De Moi

My photo
Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~

06 December 2011

There's always a little pain behind every ''it's okay'', love behind ''i hate you'' & I need you behind every ''leave me alone''.

Depression.

People who think depression is a choice: take a second to think. How would it feel to wake up and not have the emotional strength to face people…to think that time is just passing by with no real reason…to feel so alone, even when you are sitting in a room full of people…to have to put on a face and hide your feelings because no one would care anyway…to lose friends because you can’t find the strength to go out and you can’t physically be ‘happy’…to cry yourself to sleep, hoping you won’t wake up, then when you do, you are exhausted from the night before, and it all starts again. You try to hide your feelings hoping no one will notice, and if you slip up, all you get called is attention-seeking and ‘emo’. Now, tell me why someone would choose that? Depression is an illness, not a choice.

Yes, of course. I don't care about you, Bro. Ernie. Hate me? I don't care!

We're living in a world with full of hypocrites...live your life the way you want and be happy regardless of what other people might say...they wont be living your life,only you know what makes you happy..forget those judgmental people around you and be happy...we pass this way of life only once,so choose to be happy instead of living in darkness and regrets....

-----------------------------------------------


You think that you are in love with him because you miss him. But no, you’re just stuck in a state of mind where you are lonely and wanting to be with someone who appreciates you.
At nakakaloka lang naman ang iyak ng newborn baby sa kapitbahay namin. :/ bitter nanaman ako . tsk. sana lumaki na yung baby na yun. haizt!

Preach. Preacher. Preaching.

So eto .. katatapos ko lang i-print yung assignment ni Sam pati yung sakin .. tungkol sa Preaching. Tae .. wala rin yung mahabang tulog ko kanina .. eto puyat ako pati ang PC ko. Haizt! Tetris Battle pa kasi. Ainako.

Hmm .. napansin ko lang .. nung busy ako ... ayun nakalimutan ko problema ko, may mga natutunan pa ko. Ganun lang pala no? Hahaha! Bigla ko ngang na-realize na ayoko ng mamroblema .. kasi nahihirapan lang ako at the same time .. parang lalo ko lang pinu-push away ang mga tao. Sana hindi pa late and desisyon kong wag ng ma-depress ... hai. Si Bro hindi nagreply. Galit kaya yun? Wag naman sana. Hainako talaga.

Gusto ko ng matulog ... at eto matutulog na nga. Hindi dahil inaantok ako kundi dahil .. gusto kong harapin ang bukas ng masaya. Ayoko ng ma-badtrip. Bahala na yung mga tao kung ano tingin nila sakin. Hay.

Pero teka .. may naalala ako. May kwento nga pala ako. Kanina .. diba nga preaching ang assignment ko .. naalala ko nung high school ako .. ay, elementary muna ..syempre nagmula ako sa isang Catholic school na pinamumunuan ng mga madre. So, pini-persuade ako ng mga nuns dun na magmadre na rin .. which is, hindi ko naman ni-reject pero hindi ko rin naman masyadong kinonsider. Sa landi ko nung elementary, tingin mo ba maiisip ko pang mag-madre?! hahaha! 

Tapos nung high school ako .. bali . .. pagka-2nd year ko, naimpluwensyahan ako ng aking mahal na adviser. Nawili akong magbasa ng mga inspirational books lalo na yung tungkol kay Lord. At isa pa sa nahawa ako .. yung tipong pagpi-preach niya. Si Sir kasi noon, simpleng preacher e. Tawag nga namin sa kanya minsan, "pari" kasi mahilig siyang mag "homily" sa homeroom namin. Puro tungkol kay Lord at application sa buhay na mala-philisophy ang approach. So ayun nga, na-adapt ko yun. Pagka-3rd year ko, naging president ako ng klase .. at tuwing homeroom, dahil wala ang aming adviser (busy sa ibang section) .. ako ang nagsasalita sa gitna .. at nagpi-preach. Like, I'd pick a verse tapos ididiscuss sa class. Hilig kong magshare ng experiences and nababasa ko noon. Sabi nga nila, anak nga daw ako ni Sir kasi pareho kami. Nung naging student assistant ako, ginawa ko rin ito. :)) 

Fourth year, hindi na ako masyadong nagsasalita sa gitna .. pero nung nagkaroon ako ng pagkakataong magsalita ginawa ko naman. Pero mahilig naman akong magshare sa mga kaibigan ko .. kaya marami din akong naging kaibigan noon kasi kahit sino kinakausap ko .. may tumawag pa nga sakin na "guidance counselor" e. 

Nung nalipat ako sa Muntinlupa, ayun nga, nag-decline ang spiritual life ko. Pero pagka-2nd sem parang bumalik yung interest ko .. dahil sa mga kasama ko na member ng Youth for Christ at Singles for Christ. So ayun .... nag-pray ako for "spiritual restoration" ... at bilang tugon ni Lord, ako ay nailipat sa ... CDW. At eto ... sa kasalukuyan .. ako ay nagte-take ng AB EVANGELIZATION .. at pinag-aaralan ko ngayon ay tungkol sa preaching. Ako rin ay exposed ngayon sa mga preachers... at ako rin, bilang mag-aaral doon at bilang Katoliko ay ineexpect na mag-preach.

Nakakaloka lang isipin .. hindi ko akalain na dito ako babagsak. Parang pwede na ring sabihin na yung mga ginagawa ko noon. foreshadowing ng mangyayari ngayon. Kaya tuloy feeling ko, destined talaga akong maging preacher. I mean, not literally preacher (kasi panlalaki daw yun) .. pero kung may pagkakataon,gusto ko yun. Gusto kong patunayan na hindi lang panlalaki ang preaching. Well, sa totoo lang, di naman ako choosy sa course ko ngayon .. kuntento ako. Yun nga lang, feeling ko minsan di ako pwede sa course na to kasi ... masama ako. Well, preaching is for conversion nga e. Tsaka tingin ko talaga ito ang tugon ni Lord sa prayer ko noon... na prayer ko pa rin ngayon.

So .. do I deserve to be one? Hindi naman ba pangit? Hindi naman siguro. I do this for the glory of God. I do this as way of thanking Him for His goodness. :)))

Super blessed ako ngayong gabi. Naging masalimuot man ang buong araw ko .. at least, I'll end up and begin happy. :))) Thanks be to God! Good night people! :))))