De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

31 January 2010

ehemm...

Antok na ko kaya babye na...tagal ko ng nagko-computer..baka di ko na to magamit bukas...hahahaha!!

Hirap ng walang pera.
May gusto kasi akong libro na di ko mabili..pag-iipunan ko na lang.

Naiyak ako sa jeep kanina sa di ko malamang dahilan.
Ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw nadedepress ako ng walang dahilan.

Di pa ako inaantok.
Pero kakasabi ko lang sa taas na inaantok na ko..ano ba talaga??

May kung anong di ko malaman akong nararamdaman sa puso ko.
Namimiss ko na kasi si...hmm..sana magka-chat uli kami..

Nakakamiss ang may lovelife.
Kasi naman namimiss ko ang nag-iisang gusto kong lovelife na wala na ngayon saken..

Nakakainis ang mga taong naging bahagi ng aking nakaraan.
Mga plastik kasi..pero at least ngayon na-sort out ko na sila..kung sino ang mapagkakatiwalaan at kung sino ang mga traydor...

Ang sarap mabuhay.
Kahit na unfair ang mundo.

Isang Makulay at Magandang Gabi sa Ating Lahat!

(ay, haha,, mornyt na pala!! GOOD MORNYT!)





30 January 2010

frustrated.

haizt!!!watta very bad feeling!!!!!!!

hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko...naiinis ako, nagagalit...ewan!!!

andami ko kasing nalaman ee..

1.) na-tag ako sa facebook sa isang walang kwentang litrato. kuha ito ng isang napakasamang bangungot sa buhay ko. syempre, nag-comment ang iba pang na-tag doon. nabasa ko ang komento ni bratinella, at tupang ina naman, sabi niya, alam na niya kung sino ang nagsabi ng stuff about kay matandang hukluban...!!!hai nako!! daming alam...!!

2.) sa Baguio nag-ft ang mga kambing. bwiset.

3.) basta badtrip tong araw na to!!!

26 January 2010

best ka jan patayin kita ee!!!!

hai nako!! nakakainis! kani-kanina lang..nagbukas ako ng fs..(nagbabakasakaling may nakakaalala pa sakin dun, sa kasamaang palad, wala..!!)

ayun, edi chorva chorva lang..tapos naisip kong buksan yung profile ng kapatid ni cookie monster. nakita ko dun yung mga pic niya at nakakatawa ang mga itsura niya lalo na nung grad niya nung 4th year. after nun binuksan ko na din yung profile ni cookie monster. hai nako, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, nabasa ko ang mga tupang inang comment sa kanya nung hinayupak na ewan ko kung sino ba yun..nakakapikon...ambisyosa..bwiset..hahaha..joke lang. grabe mag-react no..hindi, wala naman sakin yun..sus..wala naman akong pakialam kay cookie monster ee..ang ginawa ko lang naman e pinuno ko ng comment ko yung profile niya...hahaha...kainis kasi..hmp.

ayun lang,, shet, lalong sumakit ulo ko aa..tutulog na nga ko!hmp!

goodnight!!!!!!!!!!!!!!!

i'm sick..huhu.. :'(

hai nako..ang sakit pa din ng ulo ko..tapos ngayon nahawa pa pati likod ng leg ko tsaka mga braso..haizt...

ansama talaga ng pakiramdam ko...ewan ko ba..

pero infairness,, eto pa rin me..nag iinternet pa din!!

ayun o, wala akong magawa sa ngayon..iniintay ko lang matapos ang pagtatanim ko sa farmville..

ano ba yan..nadedepress nanaman ako..sa di malamang dahilan..aa..nadedepress ako kasi wala nanaman akong friends...siguro kailangan ko munang bumili ulit ng kaibigan.,..kaso pinag-iipunan ko pa yung pangarap kong kaibigan ee...apat sila..500 isa...hmp!kaya kong pag ipunan yun!hahahaha!!


24 January 2010

indecent proposal...

actually hindi ko talaga alam ibig sabihin nung title..naririnig ko lang yan sa mga bakla ee...wala lang....parang ang sarap lang i-title.

anyways...

nagkachat nanaman uli kami ni akii...hahaha...ayos sa code name aa..una muna si gerryl look alike..e tinatamad akong makipagchat sa kanya kaya di magana ang sagot ko..eto nga o..(pumunta sa facebook at tiningnan..)

ay, wala na pala..hahaha..

yun nga..

tapos si akii na..

ito naman ang napag-usapan namin..



akii : ehem musta na

lady kyu 9:44pm : ok naman

ikw msta naman??

akii 9:44pm : may bago ako

lady kyu 9:44pm : bagong??

emoticons??

hahaha..

akii : Uo

lady kyu 9:45pm : di nga??

akii : e2 (^^^)(^^^)

lady kyu : joke ko lang yon

akii : (^^^)(^^^)

yan oh

lady kyu : hindi naman bago yan e

ginwa mo na yan noon

akii : bkt

lady kyu : hahaha..

bagong ano nga??

akii : un nga

gusto gf

bago

lady kyu : ok

ok

ano??

akii : hahahha

wala na kayo nung gf mo??

akii : bagong gf gusto mo sabi ko para sakin

lady kyu : wait lang slow ako ee..

akii : ayaw mo ata e!!!! di pa ksi ligal

lady kyu : haha..

gusto mo ng bagong gf?

ano ba??

diba meron ka ngayon??

akii : uo

wala na nga kmi e!!!

lady kyu : aa..

akii : nahuli ni mader

lady kyu : kelan pa??

akii : kaw meron na ba

lady kyu : sino ikaw??
di ka pa pde??

hahahaha...

ako??

wala na...

hahaha...

akii : di

kaw meron ka ng bf

sabi ko\

lady kyu : wala nga

akii : ?

no time for lovelife

lady kyu : hindi naman sa ganun..

haha...

akii : studys ba muna

lady kyu : di legal yung sa gf mo??

hindi no...

akii : uo

nahuli siya ng mader nya

lady kyu : aa...

aa..

wawa aman..

kaw kasi e.

bad!

hahaha...

ganu kayo katagal??

akii : 3 months

hehehe

lady kyu : aa...

mahal mo ba??

akii : sayng nga e!!! gusto mo ikaw na lng hehehe

lady kyu : hahaha...

baliw ka nanaman!


+-+

after nyan bigla ba namang nag-sign out??!! bastos na bata...hahaha..hay nako...hindi ko naman sineseryoso yung sinabi niya..actually natatawa pa nga ako...hahaha,,baliw na bata..mga lalaki talaga oo!! buti na lang hindi ako yung tipong tulad ni Malno na desperada..hahaha..kung ganun ako malamang sa malamang nagfi-feeling ako ngayon dito..hahahaha!

pero salamat na rin sa time ni akii..may na-realize kasi ako...oo nga no..wala pa kong boyfriend. ilang weeks na lang..isang taon na kong single..and I love it!!haha!!

pero naisip ko rin..hindi ba parang tanga na ko?? kasi kaya single pa din ako kasi feeling kosi Yen pa rin..I mean..ewan ko. basta. pag may nakaka-M.U ako feeling ko nagtataksil ako sa kanya..pero last Friday nagka-usap na rin kami ng mas matino at nag-close na ang lahat..so..malaya na ko..

wala lang..siguro dapat na din akong mag-entertain ng bago.,..matagal na rin ee..tsaka bata pa ko para ikulong ang sarili ko sa isang tao..pero ewan ko..naiisip ko pa din siya e..but if ever meron..why not diba..basta ba mapera at maipagmamalaki...hahahaha!!

ayun o! baliw nanaman ako..pero salamat na rin kay akii..ngayon may bago nanaman akong topic sa prayer journal ko.. (sosyal! 150 pesos bili ko dun..yung commemorative collection..yung kay Cory Aquino...naks talaga!!hahahaha!!)

21 January 2010

stressed.

hay nako...grabe naman tong araw na to..ewan ko ba pero parang pagod na pagod ako...nagsanib-pwersa ata lahat ng pagod ko nitong linggong to ee..

nakakainis kasi matagal pa kong makakapag-rest..sa Sunday pa..sino ba kasing nagpauso ng pasok sa araw ng Sabado??!!badtrip a!

ayun o..sa totoo lang, napipikit pikit na ko dito sa antok..matutulog na nga ee..napapost lang saglit..na-miss ko ee..

hay, try ko ng maging active ulit...

sana mahaba tulog ko...kelan kaya ako makakatulog ng 24 hours straight tapos paggising ko di na ko pagod at antok??

ASA PA KO!!!

hahahaha!

ok lang..naisip ko rin na maganda ng gising kasi nakikita ko ang mga gusto at di ko gustong makita, nagagawa ko ang mga gusto at di ko gustong gawin, at higit sa lahat...WALA LANG..MASARAP LANG MABUHAY...!!

shet, malapit na Valentines..ANO NAMAN???!!

hahahaha!!


cge na gud nyt na,,...niaantok na talaga ko..sana magising ako tomorrow..kung hindi man.,...


I MAY REST IN PEACE!!

(tae kinilabutan ako dun a!!)

19 January 2010

si neneng.

..butil-butil ang pawis ni neneng habang papasok sa isang maliit kwarto. ang kwartong ito ay sapat na para sa 2 hanggang 3 tao kung nakatayo, 2 para sa nakabaluktot. kinakabahan siya habang unti unting natatanaw sa unti-unti rin niyang pagpinid ng pinto ang isang haring naghihintay sa kanyang pagdating. pagkakita pa lamang niya rito'y alam na niya ang kanyang gagawin. walang sali-salita, walang anumang utos na maririnig mula sa hari, hinubad niya ang kanyang salawal, at agad siyang pumwesto sa kanya, pwestong handang handa na para sa isang bakbakan. kinakabahan si neneng. ang malalamig na pawis ay marahang dumadaloy sa kanyang katawan. ang init ng katawan niya'y sabay ding umeeksena. nag-umpisa na ang palabas. sa reaksyon ng mukha ni neneng habang ginagawa ang kanyang tungkulin ay mababakas ang matinding kahirapan. napapakagat pa siya sa kanyang mga labi habang medyo napapapikit. nakagagawa na rin siya ng kakaibang tunog na di niya mapigil dahil sa di malamang nadarama mula sa loob. medyo napapaluha pa siya sa hirap. "kaunti na lang..malapit na.." sa isip niya. makaraan ang isang mabilisang aksyon, maya-maya lang ay inilabas na ang nagpapahirap sa kanya. sa wakas, biglang umaliwalas ang mukha ni neneng. ang mga pawis ay nananatili sa kanyang mukha, pagod man ang dalaga, maaaninag sa kanyang mukha ang labis na kaligayahan. nakaraos na rin siya. nadama niya ang labis na sarap matapos niyang sandaling matikman ang hirap at sakit ng pagtae. bukas muli siyang babalik sa kwartong maliit na kung tawagin ay banyo...kung saan siya hinihintay ng haring inidoro.


-wakas-

09 January 2010

kayo na bahalang mag-isip kung kaya ko bang gawin to o hindi..

My Christmas and New Year Experience

The hustle and bustle of the day can't stop me from shopping
At nighttime, the children's carols keep me remembering
Early in the morning I wake up wholeheartedly
Oh! Christmas is now coming!

The cold and sweet breeze of the yuletide season marks the start
Of the mountain of gifts and nourishments made
And the sparkling lights and the Christmas tree
With my whole family celebrating the savior's day

Then after His birth now follows an end
An adjournment welcomed in the happiest ways
Tables with round delectable foods
With no fireworks but with showering coins and ear-splitting music

The days of years have gone so fast
But I'll never forget how it made me this like
And now a new year comes
A new beginning, a new self, a new I



+++

Tula ito na ginawa ko kagabi sa jeep habang nakikipagkwentuhan kay Ate Shell sa may Alabang. Sinave ko lang yan sa drafts sa aking cell phone. Pagdating sa bahay, tinype ko ito at pinaprint naman sa school na para hindi malukot dahil sa haba ng aking biyahe.

Pagdating sa classroom, kaming mga pumasok sa klase ay binasa ito isa-isa sa harap. Proud na proud pa ko kasi nga di ako tumulad sa 'iba' na copy-paste lang ang mga tula.

Noong naglalakad pa kami mula sa computer shop na pinanggalingan namin, bali, apat kaming magkakasama nun..si Taray Queen, ako, si Cheater Tolerator pati si Ampon Pala, binati namin ang isa't isa dahil di nga kami nanduga. Tapos nung nakaupo na kami sa room, si Taray Queen binasa yung tula ko, for the 2nd time around once more, tinanong niya ako kung ako ang gumawa ng tula sa itaas (kung tanga ka basahin mo ulit...oi, di niya babasahin yan!di siya tanga!). Syempre sabi ko oo, e ako naman talaga e. Binasa ko din sabay isip kung ano bang problema sa ginawa kong tula.

Maya-maya, pinasa na namin tapos isa-isa ng pinagtatawag ng Prof. namin ang mga may-akda ng kani-kanilang mga tula. Naasar pa nga ako sa isa naming kaklase ee..si Upuan..pano, siya lang sa aming lahat ang gumawa ng 2 letcheng tula, e poocha ewan ko ba kung anong instruction ang napakinggan nun..sabi ba naman niya, ang pinapagawa daw kasi sa amin, 1 tungkol sa ginawa noong Christmas at New Year at isa namang na-experience...e anak ng supot, isang tula pa nga lang hirap na hirap ka ng gawin 30 minutes bago dumating yung prof. 2 pa kaya?? Tsaka halos pareho lang naman ang masasabi mo sa dalawa...e yun nga, kaming lahat na natira bukod sa nag-iisang tanga, ang pagkakaintindi at pagkakarinig sa instruction, sa IISANG tula, nakalagay ang ginawa at experiences noong Christmas at New Year. Aba, ito hindi ka pa maniniwala, ang prof ko na graduate sa Pamantasan ng California, at ngayo'y nagte-take ng kanyang Doctoral (tama ba Doctoral? naku sana di ito mabasa ng prof ko,..pagtatawanan ako nung baklang yun) ay pinanigan ang nag-iisang Upuan na yun kesa sa aming napakarami na pare-pareho ang gawa bukod sa kaming lahat ay nahahati sa dalawang kategorya (ang gumawa ng orihinal o copy-paste lang, tapos bilang sub-category, kung nagsasabi ng totoo o hindi. xD).

