero pagbalik namin andun pa rin sila. Nakita ko sa mga mata ni Nogie ang hirap ng pagdedecide, bag lang yun ah. Iniisip niya kasi kung bibihin niya yung worth P1,400.00 na nasa robinsons na may free backpack, o yung inaalok ng muslim na worth P1,000.00. Malalim na nag-iisip si Nogie sa kabila ng pangungulit ng anak niya, at natawa pa nga ako ng sinabi ng kapatid ko na hindi niya iniisip kung anong mas maganda, iniisip niya kung ano ang kakasya sa budget niya. Pilit na tinawaran ni Nogie ang bag sa halagang P900.00 at sa huli nagkasundo sila sa presyong P950.00.

Alam mo ba blog, naiiyak akong alalahanin ang itsura ng kapatid ko kanina, though natatawa talaga akong makita siyang ganun kanina. Alam ko at paulit ulit niyang sinabi na gusto niya yung mas malaking bag sa robinsons, pero dahil kailangan pa niya bumili ng sapatos dun na siya sa mura. Maganda naman yung bag, though maliit nga lang. Kinonsider din ang backpack para ma makamura kaso syempre umiral ang pagiging ama niya, gusto niya na best pa rin ang maibigay sa anak niya. Alam mo yung nakita kong naluluha na siya sa pagdedecide. Alam kong maliit na bagay lang ang bag kumpara sa marami pang desisyon ng tao sa buhay, pero hindi iyon ang highlight. Ang highlight dito, yung hirap na pinagdadaanan ng isang magulang, maitaguyod lang ang pag-aaral ng anak. Umuwi kaming lahat na masaya, nabili namin ang bag na gusto ni Shamita, isang pair ng black shoes at one pair ng rubber shoes at notebooks na yun na lang ang nagkasya sa budget. Ako masaya naman akong nabili ang bag ni Sam, na dahil medyo sale eh na-less pa kaya may sukli pa sa budget kong 1k. Nabili din namin ang sapatos niyang pang-ulan. Pero sa pag uwi ko, dala-dala ko ang sampal sa akin at maging sa kuya ko ng realidad ----hindi naging biro ang pinagdaanan nila Mama at Papa para mapag-aral kaming tatlo.

Bagamat hindi nagtapos ang kuya ko, masaya ako kasi nakakapag-trabaho siya at kumikita ng maayos ngayon. At nakita ko siya maging ama sa kanyang anak kanina. At ako, na-appreciate ko ng sobra ang edukasyon na ibinigay sakin ng aking mga magulang. Totoo nga, na ito ay isang kayamanan. Hindi birong pawis, pagod at hirap, at di rin birong pera ang inilaan ng mga magulang para sa mga anak nilang nag-aaral. Talagang pag-uwi namin, wala akong ibang bukambibig kundi "mahirap pala talaga mag-paaral". Kaya sabi nga ni Papa kanina, ganun na lang ang pagsusumikap nilang magtrabaho noon dahil dalawa kami ni Sam na nag-aaral sa private school. Na kaya halos wala silang oras para sa amin dahil naghahanap buhay sila para makapasok kami sa magandang school, at mabili nila ang mga gamit na gusto namin.

Imagine, hindi kami mayaman pero never ko naranasan na hindi bago ang gamit ko every start ng school year. Never ko naranasan na hindi bago ang bag ko, ang sapatos, ang damit. Nagrereklamo pa ko noon kasi hindi kayang ibigay nila Mama yung pencil case na mataba at madaming compartment, ang naibigay lang nila yung pencil case na may laro pampalipas oras ko. Naiinggit pa ako noon sa mga kaklase ko na malalaki ang bag na mala-maleta na, kasi ang kaya lang ibigay nila Mama, bag na may gulong na di man kasing laki ng sa iba, mahal na masyado para sa akin at sa kanila. Alam mo yung feeling na, sobrang namahalan talaga ako sa 1K na bag kanina, which is mura pa in a sense ha. Sabi ko nga kay Mama at Papa kanina, mabuti kinaya niyo kaming paaralin? Mabuti hindi kayo nanghinayang sa pera? Private school. May scholarship man ako noon naglalabas pa rin sila ng kulang kulang 30K each year. Grabe. Eh ako nga nanghihinayang na ako minsan sa 500 na nagagastos ko pang pasalubong kina Mama. Ni di ko nga maibigay sa kanila yung sahod ko kahit nangako akong gagawin ko yun kasi iniisip ko, paano ako? Eh sila, hindi nila inisip na paano na sila makapag-aral lang ako.

Ngayong may trabaho na ko at kumikita ng sariling pera, na-realize ko talaga na hindi pala talaga basta-basta ang lahat. Mahirap magbitaw ng pera, na kahit sarili mo pagdadamutan mo na. Hindi ka na bibili ng bagong gamit para sa sarili mo kasi iisipin mo, sayang. At ganun din naisip nila Mama at Papa noon. Sayang kung gagamitin nila para sa kanila, para sa amin na lang nina Sam. At hanggang ngayon ganun pa rin sila. Naiiyak akong isipin na wala pa akong maitulong, na hindi ko pa kahit papaano nasusuklian man lang kahit konti ang nagawa nila para sa buhay ko. Na, hindi ko naman kikitain ang perang kinikita ko ngayon kung di dahil sa kanila. Na wala ako sa kalagayan kong maganda ngayon kung di sila nagsikap. Na hindi ko mararanasan ang magandang buhay kung di nila pinagkaitan ang mga sarili nila. Sabi ko noon, pinili nilang maging magulang kaya kung anuman ang ibinibigay nila sa akin bilang anak, obligasyon nila yun. Pero hindi, hindi lang basta ganun yun. Higit pa sa obligasyon ang ibinibigay ng mga magulang. Kung tayo tanga sa pag-ibig natin sa maling mga tao, sila naging tanga rin sa sobrang pag-ibig sa kanilang mga anak.

Kaya kanina, habang pinagmamasdan ko sina Mama at Papa, napansin ko na matanda na sila. Na hindi na sila kasinlakas ng dati, bagamat salamat sa Diyos malalakas pa rin sila til now. Naisip ko nga, kailan kaya yung time na mapapagpahinga ko na sila sa pagtatrabaho para sa akin? Kailan kaya yung time na ako naman ang maghahanapbuhay para sa kanila? Kasi yung kinikita ko ngayon, para sa sarili ko lang lahat. Yung mga ginagawa ko, yung mga dahilan ng pagod ko, para sa sarili ko lang lahat. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis akong isipin na bat ganito ako. Akala ko dakila na kong anak kasi di naman ako tulad ng iba na pasaway totally talaga sa magulang. Pero hindi. Ang dakila ay ang mga magulang ko. Kasi hindi nila ako pinababayaan hanggang ngayon. Na kahit para sa kanila na lang, kahit pahinga na lang sana nila, para sa akin pa rin. At hindi pa rin sapat ang lahat ng efforts ko kumpara sa kayang nilang gawin para sa akin.

Umiiyak man ako ng wagas ngayon (at ngayon na lang ulit), I'm still happy na naganap itong araw na ito. Salamat kay Lord kasi, pinakita niya sa akin, na hindi basta-basta maging magulang. Total na paglimot sa sarili ang ginagawa nila para sa mga anak nilang pasaway. Kaya ang prayer ko kay Lord, nawa matapos ang araw na to (ay June na pala, panibagong araw na! panibagong simula nanaman!), i-lead niya ako sa landas kung saan magagawa kong maging mabuting anak sa mga magulang ko. Na bagamat ganito lang ang trabaho ko, hindi ito hadlang para hindi ko mapasaya sina Mama at Papa.

Salamat sa Diyos kasi sila ang magulang ko. Walang wala akong masabi kundi salamat Lord kasi pag nagbibigay Ka, laging the best.


29 May 2015

Ang puso ko. bow.

Hindi natin ma-define ang salitang "masaya", kasi hindi natin alam ang sukat ng masayang masaya sa masaya lang. Ako, para sakin ang depinisyon ko ng masaya eh kapag payapa ang kalooban ko. Katulad ngayon. Hindi ko masasabing hindi ako nalulungkot, pero payapa ngayon ang dibdib ko. Walang nagpapabigat dito, at pakiramdam ko kuntento ako sa kung anong meron ako. Pero minsan hindi sapat na masaya ka lang. Mas maganda sana kung masayang masayang masaya....kaya tara lovelife. Joke!

