De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

24 April 2013

Alam mo yung feeling na .... ikaw,.. alam mong ok ka na pero alam mo rin na konting bagay lang maaapektuhan ka pa. Na alam mo sa sarili mo na nakakabangon ka na pero konting sagi lang pwede kang matumba ulit? Tapos yung taong nanakit sayo .... kakamustahin ka bigla na parang walang nangyari... na parang di ka niya sinaktan ng sobra-sobra, na parang wala kayong nakaraan. Yung tipong pinamumukha niya sayo na siya ok na ok na ...... at ikaw .. alam mo na araw-araw ... pinaghihirapan mong mabuti na maging ok ka na. Na may lakas pa siya ng loob na kamustahin ka matapos ng ginawa niyang pang iiwan sayo na parang aso ka lang na pinagsawaan na niya. Ang sakit. Di ko mapigilan maiyak. Paano ako nagagawang tratuhin ng ganito ng mga  tao. Naging mabuti naman ako sa kanila ah. Sana naman magising ako isang araw na kahit isang tao sa paligid ko may pakialam sakin. Sana pagmulat ng mata ko may taong magpapakita sakin na mali silang lahat, na di sila dapat ganito sakin. Grabe. Ang sarap lang talagang magpakamatay. As in ngayon na. ://////

No comments: