Bat ganun?? Ang sarap mag-procrastinate. I mean .. ayun .. pag may pinagagawa .. magandang example yung sa school . .. una .. tatamarin ka. Iniisip mo kasi na malayo pa naman ang deadline. Tapos .. ilang araw .. ang tigas mo pa rin talaga .. di ka pa kikilos kahit na nagpaparamdam na sayo ang mga dapat mong gawin. tapos .. ayun na. Ang bilis ng araw .. deadline na pala! Rush ka tuloy ngayon !!! Overnight sa desk, antok antok pa nung pumasok sa school dahil tinapos ang dapat tapusin.
Nakakainis pag ganito no. Sabay magsisisi ka sa huli at sasabihin sa sariling, "I will not do this again.. " pero after sometime ganun pa rin naman. Pero kasi di mo rin masisisi ang sarili mo kung ganito ka. Eh sa nakakatamad naman kasi talaga e. Isa pa, madalas ang magagandang ideas nalabas kapag gahol ka na sa oras. Yun nga lang e . pagod na pagod ka.
Parang ngayon lang. Marami pa akong dapat gawin. Ilang chapters ang dapat kong basahin sa Psychology at Sociology. Dapat ko na ring umpisahan ang survey. May research paper pa kami sa P.E. Ang kalat pa ng desk ko. grabe. Andami kong dapat gawin .. pero tinatamad ako. Kumapara naman sa mga yun mas masarap humarap sa computer at mag post sa blog. Naman! hahaha! Pero teka .. malapit na mag - 1 .. di pa ko nakain. Grabe.