De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

31 May 2010

Ganun???????????!!!!!!!!!!!!!

Kanina, habang nasa Cavite pa kami, dumaan yung Tita ko kasama yung asawa niya tsaka ewan ko kung anak ba nila yun kasi ngayon ko lang nakita. Madilim na sa labas kaya parang ang ganda nung babae...tapos pinapasok siya ng nanay at tatay niya nga ata sa amin para mag-bless sa Papa ko.. (anak nga nila...haha...). So yun, pumasok..sus...maganda nga...ang ganda sobra...ng legs...yun lang! Wala naman pala siyang pinagkaiba saken sa mukha...pareho kaming maraming pimples. So yun. Umalis na sila after mag-bless ng napilitang nagmamagandang babae...ng biglang nagpahabol pa ang Papa niya nung sinabi ng Papa kong ang ganda niya. Sabi ba naman... "Kaya may syota na e maganda kasi..kung pangit to malamang wala." Aba, narindi ako! Isa iyong kalapastanganan! Alam ko nakakatawa kasi apektado ako...oo naman! Syempre, pangit ako...tapos ganun? Kahit pangit ako nagkasyota naman ako noh...(so dahil nagka-syota ako, hindi ako pangit.,..maganda ako..hmmm...asa!!wahahaha!!nasusuka ako sa mga sinasabi ko....!!) so yun na nga, diba nakakainis...(ako lang naiinis alam ko.) Ang yabang kasi...akala mo naman maganda nga talaga ang anak niya. At isa pa, naniniwala akong hindi totoo ang sinabi niya dahil kung sa pangit ay walang pumapatol, bakit siya nagka-asawa?? (yung Tito kong pangit ang tinutukoy ko ha...) Kainis. Badtrip. Ako pa naman, alam nila NBSB ako...syempre kung pinaalam ko edi patay na ko ngayon diba...hay nako..nakakainis talaga...lalo tuloy akong pinanghinaan ng loob....feeling ko hindi na ako magkaka-asawa...at parang tinanggalan ako ng karapatang mangarap na magkaroon ng boyfriend na ka-level ni James...ampness!!!hahaha!! nag-drama??!! Hmp! Hai...

No comments: