De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

08 November 2011

Sikretong nais ipagkalat.

"Love" ang isa sa mga personal kong sikreto na gustong gusto kong ipagsigawan sa lahat. Alam mo yun. Willing na willing talaga sana akong ipagkalat .. kaso lang .. hindi pwede. Nakakainis. Sobra. Kung pwede lang talaga. Gusto kong sabihin sa lahat na mahal ko siya. At syempre gusto kong ipaalam sa kanya na mahal na mahal na mahal ko siya. Eh kaso, paano? Eh di nga pwede. Kaya eto .. sobrang tinatago ko na lang sa loob ko .. and hirap... sobra! Para na kong sasabog. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Kasi pag inamin kong mahal ko siya, mawawala siya sa buhay ko. Lalayuan niya ako .. at ayokong mangyari yun. Hahayaan ko na lang ang sikretong ito na habambuhay ng maitago, kesa naman mawala siya dahil sa kati ng dila ko.

No comments: