De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

08 March 2010

naiinis nanaman ako.

Naalala ko nanaman yung notes ko sa Math. Naiinis nanaman ako.

Naiinis talaga ako kay Ate Vhie (hindi ko na itatago ang pangalan kasi naiinis talaga ako). Naalala ko nanaman kasi na nasa kanya ang most recent notes ko sa Math. Alam mo yun...naiinis ako kasi ang selfish niya..usapan namin ibabalik na niya LAHAT as in BUONG notes ko tapos hindi pala.

(Grabe, ito nanaman ako...balik nanaman!!)

Nakakainis lang kasi plano ko ng mag-review sa Math..kasi may quiz kami sa Tuesday,...pero wala...!!!

Gusto kong magmura sa galit pero kasi ako nanaman talo nito e...ako nanaman galit. Alam mo yun...I don't want to lose people just because of my uncontrolled emotions. Pero kasi nakakainis naman talaga e! Nakakagalit!

Tapos after nanaman nitong galit ko maaawa nanaman ako..na nakakainis kasi kahit gusto kong gilitan ng leeg at patayin ng walang habas ang taong nakakagalit sakin...hindi pwede. Isa pa, nasa isang kondisyon siya ngayon na dapat mong kontrolin ang lahat para lang maprotektahan siya.

Nakakainis. Nakakainis. Nakakainis.

Sana mabigyan ako ng pagkakataong masabi sa kanya ang lahat-lahat ng galit ko.


No comments: