De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

22 April 2011


dati ito ang greatest fear ko. yung mag-isa. ayokong ayoko nun na maglakad mag isa .. maiwan sa bahay mag isa .. lumabas lang kahit sa gate mag isa .. mag bike mag isa .. basta ayoko mag isa ... natatakot talaga ako. feeling ko lahat ng tao nakatingin sa akin. feeling ko lahat sila may comment sa itsura ko .. sa kilos ko .. sa lahat sa akin. feeling ko pinag uusapan ako at puro negatibo ang sinasabi.

pero ngayon ..

ito naman ang ayaw ko. yung may mga kaibigan at kasama nga ako pero ..FAKE naman.


>>noong nag-aral ako sa PLMun, dun ako sinanay ni Lord para i-overcome ang fear na maging mag-isa. tapos, na-enhance pa yun lalo ... parang nag-masteral ako nung napunta ako sa CDW ... mga first 2 terms ng first sem yun. grabe. sobrang hell. ang hirap maging mag-isa. katakot-takot na depression ang inabot ko to the point na parang gusto ko ng mamatay. pero awa ng Diyos .. eventually minahal ko na rin ang maging mag-isa.

>>eto naman ang problema ngayon. sa dahil sobra ko ng na-enjoy ang pag-iisa .. ayan .. minahal ko na siya ng sobra na dumating na din sa puntong ayoko na ng kasama. totoo yan.

>>last time, nitong kelan lang .. naisipang bumisita ni Antonette sa bahay. tamang tama naman kasi ako lang mag-isa .. yun yung kasagsagan ng depression days ko e (dahil sa.... ah wag na.) tapos ilang araw ako na mag-isa lang nun sa bahay .,. as in walang labas-labas .. wala man lang akong nakikitang tao. so ayun .. bumisita nga siya .. at pasensya na talaga .. hindi ko ito sinabi sa kanya pero ... parang iritable ako nung time na yun .. nung asa bahay siya. parang gusto ko na siyang itaboy (hahaha! ang sama ko talaga!). di na talaga ako at ease. as in ayoko na andito siya sa bahay. ayun.

>>pero di lang yan ang naging epekto sakin ng pagmamahal ko sa katahimikan at pag-iisa. ngayon, parang ayoko na .. di naman sa ayoko ng makipagkaibigan pero .. parang ganun na nga. feeling ko kasi ... fake lahat ng tao na nakapaligid sakin. feeling ko .. yung mga kasama ko.. kausap ko ..pinaplastik lang ako .. feeling ko pag kaharap ko sila ok sila sakin pero pagtalikod ko lahat na pinagkakalat. alam mo yun? wala na kong pinagkakatiwalaan. kahit sino. kahit ang sarili ko. plastik na rin ako pati sa sarili ko.

>>ewan ko ba kung bakit ako dumating sa ganitong punto. hindi naman to dahil lang sa mag-isa ako lagi. kasi .. meron akong mapait na karanasan sa sa paaralang pinapasukan ko sa kasalukuyan. doon ko na-encounter ang mga taong kakaiba ,... hindi naman sa ngayon lang ako nakakita ng plastik .. pero ngayon lang ako nakakita ng mga sobra na talaga .. di lang basta plastik .. FAKE talaga! grabe.

>> kaso yung ganito kong mentalidad .. masama talaga ang naging epekto sakin. hindi ko na alam kung pano ko isosort out kung sino pa ang totoo sakin at hindi. kasi lahat talaga tingin ko hindi. yung nagsasabing totoo daw .. naku .. ayun .. di ko pinaniwalaan .. kaya eto ..iniwan na ko. haiz.


ano bang gagawin ko?? hai. ayoko na sana ng ganito ... ang hirap .. baka wala na kong matirang kaibigan nito. tsaka ang hirap kaya ng lagi mo na lang iniisip na plastik lahat sau .. ang hirap nung wala kang mapagkatiwalaan .. feeling mo laging nasa peligro buhay mo ...


Lord, tulungan mo naman ako o ..