De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

02 February 2013

Lilipas din ang February, tiwala lang. ♥



Bitter na kung bitter. Eh ganun talaga eh. Lalo na kung kagagaling mo lang sa break up. Maiisip mo na sana kayo ang magkasama sa buwan na ito. Oo, buwan na ito, hindi lang sa araw ng February 14. Kasi kung yun lang namang araw na yun ... pwede ka naman mag hire ng kaibigan para i-celebrate yun, o sa pamilya lang eh. Pero yung buong buwan ng Pebrero .. na alam mo na may taong di mo kadugo pero mahal na mahal ka ... shocks. 
So ayun. Pag may makikita kang lovers di mo maiwasang ma-bitter. Kasi ganun kayo noon, mas malala pa nga eh. At dapat ganun kayo ngayon.

Anyway, alam niyo ba na never pa ko nag-celebrate ng Valentines with a special someone? Laging family, friends. Pag kasi may lovelife ako ... ewan ko .. di tumatama ng Valentine's Day. May sumpa ata ako. LOL. So ... akala ko meron na ngayong taon ... pero wala eh. Di nga inabot ng pasko eh. HAy .....

Anyhow, wala namang dapat ikaluksa. Dapat pa ring maging maligaya. Tulad ko, ice-celebrate ko ang Valentine's Day sa piling ni Lord ... dahil retreat namin yun. Isn't that great?!


No comments: