De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

18 August 2011

I need somebody.

"Kailan kaya ako magkaka boyfriend ulit ??"

Yan ang naiisip ko kanina sa jeep. Hay. Hindi naman sa desperada na ko na magka boyfriend o gustong gusto ko talaga o kailangang kailangan ko talaga no .. pero naisip ko lang .. kelan kaya?? Antagal naman, sana ngayon na. Joke lang. hahaha!!!

Wala lang. Kasi .. feeling ko ... ok masama na kung masama pero .. tingin ko makaka move on lang ako kapag may bago na kong pagbubuhusan ng atensyon ko. hahaha! Ansama e no.

Ang totoo niyan, ayoko naman talaga ng ideya ng 'rebound' no .. hindi ko gawain yan .. pero bukod sa panibagong experience siya kung magkataon .. parang yun kasi yung instant way e. Alam mo yun .. tsk. Hirap i-explain. hahaha!

Kasi .. nakakainis e. Ok na e .. di na ko nasasaktan .. tapos eto nanaman. Nakakasawa pero antanga ng puso at isip ko kasi yun at yun pa rin ang sinisigaw nila. Mga leche. Mas marunong pa sakin! hahahaha!!!

O sige wag na nga .. baka sabihin ni Lord lalo akong di karapat dapat mag boyfriend. Siguro ang hihilingin at pagpi pray ko na lang .. yung mawala na tong nararamdaman ko para sa kanya. Tama na .. sobrang kinakawawa ko na ang sarili ko dahil sa katangahan kong ito. Kahit pagbali-baliktarin ko ang mundo, wala na talaga .. suntok sa buwan ang lahat ng ninanais at minimithi ko. ahai. Ayoko na .. ayoko na .. ayoko na ....





No comments: