De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

29 August 2010

sana di na bumalik.

Kanina in-edit ko ang mga picture namin at ayun gagawin ko na sana ang plano kong i-crop ang picture naming dalawa...kaso parang bigla na lang akong nagsawa sa mukha niya. hahaha. ayos yun...kasi nitong mga nakaraang araw namomroblema talaga ko kung paanong gagawin ko pag na-fall nanaman ako. Syempre ako nanaman ang kawawa kung nagkataon...sasaktan ko nanaman ang sarili ko. Imposible kasing may mangyaring something special saming dalawa e. Kaya dapat talaga hangga't maaga pa matutunan kong kontrolin ang nararamdaman ko at isa pa, sa tingin ko talaga natutuwa lang ako sa atensyong binibigay niya sa akin. Yun lang yun. Haizt! Kaya buti na lang din talaga ayun nawalan ako ng gana kanina...pero tingin ko tuloy pa rin ang plano. hahaha.

Sa Tuesday...sana pag nakita ko siya wala na nga talaga. may isang araw pa ko para kalimutan at itapon ang lahat.

Kaya ko to! :D

No comments: