De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

11 March 2010

he's getting on my nerves..!!!

Kanina sa jeep sa may Starmall sa Alabang...nasa may dulo ako sa entrance ng jeep nakasakay sa left side. Tapos may nanay na nasa harap ko...kaming 2 lang sa jeep. Maya-maya nagdatingan ang mga sasakay tapos may nagtanong na huklubang matanda kung Zapote daw ba yung jeep na yun. Sabi ko hindi ko alam. Aba sabi ba naman ng hinayupak.., "Sinakyan mo di mo alam??". Alam mo yun nagpanting tenga ko...e kanina wala ako sa sarili ko....kasi may iniisip ako..so na-badtrip ako bigla at nakalimutan kong matanda siya...sabi ko ng buong pagtataray "Ba't di mo alamin sa dispatcher...tsaka jan lang naman ako baba no ano bang pake ko sayo". Nakakainis. Alam kong mali ako sa pagkakataong yon..pero kasi nakakabwisit siya...nag comment pa...talagang na-HB ako kanina...gusto ko ngang lumipat ng jeep e pero naisip ko bat ako lilipat e matandang hukluban naman yun...tapos yun pala mauuna pa sakin bumaba yung bwisit na yun...akala ko naman diretsong Zapote...kung umasta kala mo di pwedeng sumakay ng papuntang Baclaran...tsaka antanga niya rin...may malaking signage don na Zapote/Baclaran. Gago siya. Sarap murahin e kaso naka-uniform ako kanina tsaka matanda siya...kainis.

No comments: