De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

05 February 2010

philophobia. . .

Isang taon, (nagbilang sa daliri...) at anim na buwan na rin mula ng mag-disintegrate (kahit panget basta magamit lang yung word) kami ni REJA. Matagal na kung tutuusin..pag may nagtatanong nga kung may special someone ako, proud akong sasagot na wala pero nahihiya akong sumagot sa follow-up question na bakit.Kasi hindi naman dahil walang nanliligaw saken ang dahilan...kundi dahil hanggang ngayon kinukulong ko pa rin ang sarili ko sa isang taong wala naman.

Kanina, nagkausap kami ni Ate Shell habang naglalakad palabas ng Festi. Pinuri ko siya dahil ang lakas niya..I mean, kakaiba siya dahil kahit na bago lang sila nag-break ng ex niya (one month na ata..) ok na siya..nasasaktan man siya at nag-emo..iniisip niya naman ang positive sides ng nangyari sa kanila. Sabi nga niya sa akin, "Ikaw, malay mo..pag-nainlove ka..." parang ganyan ang sinabi niya. Sa isip-isip ko.."Kung alam mo lang..isa ako sa mga taong emo-emohan kasi di matanggap ang pagkawala ni ex.."

May enemy ako (enemy = trustworthy friend) na nagtanong minsan sa akin kung kamusta na ang love life ko. Sabi ko hanggang ngayon hindi ko pa kayang makipagrelasyon sa kahit na kanino. Nag-attempt na rin naman ako..actually after nga ni REJA may naging boyfriend ako pero kasi, feeling ko tuwing nakikipag-MU ako sa iba, parang nagtataksil ako sa kanya..which is wrong ayon sa aking enemy. Hindi daw ako dapat ma-guilty dahil hindi ako ang nagtaksilkundi siya.

Si REJA, hindi ko siya malimutan. Nahihirapan talaga ako sa totoo lang. Ayoko siyang kalimutan. Hanggang ngayon kasi umaasa pa kong meron pa..kasi yun ang sabi niya...ang problema lang naman kasi hindi na pwede. Pero sabi niya sa akin pwede pa kung gugustuhin ko lang daw...ok lang sana..sa totoo lang ginawa ko na nung una..naging selfish na ko para sa aming dalawa...pero hindi ee...hindi kami o yung girl ang kawawa..kundi yung batang involve.

Sabi ng aking bsbf na si Irah, philophobic na daw ako..pero syempre di naman totoo yun...ginamit lang niya yun para exaggerated ang dating. Hinanap ko sa internet ang ibig sabihin nun, (pasensya na hindi ako matalino, hindi ko alam ang ibig sabihin nun) hmm..napag-alaman kong iyon pala ay fear of love or falling in love ...

(nagbabasang aminadong di niya alam: meron pala nun?
nagbabasang ayaw aminin sa sarili na hindi alam yun: sus yun lang di pa alam!
nagbabasang alam talaga: oo meron nun, congrats alam mo na...)

Hindi naman siya direktang ibig sabihin na takot kang ma-inlove sa opposite sex..kasi maraming sitwasyon ang philiphobia at applicable ito sa iba't ibang klase ng nilalang sa mundo. Isa pa, hindi talaga siya pwedeng iugnay sa akin dahil sa tingin ko hindi naman ako ganun kalala. Pero nakuha ko ang point ng mahal kong bsbf..sabi niya, natatakot akong magmahal ng iba dahil may pumipigil pa sa kin. Ako naman e, nagkakagusto pa naman sa iba, kaso pag kaharap ko na, tapos yung tipong kulang na lang talaga sagutin ko siya...nakakaramdam ako ng matinsing kaba at kung ano sa dibdib ko..para akong lalagnatin..nasusuka ko minsan tapos nanlalamig ang pawis ko. Then, I'll end up losing that guy.

But still, at the end of the day...I feel good pa rin kasi iniisip ko wala ng asungot...di ako nagkasala kay REJA ang whatsoever.

Pero naisip ko...isn't it unfair for me? Para kasing masyado akong nagdadamot sa sarili ko. You know what, I have done so many things para lang di ako malink kung kani-kanino. I don't accept friendship from anyone and I even lead myself to my worst appearance so that no one would like me,,,and I think it's effective..in some ways.

I'm not beautiful...and now, I made myself more ugly than ever! See how it affected me??

Emotions.Physical Attributes.My social life.

IT'S ALL RUINED!

No comments: