De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

29 May 2015

Ang puso ko. bow.

Hindi natin ma-define ang salitang "masaya", kasi hindi natin alam ang sukat ng masayang masaya sa masaya lang. Ako, para sakin ang depinisyon ko ng masaya eh kapag payapa ang kalooban ko. Katulad ngayon. Hindi ko masasabing hindi ako nalulungkot, pero payapa ngayon ang dibdib ko. Walang nagpapabigat dito, at pakiramdam ko kuntento ako sa kung anong meron ako. Pero minsan hindi sapat na masaya ka lang. Mas maganda sana kung masayang masayang masaya....kaya tara lovelife. Joke!

Wala akong lovelife ngayon, at ok naman ako. Hindi naman ako naghahangad ngayon na magkaroon, kuntento na muna ako maging single. Sa iba kong kakilala hindi ako maintindihan, hindi nila ma-gets pag sinasabi kong "tulog ang puso ko ngayon". Eh sa tulog naman talaga e. Pwede pa nga patay eh hahaha! Alam mo yung wala kang crush man lang, at nararamdaman mong wala ka ring iniirog. Minsan nga binubulungan ko ang sarili ko na, "ui, magka-crush ka man lang.." tapos kikiligin ako saglit tapos tapos na. Alam mo yun? Pag humimbing ang aking puso tuloy-tuloy. Nalimot na kasi niya ang sakit na dulot ng huling taong minahal ko, kaya eto nagbabakasyon siya, nagrerelax, nagpapahinga, at siguro hinahanda niya ang sarili niya para sa susunod nanamang pakikibaka sa pag-ibig.

Hindi ako takot na muling umibig at masaktan, pero sadyang hindi ko naman pwedeng pilitin ang puso ko diba. Kung ayaw niya wag niya. Masaya naman ako kahit hindi muna siya tumibok para sa iba, para sa akin na lang muna. hahaha!

Tuwang tuwa ako sa puso ko, feeling ko nga best friend ko siya eh LOL! Kasi alam niya kung kailan siya dapat magpahinga, at alam niya rin kung kailan siya dapat umariba. At pakiramdam ko may relationship ang puso ko kay Lord. Sabi ko kasi noon kay Lord, kung alam Niyang hindi pa handa ang puso kong masaktan ulit, wag Niya muna ako bigyan ng panibagong mamahalin. Aba eh, mukhang regular na nagre-report ang puso ko kay Lord, kaya eto stable pa rin siya, no worries pa rin. Alam ko naman na hindi pa siya totally healed, na may ilang parte pa rin niya ang naghihingalo. Kaya nga di ko siya pinipilit kung ayaw pa niya. Kaso naman kasi, pag gusto na niya kakaiba rin eh. Talagang wagas siya umibig. Talagang all out. Kahit na mag-over heat na siya ok lang, patuloy pa rin siyang titibok para sa iniibig ko. Kaya tuloy ayun, pag nasaktan grabe din. Pag nasugatan malalim. At pag namahinga walang wala na rin.

Astig tong puso ko. Kaya nga sana, kung kaya ko lang talaga, gusto ko siyang alagaan. Kasi dinesign siya perfectly ni Lord para sa akin. Biruin mo, ibinigay sa akin ang puso na makakavibes ko. Puso na hindi mabilis ma-develop, yung alam ang lugar niya sa isang tao. Pusong alam kung para kanino lang siya dapat tumibok, yung lugi man siya sa huli pero at least bawing bawi din naman sa mga nakuha niyang pag-ibig. Yung pusong matiisin pero hindi non-sense na pagtitiis, pusong mapagbigay pero alam ang limit ng dapat ibigay. Pusong hindi madaling masaktan unless sinadya na. Pusong kayang pagdaanan ang lahat mapasaya lang ako. Sana lang wag siyang magbago. Natatakot nga ako na baka isang araw, hindi na siya mag-function ng matino. Baka isang araw bigla siyang umibig sa lalaking hindi naman ako kayang ibigin, aba na-friendzoned pa ko, ayoko ng ganun. Ayoko ng unrequited love. hahaha! Kaya sa pagpapahinga niya, matagal man, pinagbibigyan ko na. Mas ok ng magpagaling na lang muna siya, kesa pilitin ko at maging cause pa ng pagkasira ng isip ko hahaha!



Mensahe ko para sa puso ko?

----puso, hindi ako nagmamadali. kung hindi mo pa siya makalimutan, ok lang. kung nais mo pang humimbing muna at lasapin ang kamanhiran, sige lang. maghihintay ako sa tamang panahon ng muli mong pagbangon. tiwala ako sayo, na sa susunod na titibok ka para sa akin at para sa iba, alam kong ang mapipili mo ay worth it para ipaglaban nating dalawa. hayaan mo, kikilatisin ko din naman para hindi ka na mahirapan pa. at kasama natin si God, Siya ang magbibigay sa atin ng tamang tao para ibigin. saktan ka man niya, siya rin naman uli ang gagamot ng iyong mga sugat. lalaking hindi ka na iiwan matapos kang losyangin at pahirapan. lalaking hindi na mang-iiwan sa ere, kundi sasamahan ka hanggang sa huli mong pagtibok para sa aming dalawa. ♥


`nagmamahal, 
ako lang.





My motto. chos!


26 May 2015

Ang moments, nasa litrato na lang.....

Sa Facebook sana ako magpopost, kaso naisip ko dito na lang. Kailangan wag ko ng ugaliing mag post sa FB dahil sabi nga, 90% ng nakakabasa walang pakialam. Anyway, dahil ayoko pang matulog, napagdiskitahan ko ang iba't ibang account ng mga "friends" ko sa FB. Tiningnan ko ang mga photos nila at natuwa ako kasi karamihan talagang may pinagbago sa itsura. :p Anyway, kalaunan sa mismong profile ko ako napadpad, at voila! Marami din akong nakita. Halos latest lang ang natingnan ko.. ayoko na tingnan pa yung iba kasi anong oras na rin. Anyway isang bagay lang ang naisip ko sa pagtingin ko sa mga larawang iyon... at yun ang title sa taas.

Nasa litrato na lang ang lahat. Hindi na maibabalik ninuman ang nakaraan, kaya ngayon ko lang na-appreciate ng sobra yung nakaimbento ng picture, ng camera. Ang galing no? Yung mga hindi mo na mababalikan pa, magagawa mong i-freeze para makita mo pa sa hinaharap. Nakaka-elibs isipin yun. Di ko ma-explain ng maayos pero astig talaga. Kasi wala na yung mga moments na yun eh, pero recorded pa. Lalo naman yung mga videos diba. Parang video lang ng Jamich, kahit patay na si Jam parang buhay na buhay pa dahil sa mga captured moments na yun. Mga panahong di mo na maibabalik pa pero pwede mo pa makita. Minsan nga naisip ko, sana lahat na lang ng bagay nakukuhaan ng camera. Lahat. Yung tipong may cctv ka for yourself. Para pag malungkot ka, pag may naaalala ko, or kung may nakalimutan ka man, pupunta ka lang sa sarili mong studio na ikaw lang ang pwedeng pumasok, tapos babalikan mo ang nakaraan na recorded na. Yung mga nakalipas na ngiti, luha, pag-ibig, away, pagkakasala... lahat makikita mo isa-isa. Kaso maganda na rin pala na walang ganun. Kasi kung meron man, matalino na masyado ang mga tao ngayon, kaya ng i-hack ang maraming bagay. Baka yung pinakatatago kong sikreto mabunyag. Hahahaha! Tapos kung meron mang ganun, wala ka ng kalayaan talaga, kasi matetempt kang tingnan yung "noon", tapos maaalala mo nanaman lahat ng sakit, lahat ng hinanakit na pinilit mo ng alisin sa sarili mo sa paglipas ng panahon. 

Ngayon, gustuhin ko mang i-discuss ang history ng camera, picture, at video para naman may maganda tayong background at maging kapakipakinabang man lang ang blog na ito kahit para sakin lang, eh wala na akong oras. Napakarami kong dapat gawin, na di ko magawa kasi wala na kong oras. Oras. Napakahalaga ng oras. At andami kong oras na nasasayang sa buhay ko. Oras, na hindi ko na maibabalik pa, na tanging litrato na lang ang magpapaalala na sa dami ng oras na sinasayang ko araw-araw, may iilang oras sa buhay ko na dapat kog ipagpasalamat dahil naganap. Ahhh yun pala ang purpose kung bakit iilang bahagi lang ng buhay natin ang kayang kuhanan ng litrato at video. Pero sana yung mas rare moments pa no. Kasi karamihan ng mas  magaganda at memorable na alaala ay hindi nakukuha ng camera. Katulad na lang sa Luneta noon October 2012, nung nag-ala Dawn Zulueta ako noon sa harap ni Rizal. Walang picture, walang video, pero isa sa mga best moments of my life. Hay.

Ngayon alam ko na kung bakit ang mga tao, kayang gumastos ng 16k pataas para lang sa isang gadget na may 13MP na camera. Kaya pala para sa ilan napakahalaga ng selfie, napakahalaga na bawat galaw ay nakukuhanan. Kasi lahat tayo may maliit na boses sa loob nating lahat na bumubulong, na sana kaya pa nating balikan ang nakaraan, lalo ang masasayang alaala. At tanging sa litrato na lang natin magagawa ito. 

Katulad nito, isang litrato mula sa nakaraan ko, na kung hindi nakunan noon, hindi ako maniniwala ngayon na hindi nga pala talaga panaginip ito noon......


25 May 2015

23 May 2015

Forever....more.

Sorry, hindi ko sinabi agad sayo....
Sorry, hindi ako naghintay...


Bakit nga ba hindi ko nasabi sa kanya?
Bakit nga ba hindi niya nagawang maghintay pa?

--------------------------
Imbis na natutulog na ko ngayon at nagpapahinga dahil puyat ako't pagod, heto't nanonood ako ng replay ng Forevermore. Hindi ko nasubaybayan ang palabas na ito, pero syempre sa ending di ako papahuli. At sabi nga nila, digital ang karma. Dahil hindi ko ito pinapanood lagi, ayun andaming hugot moments naman na nagpaiyak sakin sa ending LOL. Ang corny ko no? Palabas lang may pag-iyak pa ...kaya nga naiinis ako sa sarili ko eh. Anyway, this is not about the series, it's about me and my stupid heart.

Tama nga sila, na hindi pa rin ako nakaka get over. Kailan kaya yung araw na kaya ko ng ikwento sa lahat na nagdaan ka sa buhay ko? Tuwing may magtatanong kung sino ka, hindi ko kayang sagutin kahit na isang detalye tungkol sayo. Alam mo kung bakit? Kasi ayoko ng maalala ka pa. Napakahirap ng pinagdaanan ko bago ko natutunang kalimutan ang lahat, tapos sa isang tanong lang nila, sa isang pagkakataon lang na subukan kong alalahanin ka, babalik na ang lahat? Babalik ang masasakit na alaala? Babalik yung mga masasayang nakaraan na alam kong hanggang doon na lang? At higit sa lahat babalik yung sakit na pinilit kong kalimutan? Napakahirap, Ga. Nahihirapan ka din ba tulad ko? Sigurado hindi. Kasi ako lang naman yung baliw na baliw sayo. Ako lang naman yung tanga dito. 

Ga, bakit di ka naghintay? Bakit pinili mong iwanan ako ng di nalilinaw ang lahat? Bakit hindi mo nilinaw kung bat mo ko kailangang iwan? Alam kong wala ng sense na magtanong pa ng mga ganitong bagay, pero sana hindi mo sinabing mahal na mahal mo ako Ga bago mo napagpasyahang gawin ang alam mong "tama" para sating dalawa.

Bakit ba di ko agad nasabi sayo nung may pagkakataon pa na mahal pa rin kita? Bakit pinalagpas ko pa ang paulit ulit na pagkakataong sinubukan mong balikan ako na alam ko na ngayong hindi na muling mauulit pa? Bakit pinili kong maging manhid sa mga effort mo, dahil sa takot na masaktan lang uli ako? Bakit Ga? Bakit kailangan kong maramdaman to ngayon?

Ga, alam mo bang kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sayo? Maaaring naging manhid na ako sa sobrang sakit na naramdaman ko nung iwan mo ko, pero patuloy kitang minamahal hanggang ngayon. Nagdaan man ang ilang pagkakataon para masubukan kong magmahal ng iba, hindi pa rin nawala sa puso ko na ikaw ang gusto ko, wala ng iba. Sabi nga sa kanta, comparisons are easily done once you've had a taste of perfection. Perfect ka para sakin Ga. Hindi perfect as a human being, pero perfect in a sense na pakiramdam ko ikaw yung sinasabi ni Xander sa Forevermore na "forever". Perfect ka dahil wala na akong ibang ma-imagine na makakasama ko kundi ikaw Ga. At alam ko na ikaw lang ang nag iisang taong kayang tanggapin ako kung sino ako.

Ga, akala ko sayo ko makakanta ang "Forevermore". Kaso, mukhang kahit kailan hindi ko na maide-dedicate ang kantang yun.........


17 May 2015

I'm FREE. ;')

Itong araw na to ay isa sa mga mahahalagang araw sa buhay ko. Wala namang big deal na nangyari, wala naman akong kakaibang ginawa masyado, maliban sa isang bagay. May isang tao akong nai-block 2 years ako sa Facebook. Eh kanina naisipan kong galawin ulit ang settings, at yun nakita ko nanaman ang pangalan niya. I-unblock ko sana, para matingnan lang ang profile niya saglit. Kaso sabi ni Facebook, 48 hours pa hihintayin ko bago ko ulit ma-block ang profile niya. So naisip ko na lang gamitin ang account ni Sam. Na-access ko na syempre. Nakita ko ang mga larawan nila ng ex ko. Noon hindi ko kayang makita ang mukha ng lalaking yun, naiinis ako sobra. Wala akong pakialam sa girl, sa lalaki lang NOON. Alam mo yung masayang part? Yung kaya ko ng makita na masaya siya, kaya ko ng makita na buhay siya, yung kaya ko ng makita na magkasama sila. Wala na yung sakit. Wala na yung feeling na kailangan kong pilitin ang sarilli ko na maging ok habang nakikita siya. Wala na yung galit. Wala na yung feeling na sana kami na lang ulit. Bumalik na ulit yung pakiramdam katulad noong di ko pa siya gaanong kilala. Strangers again ika nga. Ang galing. Hindi ko akalain na darating din ang araw na to. Sa sobrang sakit ng nadama ko noon, akala ko kamatayan na lang ang solusyon para mawala lahat ng nararamdaman ko. Sa sobrang sakit noon akala ko hindi ko na kayang magpatawad. Sa sobrang pagmamahal ko sa lalaking yun noon akala ko hindi ko na kayang hindi siya mahalin tulad noon. Ngayon masasabi ko, may katapusan nga talaga ang lahat ng bagay. Sana ok din silang dalawa. Sana masaya din sila. Kasi ako, ok na ok na ko ngayon. Ang galing ni Lord kasi talagang pinagaling Niya ang broken heart ko. Sa tingin ko tapos na talaga ang kabanata niya officially sa buhay ko. As in ngayon lang no hahaha. Kasi nabura ko na yung email account, naitapon ko na yung memorabilia, nakayanan ko ng tingnan ang profile nila..... ay di pa pala. Di pa kami naghaharap ulit. Pero hindi na siguro kailangan nun, ang mahalaga ngayon ok na ko. Ok na ok na ko. :))))

Figure Robics :))

Grabe, ngayon na lang ulit ako nakapag exercise LOL. Wala kasi akong magawa, so minabuti ko na lamang mag exercise kesa kung ano-ano pang gawin kong di kaaya-aya ;) Dahil naisipan ko na rin lang mag exercise, binalikan ko yung favorite kong Figure Robics ng isang Korean mom. Infairness masakit sa muscle ah hahaha! Pero ang pinaka masaya sa lahat, yung pinagpawisan ako ng bongga, as in full body. Pawis na di dulot ng matinding sikat ng araw, kundi ng aking pagsusumikap na mag ehersisyo. Hindi ako nagpapapayat, though kung ang magiging outcome nito ay pumayat ako edi maganda. Haha. Ang purpose ko, more on maigalaw man lang ang mga natutulog kong muscles sa katawan. Last time kasi napatambay ako sa isang park sa Makati bago mag duty na nadiskubre ko lang sa paglalakad-lakad nung mali ang nasakyan kong van. Ayun nainggit ako sa mga nagmo-morning exercise. Ang sarap sa feeling ng ganun e, tapos nasa park ka pa. Unfortunately walang park sa Las Pinas. huhu. Pero at least sa bahay nagawa kong magpapawis. Sana makayanan kong ituloy-tuloy na ito (ito nanaman ako) hahaha! Kung didisiplinahin ko ang sarili ko I know I can!yihhhheeeeeee!!!! Til now pawisan pa rin ako, at super sarap talaga sa feeling.... pakiramdam ko nabawasan ako ng isang kilong fats :)))