De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

01 June 2011

highschool lofe, oh highschool life! :D

1. Anong section(s) mo nung High School ka?

1st yr: St. Anthony

2nd yr: St. Andrew

3rd yr: St. Thomas

4th yr: St. Paul

2. Advisers?

I- Ms. Liezel

II- Sir Rommell

III- Sir Joy

IV- Ms. Nora

3. Anong club/org mo?

LG

SMC

CAT

4. Pinakamahirap mong Subject?

Math : Algebra

5. Pinakagusto mong teacher?

Sir Cromy at Obing

7. Class Number mo?

8. Pinakahuli mong ginawang katarantaduhan:

nagrebelde. haha.

9. Eh magbisyo sa CR?

syempre.

10. Naghihilamos ka ba sa CR?

never.

11. Anong paborito mong tambayan?

walang matambayan dun. pulube mipss.

12. Maganda ba Grad Song ninyo?

hindi.

13. May nakaaway / nakapagsapakan ka na ba?

nakaaway. sapak? wala naman.

14. Sino?

marami.

15. Nag-vandal ka na ba? Anong ginawa mo?

yeah. nagsulat sa desk.

16. Ilang taon ka nag-aral sa HS?

4 years

17. Sa canteen ka ba naglulunch o sa classroom?

kung san san.

18. Anong kulay ng uniform ng teachers mo kapag Friday?

ewan di ko maalala.

19. How was the Prom

walang prom.

20. Sino last dance mo nung prom?

wala.

21. What do you do after school?

lakad lakad anywhere. hanap ng mapagtitripan at pwedeng sirain.

22. Ever cried in front of class?

yes.

23. Did you bring your cellphone to school?

yes.

24. Did you login sa Friendster kapag nasa Comp Lab?

nope.

25. May mga experiment papers ba kayo dun?

meron din naman.

26. Sino palaging nagdadala ng food sa inyo?

ako. hahaha.

27. Anu-ano naman mga dinadala mo?

sarili ko tapos bag ko.

28. Kanino ka humihiram ng notes?

hmm .. sa masipag magsulat.

29. Eh Calcu?

i have my own.

30. Sino ultimate crush mo noon? ........ :)

si anno.

28 May 2011

Ang galing. Wala ako sa mood mag post. hainako. tsk. porket nakagat lang ng pusa e no .. hahaha!

15 May 2011

wala talaga .. puro salita.

Wala namang saktong nangyari para sabihin ko to .. naisip ko lang ... ah .. lagi ko palang naiisip ... na hindi talaga dapat i-attach masyado ang sarili sa mga bagay-bagay lalo na sa mga tao-tao. ganito yun e... ako, naka-ilang ulit na ako ng lipat ng paaralan, sa bawat paaralang yun may mga naging kaibigan ako. nung magkakahiwa-hiwalay na kami para bang wala ng bukas .. todo emote kami ng friends ko tapos magbibitiw ng pangako na. "ui, walang limutan a .. text text pa rin tayo kahit malayo na .. magkita kita pa rin tayo ha .. ". pero san ka, ilang weeks pa lang limot ka na.

ito pa masaya dun e, una, di na magtetext kesyo busy. tapos di na makikipagkita sayo. tapos hanggang sa wala na talaga. when you try to reach out wala pa rin. halatang ayaw na sayo. asan na ang pangako?

kaya ako .. pag may nakakasama .. hindi ko masyadong dinidibdib. habang magkasama kami, kasabay kong sinasanay ang sarili ko na wala siya. alam mo yun. ayoko kasi ng may hahanap hanapin ako. hindi ko pinaiikot ang mundo ko sa kanya o sa kanila. oo, tingin ko ito ang naging dahilan ng pagiging makasarili ko. pero kasi nakakasawa ng masaktan dahil sa mga pangakong di naman natutupad. nakakalungkot. sabi ko nga kay wendy nung nakaraang nakapagchat kami, mas emotional pa ko sa friendship kesa sa lovelife. kaya malaking bagay talaga sa kin ang pangako ng isang kaibigan.

so far, meron akong tatlong magigiting na kaibigan na kahit na magkakalayo kami ngayon e di pa rin nakakalimot sa isa. ramdam ko naman sila. kahit walang communication minsan, bawing bawi naman pag nagkikita kami. tapos meron din akong isang kaibigang matanda na na ayun .. lahat ng pangako nya di niya natupad .. maliban sa isang bagay .. ang manatiling kaibigan ko. tapos ang greatest of all, syempre .. ang nag-iisang tumupad sa pangakog di ako iiwan .. si JESUS.


hindi na nga ako bata ...

After I've read an unexpectedly expected email, I've remembered something.

I can't exactly remember who that guy is but thanks to him because he was used by God to make me realize this thing.

Once, that preacher talked about how essential it is to be like children. One in his list is in terms of forgiveness. He said, grown-up people must be like the little children who easily forgives. He said, when children have misunderstandings about something, it won't last overnight. They forgive each other and become friends again .. and what's wonderful about them is that they forget what had happened. Unlike the adult people. When clash strikes them, it could last for days, months and even for years! Grown-ups are so used to holding grudges against their enemies. And what so funny about them is that there would be one day wherein they will tell themselves that they forgive that person already but when they saw them, the anger strikes back and the conflict between them just gets worse.

It's like me and the sender of the email. I thought I've already forgiven him, but as soon as I read the mail, the pain is all over my heart again. I don't even know if I could reply on his email. That's when I know, i don't really have forgiven him .. I've just tried to forget.

So .. the big realization??

Hindi na nga ako bata...


01 May 2011

the first one to say goodbye....

I'm crying right now. Papatayin ko na sana tong computer ng maisipan kong once more, buksan ang fb ko. I saw a former classmate's post to my high school katukayo's wall, "condolence". So in-open ko yung profile nung katukayo ko.

So there. ang tumambad sa akin, mga posts ng iba't ibang tao na nagpapaabot ng pakikiramay sa kanya at sa kanyang pamilya. And her profile photo? It's she and her father.

Naiyak ako bigla .. natakot .. nalungkot. May isang post kasi dun na naka-catch ng attention ko. Sabi dun, "kaya mo yan..."

Kaya ko kaya? Kahit kailan ayoko, kahit na sa imagination ko lang mangyari na ganun. Hindi ko kakayanin. Masagi lang sa isip ko yung death of a loved one, parang nagigimbal na ang buong mundo ko. Ayoko. Hindi ko kaya.

I'm not an expressive person, and that's one thing I regret most. I want to change, pero feeling ko it's too late na. Ewan ko ba. i want to tell everyone how much I loved them, esp. my parents and my siblings but .. I just can't. Pero deep inside my heart, I really, really love them.

I still wish I would be the first one to say goodbye.

28 April 2011

someone's always saying goodbye

Strangers, again




"I think that if life separates us, and we end up in totally different places, I’ll always remember when our paths aligned at this period of time, and I’ll be thankful for that… and I hope that where ever you are, you’d be thankful too. And I think that’s the best we could wish for”

why do we always hurt the ones we love?

we are .. practically strangers ... AGAIN. :'(

27 April 2011

so true.

remembered the days ...



ito trip kong panoorin bukas. walang aangal.

3D??? hahaha!!

wala may naalala lang .. naalala ko lang ang nakaraang katangahan ... hai.

nakakamiss maging tanga. XD

i remember the days .. :D

I'd like to watch this .. :D

There Be Dragons - Official Trailer [HD]




there is no greater sorrow than regret...

no greater power than love ..

and no greater gift than forgiveness...

23 April 2011

assuming na kung assuming.

Kanina .. naghahanap ako ng pictures .. tapos yung isang source ng nakita kong pic, blog din siya. nabasa ko sa isa sa mga post ng author ang ganito ..

"How can you say that you don't love someone but you still care a lot for her?"

hai. sa nabasa ko sa blog nia ... parang wala namang ka-assume-assume no. pero alam ko na may pinaghuhugutan siya kaya niya naitanong iyon. sana kinwento pa niya para mas maintindihan pa siya ng ibang tao. ako, nagegets ko siya. minsan na rin akong nagkaroon ng kaibigang ganyan.

wala naman akong balak na ilahad ang buong nangyari dito sa post na ito no .. pero .. kasi... ayun nga, nagkaroon ako ng ganyang kaibigan ... super sweet, super caring. as in. may time pa nga na sinasabi niya na di kumpleto araw niya pag di niya naririnig ang boses ko .. miss na niya ko .. then he always checks on me .. asan ako, ano ginagawa ko .. kumain na ba ko .. pag di pa ko natutulog he'll wait or me to sleep. ok lang naman yung mga ganyan eh .. nung tumagal kasi .. may mga instances na na parang umaamin na siya .. one time he told me na kung may choice lang daw siya .. he'd choose to be with me at that very moment that we're talking. he'd choose to eat with me, have fun with me... but he can't. then may time na he insist na makita ako ... nagtatampo pa siya pag ayaw ko ... eh akala mo naman pwede. at marami pang time na parang aamin na siya sa feelings niya but he just can't. kasi alam niya (matalino e) na kapag nakapagbitaw na siya ng word, he can't have it back.

pero kasi .. guys are really good with words and actions and women are very foolish pagdating sa ganyan. i mean, ewan ko ba kung bakit pero ambilis mahulog ng mga babae sa patibong. or, is it just na mas showy lang talaga sila? kasi ang mga lalaki ... they try to hide what they feel. pero ang babae malakas ang pakiramdam. kaso, most of the time, she's tagged as "assuming" kahit na may basis. kesyo ganun lang daw talaga yung lalaking yun sa friends niya. which is, i think is unfair. nakakainis kasi. alam mo yun? sabi nung lalaking yun sakin, bakit di ko na lang diretsuhin .. dami ko pang loopholes. gusto ko din sabihin sa kanya yun .. na bakit di pa niya ko diretsuhin kung ano bang meron kami .. edi sana di ako nagtitiwala sa nafifeel ko diba. eh sa feeling ko gusto niya ko e .. na mahal niya ko. ewan. pero noon lang to ah. wala na ngayon .. move on. tapos na. hahaha. shinare ko lang.

sana .. kung di mo mahal, wag kang maging ultramega super caring. tamang care lang. care ng isang kaibigan lang. kahit nga bestfriend ko di ganun ka-openly concern sakin e .. tapos siya tinalo pa niya nanay ko sa sobrang pag-aaruga sakin. diba? san ka pa?! tsaka kasi .. ang lalaki naman .. di naman caring sa lahat diba .. caring lang yan sa nililigawan, gf, bff o kadugo nila. pero yung simpleng friend lang tapos over caring? di rin.

kaya iba pa rin yung actions with words. wag puro actions, wag puro words. ... kasi .. jan nauuso ang "it's complicated" at jan maraming nasisiraan ang ulo kasi di nila malaman kung san ilulugar ang mga sarili at paano haharapin ang rejection mula sa mga taong fake na walang ginawa kundi dayain ang kanilang mga sarili. mahal ka na nga, idedeny pa. sus.


ikaw na maganda. XD


ano kayang feeling ng pinag-aagawan ng dalawang lalaki? as in yung literal ha .. yung ganyan ... hahaha.

hindi. yung gusto ka ng dalawang lalaki. battle of the toots sila para sayo. hahaha.!!

hmmm.. syempre ang haba ng hair mo niyan diba .. pero mahirap kasi ... syempre sa dalawa merong mas matimbang sayo .. pero aminado ka rin sa sarili mo na kahit papano may feelings ka rin sa isa. kaso ... yung tipong .. feel na feel mo na at enjoy na enjoy mo na na pinag-aagawan ka ... pag ganun ayaw mo ng bitawan pareho e. gusto mo sayo sila pareho. ang hirap ng ganun. tapos syempre darating din naman yung time na magiging mabait ka at kailangan mo ng mamili kasi nakokonsensya ka na .. kaso maiisip mo ayaw mong saktan yung isa. pero kailangan. so go go go ka naman. tapos biglang .. pag nakapili ka na ... eemo emo ka .. pero mag eenjoy ka na rin sa natira .. mamimiss mo nung dalawa pa sila .. tapos one day nagkatampuhan kayo ng pinili mo sabay makikita mo naka-move on na yung di mo napili .. tapos .....tapos ..........tapos ............... marerealize mo bigla na dapat pala yung isa yung pinili mo kasi siya pala yung gusto mo talaga. eemo emo ka nanaman ..... mag-iisip, mag-iinarte .. hanggang sa iiwan ka na nung pinili mo dahil aaminin mong di talaga siya taz sasabihin mo naawa ka lang .........tapos ................. wala na. wala na sila pareho. iwiwish mo na sana magbalik ang dati .. na pinag-aagawan ka pa nila ... na di ka na lang mamimili at pahahabain mo pa ang panahon na parehong sayo pa sila.

parang tanga no? based on exeperience? OO. XD

22 April 2011


dati ito ang greatest fear ko. yung mag-isa. ayokong ayoko nun na maglakad mag isa .. maiwan sa bahay mag isa .. lumabas lang kahit sa gate mag isa .. mag bike mag isa .. basta ayoko mag isa ... natatakot talaga ako. feeling ko lahat ng tao nakatingin sa akin. feeling ko lahat sila may comment sa itsura ko .. sa kilos ko .. sa lahat sa akin. feeling ko pinag uusapan ako at puro negatibo ang sinasabi.

pero ngayon ..

ito naman ang ayaw ko. yung may mga kaibigan at kasama nga ako pero ..FAKE naman.


>>noong nag-aral ako sa PLMun, dun ako sinanay ni Lord para i-overcome ang fear na maging mag-isa. tapos, na-enhance pa yun lalo ... parang nag-masteral ako nung napunta ako sa CDW ... mga first 2 terms ng first sem yun. grabe. sobrang hell. ang hirap maging mag-isa. katakot-takot na depression ang inabot ko to the point na parang gusto ko ng mamatay. pero awa ng Diyos .. eventually minahal ko na rin ang maging mag-isa.

>>eto naman ang problema ngayon. sa dahil sobra ko ng na-enjoy ang pag-iisa .. ayan .. minahal ko na siya ng sobra na dumating na din sa puntong ayoko na ng kasama. totoo yan.

>>last time, nitong kelan lang .. naisipang bumisita ni Antonette sa bahay. tamang tama naman kasi ako lang mag-isa .. yun yung kasagsagan ng depression days ko e (dahil sa.... ah wag na.) tapos ilang araw ako na mag-isa lang nun sa bahay .,. as in walang labas-labas .. wala man lang akong nakikitang tao. so ayun .. bumisita nga siya .. at pasensya na talaga .. hindi ko ito sinabi sa kanya pero ... parang iritable ako nung time na yun .. nung asa bahay siya. parang gusto ko na siyang itaboy (hahaha! ang sama ko talaga!). di na talaga ako at ease. as in ayoko na andito siya sa bahay. ayun.

>>pero di lang yan ang naging epekto sakin ng pagmamahal ko sa katahimikan at pag-iisa. ngayon, parang ayoko na .. di naman sa ayoko ng makipagkaibigan pero .. parang ganun na nga. feeling ko kasi ... fake lahat ng tao na nakapaligid sakin. feeling ko .. yung mga kasama ko.. kausap ko ..pinaplastik lang ako .. feeling ko pag kaharap ko sila ok sila sakin pero pagtalikod ko lahat na pinagkakalat. alam mo yun? wala na kong pinagkakatiwalaan. kahit sino. kahit ang sarili ko. plastik na rin ako pati sa sarili ko.

>>ewan ko ba kung bakit ako dumating sa ganitong punto. hindi naman to dahil lang sa mag-isa ako lagi. kasi .. meron akong mapait na karanasan sa sa paaralang pinapasukan ko sa kasalukuyan. doon ko na-encounter ang mga taong kakaiba ,... hindi naman sa ngayon lang ako nakakita ng plastik .. pero ngayon lang ako nakakita ng mga sobra na talaga .. di lang basta plastik .. FAKE talaga! grabe.

>> kaso yung ganito kong mentalidad .. masama talaga ang naging epekto sakin. hindi ko na alam kung pano ko isosort out kung sino pa ang totoo sakin at hindi. kasi lahat talaga tingin ko hindi. yung nagsasabing totoo daw .. naku .. ayun .. di ko pinaniwalaan .. kaya eto ..iniwan na ko. haiz.


ano bang gagawin ko?? hai. ayoko na sana ng ganito ... ang hirap .. baka wala na kong matirang kaibigan nito. tsaka ang hirap kaya ng lagi mo na lang iniisip na plastik lahat sau .. ang hirap nung wala kang mapagkatiwalaan .. feeling mo laging nasa peligro buhay mo ...


Lord, tulungan mo naman ako o ..

20 April 2011

wiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!! naka-attend ako!!!!!!!!!!! woohoooo!!!

kanina .. ang saya .. naka-attend na rin ako sa wakas ng Tuesday! pinayagan na ko nila Mama at Papa ... di nila ako pinigilan!! tapos .. san ka pa . ... FIRST TIME KONG UMATTEND NG TUESDAY MAG ISA!!! ang saya!! bagong experience. di naman ako natakot. medyo kinakabahan lang ako nung nasa bahay pa ko .. muntik pa nga akong di makapunta e .. kasi parang tinatamad nanaman ako tapos 6 na di pa ko nakakaalis ng bahay kasi dami ko pang ginawa tapos nanood pa ko ng My Princess. tapos wala akong masakyang jeep. ang kulit nga e .. 30 mins akong naghintay ng jeep na paputang Puregold. mga 6:25 pm, sabi ko, pag 6:30 sakto wala pang Puregold na jeep, sasakay na lang ako ng iba. in 30 mins puro SM at Moonwalk ang biyahe ng mga jeep na nadaan. mga siguro 6:28pm, dahil wala na akong pag-asa, sumakay na ko ng Moonwalk. tapos san ka .. saktong 6:30 pm nga, kasi di pa nakakalayo masyado ang jeep na sinakyan ko (kasi naghihintay pa ng pasahero so slowmo) .. ayun .. may jeep na Puregold. grabe. isn't it ironic?? haha. bababa pa sana ako .. kaso nakakahiya na sa driver tsaka kakaunti lang kaming sakay niya .. kaya ayun. pero di naman ako nabadtrip at nanlumo. actually, maganda pala ang nangyari ... kasi kung puregold ang nasakyan ko .. di ako maglalakad mula palengke .. at di ko masasalubong si Tine! yeah, you've read it right. si Christine Amisola .. ang aking mahal na kaibigan. ang totoo niyan, nakita ko na talaga siya mga 5 meters away sakin. sa tapat yun ng PLDT e. pero di ko kunwari siya napansin .. tiningnan ko lang kung papansinin niya ko. at ayun .. pinansin nga ako. grabe na-miss ko siya ng sobra. ampayat na niya ngayon. kasama niya si Jobelyn na nung binati ko .. ayun tinarayan lang ako. ahaha. kaso sandali lang kami nakapagchikahan .. di ko man lang siya na-hug. hay. tapos ayun .. bumili pa ko sa puregold ng suklay at headband kasi super gulo na ng buhok ko at feeling ko haggard na haggard ako nung nakita ako ni Tine .. pero nung nakita ko sa salamin sa c.r ng Puregold .. hmm.. di naman pala. hahaha. tapos bumili ako ng inumin ko na pepsi .. ayoko sana ng softdrink kaso wala na kong ibang choice kasi wala silang ibang inumin na gusto ko. tapos lipstick na regalo ko kay Mama kasi birthday niya today!! :D tapos ayun .. gabi na .. diretso na ko sa Amvel. kabado pa ko sa daan. sa House of Prayer kasi ang gawain .. pero good thing pwedeng pumasok kahit di naka-skirt. pero ready naman ako just in case .. may dala akong palda. hahaha. nag-stay muna ako sa labas for a while .. dun ko na tinapos ang mass. Ama Namin na nung dumating ako .. so nakipaghawak-kamay ako sa matandang babaeng nakatabi ko. tapos chika kami ng konti .. i asked her bakit siya asa labas. malamig daw kasi, di niya kaya. then may lumapit samin na mama. kinakausap si lola pero di niya pinapansin .. so ako ang pumansin. daldal ni kuya .. but i'm glad kasi he proclaims the blessings of God to his family. then after ng mass, nagpaalam na ko sa kanya at pumasok na ko sa loob. syempre, dahil echusera ako .. dun ako sa gitna .. sa seat along the aisle. haha. kaso sad thing, wala akong katabi at walang nangahas. hahaha. tapos ayun .. ok naman kahit ako lang mag isa .. medyo awkward moments ko pag nakanta .. lalo na pag joyful ang song kasi nahihiya akong sumayaw. pero ok naman. then nag-finally na. bago pa yun, iniisip ko na kung sino ang magiging partner ko pag nag-clap na. nagwoworry talaga ako. naisip ko, kakapalan ko na lang mukha ko .. makikijoin ako sa nasa harap ko. kaso mukhang masungit yung lolo. tapos nung nag-finally song na, yung lolang katabi niya, aba, nagtawag ng kasama sa likod para daw may partner siya. mukhang isnabera si lola. so wala na kong nagawa . nag-pray na lang ako kay God na bigyan niya ko ng partner. then di pa natatapos ang kanta, answered prayer na ko. si kuya abby, ewan ko kung anong ginawa niya pero nasa aisle siya .. then nagulat ako binati niya ko. tapos niyaya niya ko sa likod ...wala daw kasi siyang kasama. at siya .. siya ang naging kapartner ko. isn't that great?? buti na lang nag-pray ako kay God. ang galing. then sabay na kaming umuwi .. nagyayaya nga sa mcdo pero di ako pumayag. sabi ko nagmamadali ako umuwi. nilibre niya ko ng pamasahe sa jeep. binibigyan pa nga ako ng pang tricycle pero di ko na tinanggap. ayun .. tapos sinundo ako ni Papa sa southland. and now .. eto .. nagpupuyat. XD

I love how my day (April 19, 2011) ended. kahit na monthsary yun ng broken friendship namin ni Bro, marami namang nangyaring maganda. :D