De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

21 December 2006

December 21, 2006

Nakakaasar ang araw ko i mean ang linggo ko or i mean ang Christmas vacation ko. Pano, nung mga unang araw, maayos pa, desidido akong kumpletuhin ang simbang gabi at isa pa, inspired akong magsimba dahil andun ang dalawa kong maimpluwensyang mga crush na sina “Michael” at “Jm”. So, syempre di ako inaantok basta ganado ako. Keya lang, simula ng dumating ang pinaka asar na araw ko which is December 20, wala, wala na... ito sana ang araw na pupunta at mag-oovernight ang classmate ko sa bahay. Kaya lang, di siya tumupad sa usapan. At kinagabihan, di ako nakapagsimba dahil may kasamang malanding kabarkada ang pinsan ko at isa pa, di niya ako binalikan. Nagsimba ako kaninang umaga. Oks naman. At nitong gabi as in kanina, dumating ang pinsan ko para sunduin ako at magsimba pero pinaalis na siya ni Papa ng malaman kong pumunta siya kaya ngayon, di ulit ako nakapagsimba. Ok lang sana bukas, kumpleto ko pa pero ayoko namang magmukhang tanga at nag-iisang magsimba bukas. Kaya ngayon, wala, wala na talaga akong gana. Kahit may pagkakataon pa. tanggap ko nang malas ang Christmas ko this year. Hay...kakalungkot naman. Ito na yata ang unang beses na di ko makukumpleto ang simbang gabi simula ng magsimula kong kumpletuhin ito. Sayang din ang mga gabing di ko nakikita “sila”. Hehe... well, better luck next time! Simbang gabi ko na nga lang makikita yung dalawang cute na yun, naudlot pa...

`` 23031404