Sa Facebook sana ako magpopost, kaso naisip ko dito na lang. Kailangan wag ko ng ugaliing mag post sa FB dahil sabi nga, 90% ng nakakabasa walang pakialam. Anyway, dahil ayoko pang matulog, napagdiskitahan ko ang iba't ibang account ng mga "friends" ko sa FB. Tiningnan ko ang mga photos nila at natuwa ako kasi karamihan talagang may pinagbago sa itsura. :p Anyway, kalaunan sa mismong profile ko ako napadpad, at voila! Marami din akong nakita. Halos latest lang ang natingnan ko.. ayoko na tingnan pa yung iba kasi anong oras na rin. Anyway isang bagay lang ang naisip ko sa pagtingin ko sa mga larawang iyon... at yun ang title sa taas.
Nasa litrato na lang ang lahat. Hindi na maibabalik ninuman ang nakaraan, kaya ngayon ko lang na-appreciate ng sobra yung nakaimbento ng picture, ng camera. Ang galing no? Yung mga hindi mo na mababalikan pa, magagawa mong i-freeze para makita mo pa sa hinaharap. Nakaka-elibs isipin yun. Di ko ma-explain ng maayos pero astig talaga. Kasi wala na yung mga moments na yun eh, pero recorded pa. Lalo naman yung mga videos diba. Parang video lang ng Jamich, kahit patay na si Jam parang buhay na buhay pa dahil sa mga captured moments na yun. Mga panahong di mo na maibabalik pa pero pwede mo pa makita. Minsan nga naisip ko, sana lahat na lang ng bagay nakukuhaan ng camera. Lahat. Yung tipong may cctv ka for yourself. Para pag malungkot ka, pag may naaalala ko, or kung may nakalimutan ka man, pupunta ka lang sa sarili mong studio na ikaw lang ang pwedeng pumasok, tapos babalikan mo ang nakaraan na recorded na. Yung mga nakalipas na ngiti, luha, pag-ibig, away, pagkakasala... lahat makikita mo isa-isa. Kaso maganda na rin pala na walang ganun. Kasi kung meron man, matalino na masyado ang mga tao ngayon, kaya ng i-hack ang maraming bagay. Baka yung pinakatatago kong sikreto mabunyag. Hahahaha! Tapos kung meron mang ganun, wala ka ng kalayaan talaga, kasi matetempt kang tingnan yung "noon", tapos maaalala mo nanaman lahat ng sakit, lahat ng hinanakit na pinilit mo ng alisin sa sarili mo sa paglipas ng panahon.
Ngayon, gustuhin ko mang i-discuss ang history ng camera, picture, at video para naman may maganda tayong background at maging kapakipakinabang man lang ang blog na ito kahit para sakin lang, eh wala na akong oras. Napakarami kong dapat gawin, na di ko magawa kasi wala na kong oras. Oras. Napakahalaga ng oras. At andami kong oras na nasasayang sa buhay ko. Oras, na hindi ko na maibabalik pa, na tanging litrato na lang ang magpapaalala na sa dami ng oras na sinasayang ko araw-araw, may iilang oras sa buhay ko na dapat kog ipagpasalamat dahil naganap. Ahhh yun pala ang purpose kung bakit iilang bahagi lang ng buhay natin ang kayang kuhanan ng litrato at video. Pero sana yung mas rare moments pa no. Kasi karamihan ng mas magaganda at memorable na alaala ay hindi nakukuha ng camera. Katulad na lang sa Luneta noon October 2012, nung nag-ala Dawn Zulueta ako noon sa harap ni Rizal. Walang picture, walang video, pero isa sa mga best moments of my life. Hay.
Ngayon alam ko na kung bakit ang mga tao, kayang gumastos ng 16k pataas para lang sa isang gadget na may 13MP na camera. Kaya pala para sa ilan napakahalaga ng selfie, napakahalaga na bawat galaw ay nakukuhanan. Kasi lahat tayo may maliit na boses sa loob nating lahat na bumubulong, na sana kaya pa nating balikan ang nakaraan, lalo ang masasayang alaala. At tanging sa litrato na lang natin magagawa ito.
Katulad nito, isang litrato mula sa nakaraan ko, na kung hindi nakunan noon, hindi ako maniniwala ngayon na hindi nga pala talaga panaginip ito noon......
No comments:
Post a Comment