Wala akong lovelife ngayon, at ok naman ako. Hindi naman ako naghahangad ngayon na magkaroon, kuntento na muna ako maging single. Sa iba kong kakilala hindi ako maintindihan, hindi nila ma-gets pag sinasabi kong "tulog ang puso ko ngayon". Eh sa tulog naman talaga e. Pwede pa nga patay eh hahaha! Alam mo yung wala kang crush man lang, at nararamdaman mong wala ka ring iniirog. Minsan nga binubulungan ko ang sarili ko na, "ui, magka-crush ka man lang.." tapos kikiligin ako saglit tapos tapos na. Alam mo yun? Pag humimbing ang aking puso tuloy-tuloy. Nalimot na kasi niya ang sakit na dulot ng huling taong minahal ko, kaya eto nagbabakasyon siya, nagrerelax, nagpapahinga, at siguro hinahanda niya ang sarili niya para sa susunod nanamang pakikibaka sa pag-ibig.

Hindi ako takot na muling umibig at masaktan, pero sadyang hindi ko naman pwedeng pilitin ang puso ko diba. Kung ayaw niya wag niya. Masaya naman ako kahit hindi muna siya tumibok para sa iba, para sa akin na lang muna. hahaha!

Tuwang tuwa ako sa puso ko, feeling ko nga best friend ko siya eh LOL! Kasi alam niya kung kailan siya dapat magpahinga, at alam niya rin kung kailan siya dapat umariba. At pakiramdam ko may relationship ang puso ko kay Lord. Sabi ko kasi noon kay Lord, kung alam Niyang hindi pa handa ang puso kong masaktan ulit, wag Niya muna ako bigyan ng panibagong mamahalin. Aba eh, mukhang regular na nagre-report ang puso ko kay Lord, kaya eto stable pa rin siya, no worries pa rin. Alam ko naman na hindi pa siya totally healed, na may ilang parte pa rin niya ang naghihingalo. Kaya nga di ko siya pinipilit kung ayaw pa niya. Kaso naman kasi, pag gusto na niya kakaiba rin eh. Talagang wagas siya umibig. Talagang all out. Kahit na mag-over heat na siya ok lang, patuloy pa rin siyang titibok para sa iniibig ko. Kaya tuloy ayun, pag nasaktan grabe din. Pag nasugatan malalim. At pag namahinga walang wala na rin.

Astig tong puso ko. Kaya nga sana, kung kaya ko lang talaga, gusto ko siyang alagaan. Kasi dinesign siya perfectly ni Lord para sa akin. Biruin mo, ibinigay sa akin ang puso na makakavibes ko. Puso na hindi mabilis ma-develop, yung alam ang lugar niya sa isang tao. Pusong alam kung para kanino lang siya dapat tumibok, yung lugi man siya sa huli pero at least bawing bawi din naman sa mga nakuha niyang pag-ibig. Yung pusong matiisin pero hindi non-sense na pagtitiis, pusong mapagbigay pero alam ang limit ng dapat ibigay. Pusong hindi madaling masaktan unless sinadya na. Pusong kayang pagdaanan ang lahat mapasaya lang ako. Sana lang wag siyang magbago. Natatakot nga ako na baka isang araw, hindi na siya mag-function ng matino. Baka isang araw bigla siyang umibig sa lalaking hindi naman ako kayang ibigin, aba na-friendzoned pa ko, ayoko ng ganun. Ayoko ng unrequited love. hahaha! Kaya sa pagpapahinga niya, matagal man, pinagbibigyan ko na. Mas ok ng magpagaling na lang muna siya, kesa pilitin ko at maging cause pa ng pagkasira ng isip ko hahaha!



Mensahe ko para sa puso ko?

----puso, hindi ako nagmamadali. kung hindi mo pa siya makalimutan, ok lang. kung nais mo pang humimbing muna at lasapin ang kamanhiran, sige lang. maghihintay ako sa tamang panahon ng muli mong pagbangon. tiwala ako sayo, na sa susunod na titibok ka para sa akin at para sa iba, alam kong ang mapipili mo ay worth it para ipaglaban nating dalawa. hayaan mo, kikilatisin ko din naman para hindi ka na mahirapan pa. at kasama natin si God, Siya ang magbibigay sa atin ng tamang tao para ibigin. saktan ka man niya, siya rin naman uli ang gagamot ng iyong mga sugat. lalaking hindi ka na iiwan matapos kang losyangin at pahirapan. lalaking hindi na mang-iiwan sa ere, kundi sasamahan ka hanggang sa huli mong pagtibok para sa aming dalawa. ♥


`nagmamahal, 
ako lang.





My motto. chos!


26 May 2015

Ang moments, nasa litrato na lang.....

Sa Facebook sana ako magpopost, kaso naisip ko dito na lang. Kailangan wag ko ng ugaliing mag post sa FB dahil sabi nga, 90% ng nakakabasa walang pakialam. Anyway, dahil ayoko pang matulog, napagdiskitahan ko ang iba't ibang account ng mga "friends" ko sa FB. Tiningnan ko ang mga photos nila at natuwa ako kasi karamihan talagang may pinagbago sa itsura. :p Anyway, kalaunan sa mismong profile ko ako napadpad, at voila! Marami din akong nakita. Halos latest lang ang natingnan ko.. ayoko na tingnan pa yung iba kasi anong oras na rin. Anyway isang bagay lang ang naisip ko sa pagtingin ko sa mga larawang iyon... at yun ang title sa taas.

Nasa litrato na lang ang lahat. Hindi na maibabalik ninuman ang nakaraan, kaya ngayon ko lang na-appreciate ng sobra yung nakaimbento ng picture, ng camera. Ang galing no? Yung mga hindi mo na mababalikan pa, magagawa mong i-freeze para makita mo pa sa hinaharap. Nakaka-elibs isipin yun. Di ko ma-explain ng maayos pero astig talaga. Kasi wala na yung mga moments na yun eh, pero recorded pa. Lalo naman yung mga videos diba. Parang video lang ng Jamich, kahit patay na si Jam parang buhay na buhay pa dahil sa mga captured moments na yun. Mga panahong di mo na maibabalik pa pero pwede mo pa makita. Minsan nga naisip ko, sana lahat na lang ng bagay nakukuhaan ng camera. Lahat. Yung tipong may cctv ka for yourself. Para pag malungkot ka, pag may naaalala ko, or kung may nakalimutan ka man, pupunta ka lang sa sarili mong studio na ikaw lang ang pwedeng pumasok, tapos babalikan mo ang nakaraan na recorded na. Yung mga nakalipas na ngiti, luha, pag-ibig, away, pagkakasala... lahat makikita mo isa-isa. Kaso maganda na rin pala na walang ganun. Kasi kung meron man, matalino na masyado ang mga tao ngayon, kaya ng i-hack ang maraming bagay. Baka yung pinakatatago kong sikreto mabunyag. Hahahaha! Tapos kung meron mang ganun, wala ka ng kalayaan talaga, kasi matetempt kang tingnan yung "noon", tapos maaalala mo nanaman lahat ng sakit, lahat ng hinanakit na pinilit mo ng alisin sa sarili mo sa paglipas ng panahon. 

Ngayon, gustuhin ko mang i-discuss ang history ng camera, picture, at video para naman may maganda tayong background at maging kapakipakinabang man lang ang blog na ito kahit para sakin lang, eh wala na akong oras. Napakarami kong dapat gawin, na di ko magawa kasi wala na kong oras. Oras. Napakahalaga ng oras. At andami kong oras na nasasayang sa buhay ko. Oras, na hindi ko na maibabalik pa, na tanging litrato na lang ang magpapaalala na sa dami ng oras na sinasayang ko araw-araw, may iilang oras sa buhay ko na dapat kog ipagpasalamat dahil naganap. Ahhh yun pala ang purpose kung bakit iilang bahagi lang ng buhay natin ang kayang kuhanan ng litrato at video. Pero sana yung mas rare moments pa no. Kasi karamihan ng mas  magaganda at memorable na alaala ay hindi nakukuha ng camera. Katulad na lang sa Luneta noon October 2012, nung nag-ala Dawn Zulueta ako noon sa harap ni Rizal. Walang picture, walang video, pero isa sa mga best moments of my life. Hay.

Ngayon alam ko na kung bakit ang mga tao, kayang gumastos ng 16k pataas para lang sa isang gadget na may 13MP na camera. Kaya pala para sa ilan napakahalaga ng selfie, napakahalaga na bawat galaw ay nakukuhanan. Kasi lahat tayo may maliit na boses sa loob nating lahat na bumubulong, na sana kaya pa nating balikan ang nakaraan, lalo ang masasayang alaala. At tanging sa litrato na lang natin magagawa ito. 

Katulad nito, isang litrato mula sa nakaraan ko, na kung hindi nakunan noon, hindi ako maniniwala ngayon na hindi nga pala talaga panaginip ito noon......