Love is wanting to be near YOU, even though it’ll probably only make things hurt more. Love is feeling safest with YOU, even though YOU’d broken MY heart. Love is trusting YOU, even though YOU'd lied to ME a thousand times. Love is YOU, even though for YOU it’s not ME.~
De Moi
- LadY kYu
- Love usually ends in pain and hurt…but that doesn't mean that it’s not worth it.~~
12 February 2012
So far so good naman ang aking buhay. Isang buwan at kalahati na akong di nakakaranas ng matinding depresyon. Umiyak man ako nitong nakaraang mga araw pero hindi na lumagpas pa ng 2 araw. Hindi rin sumagi sa aking isip na maglaslas o ano pa man. Magaan ang aking pakiramdam, hindi tulad noon na parang araw araw akong may problema.
Siguro kasi ngayon natutunan kong mas i-appreciate ang mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko. At ang pinakamahalaga ko pang natutunan ngayon ay ang wag pansinin ang mga taong naninira at gumugulo (sa di magandang paraan) sa buhay ko. Alam mo yun. Ang sarap ng feeling na malaya ka sa galit at poot. Na paggising mo sa umaga, magdadasal ka hindi dahil sasabihin mo kay Lord na natatakot kang harapin ang panibagong araw ng buhay kundi dahil magpapasalamat ka sa bagong pagkakataon para lumigaya at sumamba sa kanya. Na papasok ako sa paaralan ng di kinakabahan at naiinis sa mga taong nakikita ko, bagkus, excited pa kong makipagkwentuhan sa kanila at nakangiti akong papasok sa aming classroom. Na sa loob ng room eh hindi ako nakakaranas ng matinding pagod at hindi yung para akong may sakit. Yung lalabas ako ng paaralan na masaya at may ngiti sa labi. Na uuwi akong hindi pagod. Na may pagkakataon pa akong makipag-usap sa pamilya ko. Na di ako nagmamadaling gawin ang mga bagay dahil alam kong may sapat akong oras para gawin ang lahat ng yun .. di ako pressured. Na matutulog ako sa gabi, magdadasal na hindi puro hinanakit at sama ng loob ang isi-share ko kay God kundi kung gaano ako ka-thankful dahil binless niya ako ng sobra. Na sa pagpikit ng mata ko, walang mabigat sa dibdib ko kaya diretso ang tulog ko.
Alam mo yun? Ang sarap ng pakiramdam na maging positibo sa buhay. Hindi ko naman sinasabing talagang laging positive ako. Sabi ko nga, ngayon ko pa lang ito natutunan at natututunan. May mga pagkakataon pa rin na nagiging nega ako, pero normal na bahagi naman yun ng buhay. Kasi kung overly positive naman hindi na rin maganda. Tsaka, hindi ko naman sinasabing wala na kong mga problema. May mga pagkakataon pa ring parang pagod na pagod na ko, na anlungkot ko, na ansama ng loob ko, na galit ako ... pero mas nami-minimize na yung mga ganung scenario ngayon. At kung magkaganun man, hindi na bayolente ang mga reaksyon ko.
HINDI NA GANITO NGAYON. :))))) |
Ito ang nagagawa siguro ng may inspirasyon (naks naman! ako na talaga) at may masayang pamilya. Epekto din ito ng di pagpansin sa mga bagay na hindi naman makakatulong sakin para mag-grow. Basta ito lang masasabi ko. Ang sarap mabuhay. Kung noon gusto ko ng mamatay, ngayon ... hindi naman ako natatakot mamatay pero mas ok pa rin ang extended ka ... mas marami pang magagawa at pwedeng maranasan. :)))
Subscribe to:
Posts (Atom)