De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

16 March 2010

natabunan ako nung nagsabog ng kagandahan kaya wala akong nasalo ni isang patak..

Ang galing naman...natutuwa talaga akong tingnan ang profile ng isang girl na itech sa facebook. Schoolmate ko siya nung highschool, bale first year college ako ngayon, 4th year high siya. Dati yung batang yun simple lang makapal ang kilay, di mo aakalaing gaganda siya ng bonggang bongga. As in iba na talaga siya ngayon..anlaking transformation. Tinatawag pa nga siyang wolverine pero ngayon...shet..ganda talaga!!

Tangkad...sexy...ganda...ano pa bang hahanapin mo sa kanya?

Sa isang photo album niya sa facebook nakalagay..."You can never be me"..e bago ko mabasa yun..naisip ko sana maging kasing ganda niya ako..naisip ko na kung sakaling magpaparetoke ako gusto ko katulad niya. Pero totoo ang sabi niya. I CAN NEVER BE LIKE HER. NEVER IN MY DREAMS. NEVER IN REALITY.

Wala lang, ang galing nila kasi nasalo na nila ang lahat ng kagandahan...pero bat ako hindi? wala? Ang nasalo ko puro kapangitan...pangit ugali, walang utak, walang talent, at higit sa lahat...WALANG GANDA.

Kahit man lang ganda na lang ee..buhay ka na...tingnan mo yung kaklase ko ngayong college...halos di pumasok pero buhay na buhay. Ganda kasi.

Kahit hindi na siya mag-aral kasi kikita naman siya sa modelling.
Hindi na niya kailangan maghanap ng lalaki kasi lalaki na mismo lumalapit sa kanya.. (fortunately, ako hindi ko naman kinailangan ever in my life na maghabol ng lalaki....haha...). Tapos hindi na niya kailangan pang magpaka-good girl..kahit pa talakera siya ok lang...kasi isang tahimik niya lang ok na, mabait na ulit image niya.
Isa pa, hindi siya nahihirapang mag-gain ng respeto mula sa isang tao kasi basta maganda ka, daig mo pa matanda sa respetong dapat ibigay sayo.
Tapos, yung mga magaganda, lahat ng konsiderasyon nasa kanila. Katulad nung iba kong classmate...may isa dun absent ng absent pero wag ka...lagi mataas grade nun. Pero bakit pag ako, araw araw at on time ako pumasok, nagkakanda kuba kuba na likod ko kakahabol sa klase..at sa paghihintay sa oras sa gitna ng 3 oras na vacant..pero wala...wala pa rin. Kulang pa din effort ko...NG GANDA.
Ano pa ba???
Yung mga magaganda kahit anong itsura nila maganda pa rin sila. Ewan ko ba...sila lang ang may karapatang magsuklay at di magsuklay...mag-make-up at di mag-make-up. Manamit ng kahit na ano...sila lang. Pag pangit ka tulad ko..di pwede yun.
Yung magaganda, sila lang ang may karapatang tumapak sa entabladong puno ng ilaw at tinitingala ng madla. Pag pangit, naku..ni humipo dun di pwede. Buti nga pag graduation nakakatikim ka pa ng stage e. Dun lang.

Hay...basta...andaming konsiderasyo at benepisyo ng pagiging maganda. Investment na, pension pa. Ganun lang yung. Pag maganda ka, insured ka na. Pag pangit ka pa, asa ka pa......

Buti pa ang kapatid ko...ilang taon na lang mula ngayon...masasali na siya sa parada ng mga mgaganda...at ako, mananatili habangbuhay sa likod niya. Habangbuhay kong titiisin ang panlalait ng aking tita. Ang hinayupak kong tita.

Kung magkakaroon man ako ng next life, sana maganda na ko...mayaman pa. Pa-experience naman.!

No comments: