De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

28 February 2010

Hanap Tao.

Ayos talaga ang teknolohiya...partikular na ang internet. Sabi nga nila, "walang imposible sa internet".

Na-isip ko bigla kani-kanina lang na kunin ang class pictures ko at hagilapin sa Facebook ang mga natatanging tae a este tao sa mga litratong iyon. Masipag kong hinalughog ang Facebook para makita lang ang mga pagmumuka nila.

Marami akong nakita...may ilan din namang di ko na mahagilap pa...sa mga nakita ko...nahalata ko ang mga pagbabago...at...naramdaman kong...MATANDA NA NGA AKO.

Yung mga dati kong kaklase..ang gaganda at ang gugwapo na ngayon..malayong malayo na ang narating ng trasformation nila...hindi tulad ko. Talagang nag-improve sila..may ilan pa nga na di ko na makilala dahil nag-iba na talaga ang itsura. Grabe. Antagal ko na nga pala silang hindi nakikita.

May ilan naman sa litratong hawak ko (class picture) ang hindi ko na maalala pa ang apelyido...kaya di ko mahanap. Sayang naman. Grabe ang hina na talaga ng memory ko...kahit yung classmate ko nito lang 4th year high school di ko na maalala..e close pa naman kami nun..naku! Natsansingan na namin ang isa't isa....tapos siya pa nalimutan ko..

Yung iba hindi ko in-add kasi sabi ng isip ko, 'hindi pa ako handang magpatawad..' pero ang totoo 'natatakot akong harapin kayo kasi baka galit pa din pala tayo'.

Masaya ako sa aking mga nakita..hindi naman ako masyadong nakaramdam ng insecurity. Hmm..may nakita din akong mga nakaraang guro...schoolmates...lalo na yung mga batang paslit pa lang nung grumaduate ako ng elementary.,...naku mga dalaga't binata na ngayon at mas sosyal pa saken.

Syempre ang finale yung... (ano ba tamang term? ayokong sabihin na naging kami e nakakadiri...XD) ..ahh...yung profile ni frog...alam niyo na kung sino yung hinayupak na yun. Ampanget niya!!!!!!!!!!!!!!!!! NAKAKADIRI!!!!!!!!!!!!!!!! Nasusuka akong isipin na naging kami nun tapos...basta!!!!!!!!!!!!!!!kadiri talaga!!!!!!!!Anlaking mama na niya ngayon tapos antaba na niya...hahahaha!!!!!!!!!!!!!!

May nakita akong picture dun na kuha mula sa taas yung sa ulo....tapos may ka-kiss siyang girl (di ako affected sorry!)...naalala ko lang...nung naging kami...nagrerequest siya ng kiss,.hindi ako pumayag kasi hindi naman namin alam kung san namin gagawin...hahaha...wala lang..nakakatuwa lang na hindi kami nagkiss...kasi siya lang di ko nakiss.hahahaha!!!!

Hay...grabe..anlaki talaga ng nagagawa ng internet. Kinokonekta ka nito sa kahit na sino...kakilala o hindi, kaklase mo man nung grade 1 o kakakilala mo lang kanina sa daan...

May kanya-kanya na kaming mundo ngayon...ano na ba ang nagawa ko??? Ba't parang wala pang nangyayari sa buhay ko??wahahaha!!hay..

AMPANGET NIYA TALAGA. XD

No comments: