De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

12 May 2013

tinatamad ako. marami akong gustong gawin tulad ng manood ng movie, gumawa ng mother's day card, mag post dito sa blog kaso tinatamad talaga ako. ni hindi nga gumagana ang utak ko kaya eto tuma-tagalog ako ngayon. inaantok na ko pero ayoko pang matulog. tinatamad din ako. parang andami kong gustong gawin na andami ring ayoko. hindi ko alam kung pagod ako ..parang di naman. or,  physically di ako pagod pero mentally and emotionally oo. pagod na ko sa mga taong nakapaligid sakin, mapa-kilala ko man o hindi. sana tulad na lang ako ni joy lee sa palabas na missing you na ayaw na ng bad memories .... na psssuuunng! wala na. kaso hindi eh. alam kong ako yung taong hindi madaling makalimot. na bawat kaliit liitang detalye naaalala ko. kaya lagi akong nasasaktan eh. masyado akong magpahalaga sa mga bagay na dapat di naman. dapat di ako maging emosyonal pero  eto ... yung post ko tungkol sa pagiging tamad ko nauwi sa pag-e-emote. nakakainis. naaasar ako sa sarilil ko. hay. ewan. matutulog o hindi matutulog? amp. feeling ko kasi pag natulog ako makukulangan na ko sa oras. hay. andami kong frustration sa buhay. gusto ko ng magkatrabaho para di ako sinusumbatan ng mga magulang ko sa obligasyon nila sakin. gusto ko ng magbago ang ugali ko kaso nauuwi pa rin ako sa pagiging bipolar (feeling ko bipolar ako. walang basagan ng trip). gusto ko magbago  ng image, gumanda at mag improve kaso wala eh ganun pa rin pangit pa rin ako at mahirap mag ayos pag walang pera. nakakainis  na buhay to. sana sa ibang tao na lang binigay to di pa nasayang. hay. ano ba .... kailan ba ako magbabago? nakakainis talaga. i hate myself so much!

No comments: