De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

29 August 2010

sana di na bumalik.

Kanina in-edit ko ang mga picture namin at ayun gagawin ko na sana ang plano kong i-crop ang picture naming dalawa...kaso parang bigla na lang akong nagsawa sa mukha niya. hahaha. ayos yun...kasi nitong mga nakaraang araw namomroblema talaga ko kung paanong gagawin ko pag na-fall nanaman ako. Syempre ako nanaman ang kawawa kung nagkataon...sasaktan ko nanaman ang sarili ko. Imposible kasing may mangyaring something special saming dalawa e. Kaya dapat talaga hangga't maaga pa matutunan kong kontrolin ang nararamdaman ko at isa pa, sa tingin ko talaga natutuwa lang ako sa atensyong binibigay niya sa akin. Yun lang yun. Haizt! Kaya buti na lang din talaga ayun nawalan ako ng gana kanina...pero tingin ko tuloy pa rin ang plano. hahaha.

Sa Tuesday...sana pag nakita ko siya wala na nga talaga. may isang araw pa ko para kalimutan at itapon ang lahat.

Kaya ko to! :D

28 August 2010

ako nanaman ang talo....

for the nth time...ito nanaman ako...nai-in love nanaman sa isang taong suntok sa buwan kung maangkin ko.

bokalista. artista. taga ibang section. taga ibang bansa. kapitbahay. classmate. teacher.

ngayon classmate nanaman.

grabe. ayoko sa lahat yung ganito. yung AKO NANAMAN ANG TALO.

minsan naisip ko bakit hindi na lang kaya binigay ni God agad sa mga tao ang mga nararapat sa kanila para sana wala na lang nasasaktan.

(alam ko sasabihin niyo sagot ni God, "epal ka, ikaw na diyos.")

kaso kung ganun nga ang nangyari,..wala ng thrill. syempre kung binigay na niya agad,,..hindi natin mararanasan ang ibang tao...di natin sila matitikman (o wag green.!) at di tayo makakaranas ng pananabik.

tapos naisip ko rin na bakit hindi na lang yung mahal mo ang ibigay niya.

(yes i know epal nanaman ako...)

pero naisip ko ulit, kung ganito ang nangyari, ang makakatuluyan ko ngayon ay yung una kong minahal...at kung iisipin nakakadiri yun...eeww....ayoko sa kanya.

ayun. so ok na lang din na ganito. no choice e. si God ang may gusto nito.

eto, nag-e-enjoy ako. masaya ako s atensyon at kalandian ng lalaking nagugustuhan ko ngayon. kaso syempre nahihirapan ako kapag naaalala ko kung hanggang saan ko lang dapat ilugar ang sarili ko.

mahirap kapag nalulunod ka na sa emosyon mo. mahirap kapag nalulugmok ka sa pagkakamali sa interpritasyon mo sa pakikitungo niya sayo. mahirap kapag nababaon ka sa pag-asang wala namang patutunguhan. mahirap kapag naiipit ka sa sitwasyong mamimili ka kung bibigay ka o hindi. mahirap kapag nahuhulog ka kahit ayaw mo kasi masasaktan ka.

ewan ko ba. sa tuwing nakikita ko siya masaya ko talaga. sa tuwing lumalapit siya sa akin parang bumabaliktad ang takbo ng buhay ko. sa tuwng hinahawakan niya ko lalo akong nagkakagusto sa kanya.

kailangan habang maaga pa pigilan ko na ang sarili ko. habang kontrolado ko pa ang nararamdaman ko dapat aksyunan ko na to. ayokong masaktan ng dahil din sa katangahan ko. ayokong umiyak sa taong hindi naman nagsabing iyakan ko siya. ayokong masira nanaman ang buhay ko dahil lang sa pagmamahal ko sa isang taong tulad niya.

kaya nga hangga't maaga...iiwasan ko na...pero kaya ko kaya?

sana...sa Martes...pagkakita ko sa kanya...natural na lang ang lahat.

at kung hindi man, sana....nawa....ibigay na lang siya sa akin ng Diyos.

kahit sandali lang..mga 1 year ok na....

:)

kaso imposible yun.

kasi gwapo siya, pangit ako.

haizt.

26 August 2010

paanomagingboyfriendsiyen


1. SUPER SWEET. Hindi super sweet si Yen. Kahit kailan di kami nagkaroon ng public display of affection. Sinasabihan naman niya ko ng "I love you" sa harap ng mga kaibigan namin tsaka inaakbayan niya rin naman ako. Pero kahit minsan di ako umasa sa words niya...kasi mas ok siyang magpakita ng love kesa magsalita.

2. CUTE MAGSELOS. Sa lahat ng naging boyfriend ko siya na ang pinaka-cute magselos. Hindi siya mabilis magselos sa tao...kundi sa cartoon character. Para mas specific, yung main character ng Prince of Tennis pinagseselosan niya. Ang babaw. Hindi siya iimik pag tuwang tuwa ako sa character...tapos maya maya papatayin niya bigla ang TV tapos sasabihin, "Wala ka pa rin namang mapapala sa kanya kasi di mo siya nahahawakan...e ako eto katabi mo pa..."

3. EXCLUSIVELY MINE. Hindi rin naman siya mahilig mag-entertain ng iba lalo na pag kasama ako. Masungit siyang lalaki. Pero hindi siya exclusively mine. Yun nga yung naging main issue e. Kasi kung ganun edi sana kami pa.

4. MAKIKITEXT PA SA IBA. Oo gawain niya to. It's what we call "effort". Kahit na walang kwenta ang text ko sa kanya tulad ng, "Good morning" sasagutin niya talaga ako ng "Good morning, I love you" gamit ang kinuha niyang cell phone ng kapatid niya. Minsan nga nag away pa sila dahil last extra load na lang pala ang ginamit niya.

5. RESPECTS ME. Hindi naman siya mahigpit tsaka di nga siya seloso sa tao kaya ok lang sa kanya kahit inuuna ko friends. Nagtatanong siya at nakikinig sa mga opinyon at desisyon ko pero di niya ko kinokontra at dinidiktahan. Hindi niya rin ako binabastos.

6. HINDI MASYADONG MA-PRIDE. Laging siya ang nagso-sorry. Ma-pride ako e.

7. FULL OF SURPRISES. Hindi ako binigyan ng matinong bulaklak nun. Improvised na isang piraso pa. Hindi ako nasu-surprise sa mga ginagawa niya kasi nalalaman ko agad dahil sa kapatid niya na best friend ko. Katulad na lang nung picnic date namin under the tree...nagkunwari lang akong nasorpresa nun.

8. ADDICTED TO ME. Ayoko ng addicted saken kasi mahirap na. Pero pag magkasama kami lagi siyang nakatingin sakin tapos ayun expert yung magnakaw ng halik. Pero ok lang.

9. HONEST AND TRUSTWORTHY. Nag cheat siya saken pero inamin niya rin naman agad. Ang kasalanan niya lang naman di niya agad sinabing hindi na pala pwede. Pero yung ginawa niya bago nabunyag ang katotohanan alam ko yun. Ito gusto ko sa kanya e. Sinasabi niya. At kahit nasasaktan ako ok lang at least naging honest siya.

10. GENTLEMAN. Kalahating gentleman kalahating hindi. Gentleman talaga siya...sweet pa. Kaso pag umuulan lagi niyang tinitiklop ang payong at nakikipaghabulan sakin...at....kinikiss ako pag nahuli ko na siya. :)

11. CAN PROTECT ME. Wala naman akong naging kaaway kaya wala rin siya. Mababait kaming mga bata kaya malayo kami sa gulo. Pero sabi niya pag may nag-attempt na gaguhin ako mas gagaguhin niya.

12. WILL CRY TO ME. Nadevelop nga kami sa isa't isa nung naabutan ko siyang umiiyak sa tennis court at kinomfort ko siya. Iyakin siya. Pag may problema kaming dalawa umiiyak lagi yun.

13. LOVES ME THE WAY I AM. Tinanggap niya ang pagkatao ko. Tsaka kahit minsan di yun nagkwento tungkol sa ex niya. Nagalit nga siya nung nabanggit ko yung ex niya at kinumpara ko sarili ko. Sabi niya iba ako dun. Sabi niya past na yung mga yun, di nag work dahil hindi yun ang hinahanap niya. Sa present niya daw nakita yung mga wala sa mga past niya. E kaso past niya na rin ako ngayon. Tsk.

05 August 2010

Ganyanan na ngayon aa.!

Birthday ko nga nung Tuesday. Masayang masaya talaga ako nung araw na yun. Pero medyo nakakalungkot lang kasi hindi man lang ako binati nung ILAN sa mga tinuturing at ipinagmamalaki kong 'kaibigan'. haizt. Buti pa yung iba kahit plastic lang naalala ako. Kakalungkot. Pero masaya pa rin ako kasi maraming bumati sakin...puro unexpected na tao. Na-appreciate ko rin yung efforts nung iba kong friends na magload at itext at tawagan ako kahit iba ang network ko. Hay...astig. Walang dahilan para ikalugmok ko ang di pagbati sakin nung mga taong yun...bagkus, dapat ko pa itong ipagdiwang. Kasi dahil sa birthday ko, nalaman ko kung sino ang mga nakakaalala pa rin sakin at kayang magsayang ng effort nila para batiin ako.

Kaya...

  • Zafirah (ok lang sana kaso nakapag message ka sakin nung araw na yun...kaya walang dahilan para di mo ko batiin.haha.)
  • Cenaimy (ewan ko sayo.)
  • Utangera (ampness! nakakaalala ka lang pag mangungutang ka!)
  • Toxic (di ko naman talaga siya ine-expect kaya medyo ok lang sakin)
  • 'agent espie' (di ko naman talaga siya ine-expect kaya medyo ok lang sakin)
...ok lang...ganyanan na ngayon e!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


*bitter ba? wala lang...nakakatampo lang. Kasi sila yung ine-expect ko talaga. Haizt. Pero ok na. Ok na talaga. Ok na.