Hay, nako talaga....

Tapos ako na ang tinawag. Abot noo pa ang ngiti ko sa sobrang tuwa na babasahin ko na sa harap ng mga unggoy ang aking gawa, ang pinaghirapan at pinagpawisan pati pinagpuyatan ko noong gabing nagdaan. Tapos...biglang...naputol pa ang aking performance dahil kinailangang mauna muna ang hinayupak na si Bad Breath dahil kuno may sayaw pa siya and whatsoever. Ok lang.

Pagkatapos niya, oras na para ako'y magpakitang gilas. Totoo na ito, wala ng atrasan pa. Sa sobrang saya ko, nakalimutan ko pang banggitin ang title. Kaya kinailangan kong ipahiya ang sarili ko, pinutol ko bigla ang aking linya sabay sabi ng "joke!". Ayan, inulit ko, tapos sinabi ang title. Bago pala ako nag-umpisa, tinanong niya ako kung ako ang may gawa ng aking tula. Lahat kasi kami tinanong, sabi niya maging honest kami sa kanya. May ilang umamin, may ilang hindi. Wala akong pakialam sa kanila, ang mahalaga naging tapat ako at wala akong dapat ikahiya sa ginawa ko.

Ang aking tuwa ay unti unting napapalitan ng kalungkutan, pero hindi ko ito pinahalata bagamat ang aking ngiti ay inaamin kong nabawasan. Bakit? Dahil napapataas ang kanyang kilay sa ilang mga salitang binitawan ko, at sa bawat salitang ito, may kung anong gesture siya na nagpapahiwatig na ang aking ginawa ay sa tingin niya'y nagpapatunay na ang tula ay di akin. ito ang mga salitang kanyang napuna:

nourishments

adjournment

Ayan lang ang naaalala ko kasi hindi ko na siya nagagawa pang tingnan pagkatapos kong makita ang kanyang bawat reaksyon. Sayang, buong galing ko pa namang dineliver ang tula. Sa bawat pag-glance ko sa audience, shet, ibang iba dating. Kaso, mapait talaga ang kapalaran ng mga tulad kong di kagandahan. Ayun, di man lang ako pinanood ng maayos nung prof kong bakla. Daldal siya ng daldal kung kani-kanino habang nagpe-perform ako. Ganun ba ang isang professional??

Tapos yun, tanungan portion na..hindi ko na ita-type yung mga tinanong kasi nakakatamad...hay, kainis talaga.

Tapos, there is this girl na maganda lang naman dahil maputi siya..and she's none other than...Ms. Betty Boobs. Naiinis ako sa kanya since first sem with no particular reason. I just don't feel her. There's something about her that makes me feel annoyed. (ayan napapa-english na ko asar talaga!) Ayun nga, alam mo yun, ginaya niya ang pagdedeliver ko ng tula, yung gestures ko, everything! And you know what, titig na titig sa kanya ang bakla, and he-she praised her as if she's the best in all the world. Kaasar talaga as in. And when he-she asked her if it's an original composition of hers, aba, nagpacute pa nung sinabing oo. E nakita ko yun sa computer shop nung nagpa-print kami ee, ngarag na ngarag..di malaman kung ano bang gagawin para i-revise ang nakitang tula sa Internet. Kainis.

Well, ayun, napaluha lang naman ako the moment my butt touched the chair. Naiinis kasi ako. Sabi kasi ni Ding, nahahalata niya daw sa words na ginamit kung orig o hindi. Yes he's right..but also wrong. Hello, siya lang ba ang pwedeng gumamit ng ibang salita bukod sa mga usual na ginagamit? Sabi niya kasi yung mga words daw na ginamit ko hindi daw ginagamit at maiisip ng isang estudyante. Ha????????????? Gago ba siya????!!!! E hindi naman malalim yung mga ginamit kong salita e..palibhasa kasi siya, masyadong bilib sa sarili, feeling niya siya na pinakamagaling sa mundo. KAASAR!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

hinding hindi ko malilimutan at palalampasin ang insidenteng ito. Sayang, hinahangaan ko pa naman siya,, tapos yun pala sa mga simpleng bagay hindi niya napapairal ang pagiging mautak at propesyunal niya. Ha! Sabihin na niyang marami na siyang maipagmamalaki at ako wala pa...so what? May utak nga siya wala namang nagmamahal sa kanya..!!