De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

02 March 2010

paano ka sasama e ni di ka nga niyayaya?

Hay nako..medyo badtrip ako kanina nung pauwi na ko galing school. After kasi ng values namin, nagkumpulan sina Ate Shell, Romeo, Taray Queen pati si Betty Boobs. Edi umepal na lang din kami ni Nosebleed Ever kasi 'friends' nga e diba. Pinag-usapan lang yung rason kung bakit ayaw ng pumasok ni Taray Queen. Actually, nagkukunwari lang akong nakikinig para wala silang masabi..pero ang totoo hindi ko talaga naririnig ang main point o idea. Tapos naglabas ng hair clips si Taray Queen na kulay red, pink at white at pinamigay sa amin, tig-dalawang pairs...red and pink akin. Pero hindi ito ang ikukwento ko talaga.

Tapos nun, napag-usapan nila yung tungkol sa gala nila bukas. Ang alam ko, magpapagupit sila sabay-sabay. Tapos niyaya nila si Betty Boobs kasi daw matagal na daw hindi nasama sa mga galaan nila. Syempre tamang tango naman si Betty, sign na pumapayag siya. Nabadtrip lang ako nung tinanong ako ni Taray Queen kung sasama ba ako. Sabi ko hindi. And I mean it. Tapos sabi nila...bakit?? and whatsoever...pero di ko na-feel na sincere sila sa pagtatanong nila ng bakit. Wala akong sinagot.

Ang totoo, wala akong balak sumama ng malaman kong isasama nila si Betty. Una, hindi kami magkapalagayan ng loob. Pangalawa at higit sa lahat, silang 4 ang totoong magkakaibigan mula pa first sem..sabit lang ako at nahiwalay lang si Betty. So kung sasama ako, malamang mao-o.p lang ako. At ayoko ng ganun. Ayoko ng maulit pang muli ang sinapit ko nung first sem.

Well, hindi ko pinagsisisihan ang desisyon kong di sumama. Makakatipid ako tsaka makakapagpahinga. Isa pa, HINDI NAMAN AKO NIYAYAYA E TAPOS ANG ASSUMING KO NAMANG ISIPIN NA SASAMA AKO.

Tapos nung bumili ng puto si Ate Shell nung naglalakad na kami pauwi, tinanong uli ako ni Taray Queen. Sabi ko, hindi...for beautiful girls only. Isa pa yung dahilan. Kung sasama ako magmumukha lang akong katulong nung 4 kasi maaayos silang mga nilalang...ako..pangit. Tama na ang araw-araw na torture ng pagharap sa salamin..hangga't maaari at hangga't kaya ko iiwas ako sa mga bagay na ikasasama lang ng loob ko at magpapamukha lang sa akin na tao ako pero ang itsura ko hindi.

Ayun tapos nung asa jeep na ko malapit sa bahay, nagtext si Taray Queen, tinatanong ulit kung sure ba daw talaga akong di sasama. Sabi ko oo. Para daw kasi sa grupo namin yun, bonding moment. E parang nawalan na kasi ako ng gana kasi bago pa tong linggong to, nagpaplano na kaming maggala nga sama-sama...kaso parang nagdadalawang-isip pa nun si Tarray Queen at pagkatapos nun buong linggo na naming hindi pinag-usapan ang tungkol dun. Tapos ngayon parang ako pa lumalabas na tanga dahil di ko alam ang lakad bukas.

Hay nako..wala lang...wala naman akong anything na against sa kanila...nababadtrip lang talaga ako...at gusto ko lang ipagkalat dito...yun lang.


No comments: