De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

06 November 2011

LOVE is DIRECTLY PROPORTIONAL to PAIN.



Bakit nga kaya no? Sabi nila .. (pasensya na di ko alam .. hahaha! chos!) pag-ibig ang pinakamasarap maranasan sa mundo. Pag di ka nakaranas nito ... ikaw na ang pinakamalas na tao sa mundo. Hahahaha! Pero imposible naman yun .. kasi lahat naman ng tao nagmamahal diba.

Maganda magmahal, pero masarap ang mahalin. Pero mas masarap di hamak ang magmahal para sakin. Ewan ko ba. Parang may anong pleasure na pakiramdam pag nagmamahal ka .. diba? diba? diba? Pero ang nakakatawa dun, ansakit magmahal. Sobra. Iyon din naman ang pinakamasakit na naramdaman ko. Talo mo pa naaksidente e. Puso lang nawasak sayo .. pero buong katawan at sistema mo nagretiro. Alam mo yun?! Hai ..... 

Bakit kaya ganun? Kakambal ng pagmamahal ang masaktan? Di ba pwedeng maghiwalay na lang sila? Akala ko ba .. hindi mali ang magmahal ..pero bakit nasasaktan ka pa rin? Bakit?? Hay ...

Kagabi naisip ko .... kung talagang nadadaya ang emosyon ... ibig sabihin tayo ay dapat lamang na magmahal ng isang tao (tinutukoy ko opposite sex ha, out na muna family and friends). Ibig sabihin kung sino lang ang nakalaan sayo, yun lang. Ibig sabihin ba nun mali na minahal ko yung una kong minahal kaysa kanya? Dinaya ba ako at ang emosyon ko??? 

Parang anlabo nanaman. Sa tingin ko talaga walang maling pag-ibig. Ang pag-ibig ay hindi kailan man mali. Pero paano ang mga taong sabi nila mahal nila pero taken na ng iba o bawal na pag-ibig meron sila. Tingin ko nagmamahal pa rin sila .. hindi iyon mali. Ang mali lang e yung taong minahal nila at yung sitwasyon na naroroon sila. Pero kahit kailan di sila nagkamali sa naramadaman nila .. na nagmahal sila.

Hay, naguluhan nanaman ako. Nakakainis. Ang hirap. Bakit ba napakakumplikado ng 'love'?! Ang iksi-iksi pero ang hirap hirap intindihin. Nakakainis......



----------------------------



Mali ba na minahal ko siya? Eh hindi ko naman piniling maramdaman yun e. Kusang nangyari yun, at kung ako ang tatanungin .. ayoko. Ayoko talaga. Kung masasaktan lang ako ng ganito ayoko talaga. Pero ayun na e. Minahal ko na. Masaya ako na mahal ko siya. Nasasaktan ako kasi mahal ko siya. Hay ... Nadaya ba ako? Oo, mukhang nadaya ang emosyon ko. Nabiktima ako. Bakit ganon? Bakit kailangan ako parusahan ng ganito?? Bakit ???!!!!!!

No comments: