De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

30 January 2012

Nakakabingi ang katahimikan. Muli, ako nanaman mag isa dito sa bahay. Mas ok pa kanina na nasa school ako, at least nababaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Nakakalimot ako. Sana pala di na muna ako umuwi. Sabi ko na nga ba, ito nanaman ang kahihinatnan ko rito. Andami kong naiisip na kung pwede lang sana di na lang. Nasasaktan ako. Naiiyak ako. Kung pwede lang i-reformat ang utak e. Hay. Itulog ko na lang kaya to? Kaso kailangan kong matapos mag burn ng mga kanta. Magsa-soundtrip na lang ako para at least yung utak ko okupado, yun bang wala akong maiisip kundi lyrics ng kanta. Kasi pag tahimik, bumabalik ako sa realidad. Ayoko. Ayoko na.

No comments: