De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

07 September 2011

Cellphone. ♥

Cellphone nga naman .. ang daming nagagawa. Isang maliit at simpleng bagay .. pero kung kontrolin ang buhay ng tao .. tinalo pa ang remote sa pagkontrol ng telebisyon. Hindi ko alam kung magagalit ako sa bagay na ito o matutuwa ako .. kasi naman .. andami niyang nasisirang buhay pero .. tingin ko naman hindi pa rin siya dapat sisihin. Kasi bagay lang siya at tao pa rin ang nagpapagana sa kanya .. kaya kasalanan na ng tao kung magpapaalipin sa kanya diba?? Tsaka isa pa .. lahat naman nakikinabang sa kanya .. at higit sa lahat .. sumasaya. Tama diba?? Parang ako lang e. Nang dahil sa cellphone naramdaman ko ang ligaya ng pag-ibig. O diba .. ayos. hahaha. Nang dahil sa cellphone . .. naging malapit ako sa mga taong di ko akalaing magiging kaibigan ko .. yun nga lang .. dahil din dito o ito rin ang naging daan para wakasan ang mga nabubuong relasyon. Pero ayos lang ..ganun talaga ang buhay. Sa huli .. cellphone pa rin siya .. bagay. Isang bagay na tumatanggap ng mga tawag at mensahe para sakin .. ang bagay na nagtatago ng numero na nagpapaalala sakin sa mga taong malapit sa puso ko .. at ang bagay na dapat kong hanapin ngayon para burahin ang mga nabanggit ko. :D

No comments: