De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

09 March 2010

Panginoon.

Dear God,

Maraming salamat po sa araw at buhay na ito na ipinahiram Niyo sa akin. Maraming salamat po sa mga biyayang aking natatanggap sa araw-araw. God, salamat po sa pagkakataong makasama ang aking mga kaibigan sa paaralan at maging masaya sa piling nila sa kabila ng isa-isa at unti unting pagkawala ng mga natatanging tao sa aking buhay. Alam ko pong may dahilan ang mga bagay na ito...pero umaasa po ako na loloobin NIyong maibalik ang mga nasira kong relasyon sa mga mahal kong kaibigan at pamliya. God, salamat po sa nakakapagod na araw na ito.,..ang pagod na nararamdaman ko ngayon sa mga oras na ito ang nagpapatunay na ako ay buhay at mapalad ako dahil hindi nasayang ang aking araw - nagamit ko ito ng wasto. Patawarin Niyo po ako sa aking mga paulit ulit na pagkakasala. Hindi po ako nangangakong hindi na magkakasala muli dahil ako po ay likas na makasalanan...pero nagpapasalamat po ako dahil nandyan Kayo para ipaalala sa akin na makasalanan man ako, karapat dapat pa rin akong mahalin. God, marami pong salamat dahil tinulungan Niyo po akong magpatawad...kahit na medyo nasasaktan pa rin ako sa mga nangyayari sa akin, nagawa ko naman pong patawarin ang mga nakasakit sa akin. God, sa Biyernes ko po inaasahang malaman ang resulta ng exam sa College of Divine Wisdom. Nawa po ay tulungan Niyo akong makapasa...ah hindi...inaangkin ko na pong ako ay makakapasa at makakapag-aral doon sa susunod na pasukan. God, malaking bagay po sa akin ang makapasok sa paaralang iyon. Please God, loobin Niyo po na ako ay makapasa. God, aaminin ko po,,,natatakot po akong baka hindi ako pumasa. Pero Lord, naniniwala po ako ng walang imposible sa Inyo basta magtitiwala ako ng buong puso. Ang resulta ng exam na iyon ay iniaalay ko po sa inyo maging ang aking buong sarili. Kayo na po ang bahala sa akin...susunod na lng po ako sa kung ano ang plano Niyong mangyari sa akin. God, nawa po ay muli kong masilayan ang Inyong mga ngiti mamayang umaga. I-bless Niyo po ang aming pamilya maging ang iba pang mga pamilya. Ingatan Niyo po kami mula sa mga tukso, sakit at kapahamakan. Patuloy Niyo po kaming pagpalain ng malakas na pangangatawan at karunungan na magagamit namin sa araw-araw. God, tulungan Niyo po akong tapusin ang mga proyektong meron kami sa school. Nawa po hindi mababa ang mga grado ko para makalipat na ako sa College of Divine Wisdom. Godm hipuin Niyo po ang mga puso ng mga taong may galit sa akin..at maging ang aking puso...upang hindi ito magsawang magpatawad. Lord, inaangkin ko na po...makakapag-aral ako sa College of Divine Wisdom sa darating na pasukan.

LORD I OFFER MY LIFE TO YOU!!!!! I LOVE YOU GOD!!!!!!!!!!!GOOD NIGHT!!!!!!!!!!!!!!!


I ask all of this in Jesus' name...Amen.!

<3Love,
♥Lady Kyu♥

di mapakali.

Ano ba yan..hindi ko alam kung ano bang gusto kong gawin...parang tanga lang ako...haizt!!!!!!!!!!!!

Hindi ako mapakali. Gusto kong gawin yung powerpoint ko kaso kumplikado pala yung naisip kong topic...yung about sa Phobias.

Super interesting ang topic na iyon sa akin...kaya naman nanlulumo akong isipin na hindi talaga reliable source ang internet...hindi ko malaman kung ano ba ang totoo at hindi. Isa pa, napakaraming mga phobias...as in! Hindi ko alam kung totoo sila lahat!

Sa totoo lang hindi naman talaga ako nag-aalala nung una..kaso nung biglang sumulpot ang totoong kulay ng 'fear of long words'...shet! Nagulo ang isip ko! Tapos sabay nakabasa pa ako ng iba't ibang haka-haka tungkol dito. Tapos idagdag mo pa ang samo't saring mga 'alternatives' o mas ok kung 'right terms' ng fears of long words.

Kaya ngayon parang gusto kong maghanap ng reliable source...ano pa nga ba kundi libro. Kaso, para naman akong tanga nun...masyado kong sineryoso ang phobias...e yung mga kaklase ko nga ni hindi nag-e-effort na gawin ang project na yun e..tapos ako magpapakabuang dito. Pero kasi para na rin ito sa ikabubuti at ikapapanatag ng kalooban ko..hindi kasi ako mapalakali pag naiisip kong may mali o may kulang sa mga gusto kong malaman. Kaya nga ito...hindi ko alam ang gagawin ko...nababaliw na ko dito kakaisip sa letcheng phobias na yan.

Wala namang problema sakin ang pagbabasa ng libro...kaso, san ako kukuha ng librong sumesentro sa phobias?? At isa pa, mas maganda kung ang source e yung lumang libro at latest na libro...para talagang astig ang datingan diba.

Tapos pagkatapos ko daw mag-effort mababa pa rin grade ko no...kasi di nagustuhan ni sir..hahaha!!!

Sakin, ok lang yun...(hindi ok pag mababa grade ko pero ok na rin kasi..)aa..gusto ko talagang alamin ang bagay na ito..ang kagustuhan kong ito ay labas na sa paghahangad kong mapaganda ang aking powerpoint presentation. Iba kasi tong nararamdaman ko e...at sa totoo lang ayokong pinalalampas ang ganitong mga pakiramdam kasi minsan lang sa tanang buhay ko ito mangyari,..as in,...at feel na feel kong henyo ako pag ganito.

Ayoko kasi ng nasasayang ang kakarangkot na oportunidad meron ang utak ko...minsan lang itong mag-isip ng mga kumplikadong bagay. Isa pa, kakaibang kaligayahan ang aking nadarama sa tuwing ako ay nakagagawa o nakakatapos ng isa ng research paper at nasagot nito ng kahit papaano ang aking mga katanungan..yun bang sapat na para itigil ko na ang pag-iisip at walang humpay na pagtatanong...

Pero sa huli, alam ko at nararamdaman kong hindi ako magtatagumpay sa bagay na ito. Gustuhin ko man, wala na akong sapat na oras at lalong wala akong sapat n a mapagkukunan ng impormasyon lalo pa ngayon at mahirap umasa sa utak ng internet. Gayunpaman, hindi ako titigil sa pangangarap na balang araw, tulad ng pagmimithi kong gawin ang natabunang thesis namin nina Pamelanie Leyco tungkol sa mga 'emo', ang bagay na ito ay akin ding malulutas ng mag-isa. At balang araw, maipamumukha ko sa aking sarili na kaya kong pag-aralan ang mga bagay-bagay ng hindi umaasa sa paaralan. Basta hindi lang ako tamarin.

Sana.

Adios!