De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

26 March 2010

gusto ko mang bawiin....

May mga bagay na hindi mo naman gustong gawin pero sadyang nagagawa mo. Gustuhin mo mang bawiin pero wala ka ng magawa kundi panindigan ang lahat at umarteng gusto mo ang mga nangyayari.

ooiii...!!hahaha!!

Hmm...isang seryosong bagay. Partida hindi ako nag-review sa Philippine History para lang dito aa...(O.A)

Hmm..tungkol to para bukas (ha??)...

Hmm....ano ba hindi ko alam kung pano sisimulan..

Hmm...kasi diba mali talaga yung ginawa kong di pagpansin kay Taray. Ang tanga ko..hindi ko inisip na ako rin ang kawawa kasi ako nga pala ang walang kakampi. Haizt!

Tama nga ang sabi nila...wag kang magdedesisyon pag nasa sukdulan ka ng iyong emosyon...katulad pag galit ka. Pero kasi hindi mo rin naman maiiwasang maging tanga pag nasa sukdulan ka na ng emosyon mo diba....

Yan, namomroblema tuloy ako. Bukas Finals namin sa Philippine History. Last Day na namin. Pagkatapos nito ang aatupagin ko na ay ang paglipat ko ng school. Wala na akong pagkakataon bukas para humingi ng tawad dahil kailangan kong umalis ng maaga. Pero gusto ko ng ganito..pero mahirap kasi baka isipin nila wala akong utang na loob diba. Ito kasi mahirap sa akin ee...hindi ko maipakita ang totoo kong saloobin...puro kabaliktaran...kainis.

Goodluck na lang sakin bukas.

No comments: