De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

08 November 2011

Bitter NO MORE! :D

Hahahaha! Wala lang. Huling post na talaga to promise (pinapasaing pala ko ni Mama, mamaya na yun. hahahaha!)

Well .. gusto ko lang sabihin na ... hindi lahat ng tumitingin sa wall ng mahal nila e nasasaktan. Tulad ko. hahahaha! Joke lang. Noon iyak iyak din ako .. pero ngayon, thank God hindi na. Wala ng hurt. Ok na ko. Asteeeeeeeeeggggggggg!

Naisip ko nga .. .. oo, siya nga ang gusto ko. If ever, gusto ko someday maging akin siya... pero maraming maaapektuhan para lang maisakatuparan ang mga pansarili kong kagustuhan. Isa pa, he's already been used by someone else .. hahaha! Kaya I told myself kanina na ... I'll wait for that man .. na akin lang .. wala ng iba. Yung fresh pa. hahaha! Joke lang. 

Pero syempre .. wala e .. mahal ko yun e. chos! hahaha! Pero suko na ko. Ok na ko. Pero mas ok ako kung siya! hahahaha! Kulit eh no. Someday makaka move on din ako. Pero sa totoo lang ayoko. Ang sarap niyang mahalin. Masakit at mahirap . .. pero yun  ..sa tingin ko .. ang isa sa mga pinakamasayang bagay na nagawa ko sa taong to ... ang mahalin siya ... hahay!!!!

Kung pinagsisisihan ko na siya pa? Syempre hindi. Kahit anong mangyari .. kahit pagbalibaliktarin pa ang mundo .. hindi ako magsasawang mahalin siya  ... kahit ilang ulit pa kaming magkakilala at sa iba't ibang katauhan man o panahon .. mamahalin ko pa rin siya. Sana lang sa ibang katauhan o panahon maging akin na siya. hahaha! Ewan ko ba .. oo marami ngang tao sa mundo ... hindi ako dapat nagtitiyaga sa kanya at nagpapakaengot ng ganito ... pero wala e .. iba siya .. ibang iba. Siya lang ang gusto ko ... kung hindi man siya, sana tulad ng Papa ko. Hay ..........................

Kahit mahal ko siya ngayon .. di na ko bitter. Di na ko nasasaktan pag nakikita ko ang .......

Masaya na ko. Masayang masaya. Masaya ako kahit mukha akong tanga. Masaya ako kasi nakikita kong masaya siya .. at napapasaya niya ang mga taong nangangailangan at higit na nagmamahal sa kanya. Sana lang talaga .. makatagpo ulit ako ng tulad niya o tulad ni Papa. Yung sakto a. Joke lang. Ang swerte 'niya'. Sobra. Nakuha niya at nasa kanya na ang nag-iisang tao na gusto ko ngayon. Napakabuti ni Lord. Buti na lang di kami. Kasi kung kami, baka hindi ko siya maalagaan ng maayos ..masasaktan ko lang siya lagi. At least .. panatag ako dahil nasa maayos siyang kalagayan diba. :)))) 


mahal ko siya!!!!!!!!!!! oo!!! mahal na mahal ko siya!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! at eto na .. eto na sana ang huling gabi na sasabihin ko to!!!!!!!!!!!!!! sana talaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

No comments: